Chapter 21- Missing
Kasalukuyan akong nandito sa harap ng isang gate kung saan walang nagbabantay. Ngayon ko lang gagawin ito sa tanang buhay ko.
Tiningnan ko muna ang paligid baka kasi may makakita sa akin.
Nang masigurado na wala ng tao sa paligid ay agad kong inakyat ang gate ng school.
Punyemas na paldang ito. Bakit ba kasi ang ikli nito? Kung may tao siguro dito baka nakitaan na ako. Hayss hindi na talaga ako mag susuot ng paldang ito.
Malapit na ako makatawid. Nang makahakbang sa kabilang parte ng gate ay nagulat ako ng bigla na lang ako madulas. Shet.
Hinintay ko ang paglapat ng katawan ko sa lupa pero mga matitigas na braso ang pumalibot sa katawan ko.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita ko ang nakangisi nyang mukha. Teka, ano naman kaya ginagawa nito dito?
"Got you, My warfreak" nag wink pa sya sa akin. Isang isnab ang pinakawalan ko bago nya ako dahan dahang ibaba sa lupa. Pinagpagan ko muna yung sarili ko bago sya harapin.
"Sa-salamat" pinulot ko yung bag na binili sa akin ni Bliss. Pinagpagan ko ito dahil nadumihan sya pag bagsak ko. Hayss nakakahiya naman kasi kay Bliss.
Bakit nga ba ako lumabas ng school? In short~ nag cutting. Syempre para kalmahin yung sarili ko at para makaiwas na din sa Maxine na yun. Mula kaninang umaga kahit anong gawin kong iwas ay pinag tatagpo pa din kami at sa tuwing magtatagpo kami ay hindi maganda ang kinakalabasan.
"Warfreak, where you going?" napansin ko na sumabay sa akin ng paglalakad si Laxcris.
"Wala ka na dun" mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Kahit niligtas nya ako kanina hindi pa din dahilan yun para kausapin at maging mabait ako sa kanya.
Iiwas ako sa kanya hanggat kaya ko. Ayaw kong mapalapit sa isang flirt na kagaya nya. He's a jerk and such an asshole.
"Pwedeng sumama?" hindi ko pinansin ang ngiting aso nya sa akin. As if naman na isasama ko sya. Never!
"Hindi pwede" sige lang! Bilisan mo lang ang paglalakad.
"Nag cutting classes ka noh?" sandali akong natigilan sa tanong nya. Hayss bawal kasi ang cutting classes sa school na ito eh. Guidance agad ang bagsak ko pag nalaman ng mga student councilor at mga guidance teacher. Paktay ako nun. Delikado ang pagiging scholar ko. Bakit ko ba kasi naisipan na mag cutting classes? "Hoy ano? Umamin ka na kasi warfreak. Tsk, susumbong kita kay Ms. Miam" taena, kilala nya yung matandang dalagang guidance councilor namin? Hayss mag isip ka na ng paraan Mei.
"Ahmm hindi noh!" sige mag isip ka lang ng palusot. "May pinabibili sa akin si Sir Arnold~ OO! tama! Yun na nga! May pinabibili lang sa akin kaya ako lumbas ng school" sige Mei, galingan mo lang ang pag arte mo. Para din ito sa ikakabuti mo.
Nakita ko ang pag cross arm nya habang taimtim na nakatingin sa akin. Parang pinag aaralan nya kung nag sasabi ba talaga ako ng totoo o hindi.
"Eh bakit dyan ka dumaan? Bakit hindi dun sa main gate?" napalunok ako
"Ahh kasi~ ahmm mas malapit itong gate na ito. Ang haggard naman kung dun pa ako sa main gate dadaan diba?" sana bumenta yung mga palusot ko sa kanya. Ayaw ko matagkalan ng scholarship. Hayss bakit ba kasi may nalalaman pa akong pa cutting cutting sa klase. Ayawn tuloy nang yari. Ampotchi, ambilis ng karma ko.
"Talaga ba?" tumango ako "Good! Tara" hinila nya ako
"teka! San mo ako dadalhin?" takang tanong ko sa kanya. Alam ko na may plinaplano ang isang ito. At alam kong di maganda ang plinaplano nya.
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING)
DragosteMeisha was just a simple girl who lived in a simple life in the province. Ulila na sya sa mga umampon sa kanya at nakatira na lang sya sa pinakamayaman na pamilya sa probinsya nila. Nagtatrabaho sya dun at mabait naman sa kanya ang lahat. Except one...