AMETHYST
"Calm down. Calm down. Breath in, breath out." Pagpapakalma sa akin ni Jez. Ginawa ko naman ang sinasabi nya. "Yan. Tuloy mo lang yan."
"Pero---"
"Hep, kalma lang. Inhale, exhale." Ginawa ko ulit.
"Jez, I'm really---"
"Oops, what did I say?" Putol na naman nya sasabihin ko. "Kalma muna. Inhale, exhale." Matapos ang ilang minutong inhale, exhale na yun ay hinayaan nya na din akong magsalita.
Nandito kami ngayon sa gallery ko. Tumakas ako kina Andrea at sa mga guards ko para makipagkita kay Jez. Hindi ko na kasi kaya ang nasa saloobin ko. Hindi ako makapaniwalang pinaglalaruan ako ng tadhana.
Hinayaan nya akong magkwento simula sa simula at sa mga nangyari sa ginawa kong kabalbalan sa wishing well at kung anong sitwasyon ko ngayon.
"What?" As I expected. Ganun nga ang reaction ni Jez. "Nagdadrugs ka ba?"
"Jez naman, eh. Totoo yun, bes."
"Eh," tinignan nya ako ng matiim. "So, that explains why biglaang dumami ang suitors mo."
"Uh-huh." I agreed.
"Do you think, hmm, I could, you know, do the same?"
"You don't want to be in my situation, do you?"
"Ay, no, thanks. Okay na ako sa isa basta totoong nagmamahal sa akin."
Nalungkot naman ako sa sinabi nya.
"I'm sorry, bes. Hindi ko sinasadya." Nakita nya sigurong nalungkot ako sa sinabi nya.
"Kung kailan ako nagpasyang ibigay na lahat, dun ko pa nalaman na katulad din pala sya ng tatlo, isinumpa." Frustrated na sabi ko.
"Bes," lumapit naman ito at hinawakan ang isang kamay ko. "Maayos din ang lahat ha. Let's find a way to fix it."
Ang tanong, paano?
Just when I'm thinking like that, tumawag si Buttercup sa akin. She said, they know how to fix the problem daw.
Masaya kong ibinaba ang telepono at agad silang pinuntahan. Naiwan si Jez sa gallery dahil kailangan naman ng magbabantay dun.
Maingat akong umalis at pinuntahan ang powerpuff girls. Sana nga maayos na ang gusot na 'to. Ayoko na ring makasakit ng tao. Okay ng ako ang masaktan, basta wag lang madamay ang iba.
+++
THE ANGELS
"Anong sabi nya?" Tanong ni Uno kay Tres na nagbaba na din ng telepono at nilagay sa bulsa.
"Pupunta daw sya." Sagot ni Tres.
"So, magmamadam Claudia ka na ulit?" Excited na tanong ni Dos dito.
Umirap lang si Tres dito at naupo sa couch. "Wala naman akong choice." Sagot ni Tres.
Nakakalokong nagtinginan si Uno at Dos. Tsaka sila lumapit sa isa't isa at nagbulungan.
"Pagpumiyok sya ng tatlong beses, ipapatikim mo sa akin si Life." Bulong ni Uno kay Dos.
"Ano?" Tinaasan ng kilay ni Uno si Dos. "Aish. Sige na nga. Basta paghindi sya pumiyok at nanalo ako, pipitikin ko yang ilong mo ng sampung beses." Nakangising sabi ni Dos.
Napahawak tuloy si Uno sa ilong nya.
"Ouch naman yun. Pero bakit ilong?"
"Wala ka na dun." Sabi naman ni Dos.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARY
Fantasy"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...