Promises - one shot

567 13 0
                                    

Rita's POV

"Okay cut!! Nice one, Rita and Ken!! You can now have your 45mins break and after that, take ulit tayo ha?" Sabi ng direktor namin sa ginagawa naming serye ni Ken.

"Noted po, Direk!" Maikling banggit ko naman sa aming direktor.

"Ok sige" maikling tugon niya sa sinabi ko. " next scene tayo please!"

Sigaw ng direktor sa mga kasama
namin sa set.

------
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Ken ang kamay ko,

"Huy, ano to?"

"Wala lang!"

"Susss, ikaw talaga" sabay ng aking pagsabi ay sabay din ng pagtampal ko sakanyang kaliwang pisngi

"Ta"

"Oh?"

"May 45 minutes break tayo bago tayo mag take, tara sa dalampasigan? Upo tayo dun!" Masayang sabi sakin ni Ken habang nakahawak padin sa kamay ko

"Oh sige, tara!"

Oo nga pala! Nakalimutan ko banggitin, nandito kami nag ta-taping sa Five Fingers dito sa Mariveles, Bataan. Sobrang ganda dito! Puti ang mga buhangin, kulay asul ang tubig ng dagat at ang daming Sea Orchins na nagkakalat dito. At higit sa lahat, sobrang peaceful dito. Hayyy, ang sarap mag refresh ng utak. Habang ako ay nasa kalagitnaan ng aking pag de-daydream, bigla naman akong ginulat ni Ken

"Huyyy!" Pangugulat niya saakin

"Ayyy kabayo!" Banggit ko dahil sa gulat at hinampas ko siya ng malakas sa kanang braso nya.. Hayyy ang kulit kasi eh

"Luh! Di naman ako kabayo eh! Grabe ka sakin, Ta!" Sabay tawa niya!

"Ikaw kasi, bat ka ba bigla biglang nangugulat ha?"

"Wala lang trip ko lang!" At mas lalo pang lumakas ang kaniyang tawa

"Ikaw ha!" Sabi ko at sabay tampal sa kaniyang kaliwang pisngi!

"Tara na nga Ta upo na tayo! Hahahaha!"

"Mabuti pa nga, Ken!"

-----------
Ken's POV

Nakaupo na kami ngayon ni Rita dito sa puting buhangin. At pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa mga paa namin.

" Ta?" Tawag ko sakaniya. Gusto ko kasing makipag kwentuhan sakaniya eh!

"Oh bakit?"

"Ta, pwede ba tayo mag kwentuhan?"

"Oo naman! I would like too!" Sagot niya. Hayy, salamat game siya!

Kailangan ko munang iopen up sakaniya yung team up namin. Kailangan lagyan namin ng tuldok kung hanggang saan lang kami. Kasi mahirap na, baka may Boyfriend siya at baka mahulog din ako. Kaya kailangan din 'to para walang masaktan ni isa saaming dalawa.

"Huy, Ken!" Nagising ako sa realidad nung tawagin niya ako.

"Bakit?" Tanong ko

"Ano pag uusapan natin?" Bakas sakaniyang maamong mukha na excited siya.

"Ano, ahm! May boyfriend ka ba?" Tanong ko

"Wala naman bakit?" Tanong niya saakin.

"Gusto ko lang sana linawin yung team up natin. Kung pwede lang?" Sagot ko

"Oo naman, sige!" Sagot ni Rita

RitKen One Shots Stories CompilationsWhere stories live. Discover now