Prologue
"Uno! Tawag ka ni San Pedro!" malakas na sigaw ng isang magandang nilalang na nakasuot ng napakaputing bestida at may mataas na pakpak na napakaputi rin.
Hindi natinag ang tinawag nito. Nagpatuloy pa rin sa pagkakatulog sa isang parte ng langit ang tinawag nitong Uno.
"Hoy! Gising! May ipapagawa daw sa atin si San Pedro. Gising Uno!" pagpupumilit nito at hindi na nakatiis ay sinipa si Uno sa paa, enough para magising ito.
"Aray naman!" exaggerated na sigaw ni Uno. "Ba't ka naninipa? Ang sarap na nga ng panaginip ko. Disturbo naman eh!" maktol ng babaeng anghel na nakasuot rin ng katulad ng sumipa sa kanya. Ang pagkakaiba lang nila ay ang kulay ng buhok at mga mata.
Brownish red ang buhok ni Uno, brown rin ang mga mata while the other angel was a blonde at blue ang mga mata. Pareho silang may white pale skin at syempre dahil mga anghel, superb rin sa ganda.
"Tawag ka ni San Pedro! Hoy!" sinipa ulit nito si Uno dahil aakto na namang babalik sa pagkatulog.
Yamot namang napatayo na lang ang anghel. "Oo na! KJ ka talaga Dos!" maktol nito at inayos ang medyo nakusot na bestida. "Nasaan si Tres?" naghihikab pa na tanong nito.
"Nandoon na. Ikaw na lang hinihintay." Lukot-mukhang sabi ni Dos. "Tumawag kaya sya thru link. Sinara mo naman link mo ano?" dagdag na sabi nito while dragging Uno kung nasaan si San Pedro. Daig pa kasi nito ang pagong sa hina ng paglalakad at panay pa rin ang hikab.
"Ayy di ko napansin." Hindi interesadong sabi nito.
Dos shook her head at hindi na lang umimik sa kawalang interes ng kaibigang anghel sa mga sinasabi nya. Sanay na kasi sya dito. Ang pagiging tamad at walang interes ni Uno ay nakasanayan na ng dalawang kaibigan nito.
Nakarating sila sa desk ni San Pedro kung saan panay ang himas sa manok nito. Nakatayo naman ang isang anghel sa gilid ng mesa ni San Pedro na nagngangalang Tres. Ang pagkakaiba nya sa dalawang anghel ay ang balat nyang morena at maitim na buhok, ang mata nya'y kulay itim rin. Pero may common naman silang tatlo, parehas lang silang magaganda.
"Pusta ko, natutulog na naman yan nung nakita mo." Bulong ni Tres kay Dos ng makalapit na sila dito.
Tumango lang si Dos sa kaibigan at nagmake face. Ngumiti lang ng nakakaloko si Tres at pasimpleng binatukan ang nakayukong si Uno na parang natutulog na naman.
Kahit nakatayo'y kaya nya pa ring matulog. Sa isipan ni Tres.
"Tokwa! Sino yun?" nagising naman na turan ni Uno na napahawak pa sa ulo. Masakit kasi yung pagkakabatok sa kanya at dahil nakapikit naman sya kanina'y hindi nya malaman kung sinong nambatok sa kanya sa dalawang kaibigan na ngayon nga'y walang emosyong nakatutok na kay San Pedro. "Sinong nangbatok sa akin?!" galit na dagdag nito. "Lintik na-"
"Uno! Nasa langit ka tapos puno ng hindi magagandang mga salita yang bunganga mo!" tumayo ng sabi ni san Pedro na hawak-hawak pa rin ang manok sa isang kamay.
"Sorry po." Parang asong tuta na kumalma naman si Uno. Narinig nya namang tumawa ng mahina ang dalawang kaibigan.
Lintik lang ang walang ganti. Sa isipan ni Uno habang nakatingin ng masama sa dalawa. Sa isipan nya'y hindi matatapos ang araw na to na hindi sya nakakaganti sa mga ito. Sa pagsipa ni Dos sa kanya at pambabatok ni Tres. Oo, alam nyang si Tres ang nambatok sa kanya. Lakas kasi kung makangising aso yung gaga ngayon sa kanya.
Matagal na silang magkaibigan kaya kahit nakatalikod o nasa malayo pa ang mga ito'y makikilala nya pa rin ang mga ito. Even their expressions, alam na alam na nya. Ganun rin naman ang mga ito sa kanya. Mga bestfriends kasi sila.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARY
Fantasy"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...