AMETHYST
"Thank you. I really enjoyed the day." Sabi ko kay Andrea bago ako pumasok ng tuluyan sa mansion. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan, na nasa harapan ng mansion. Tumango lang naman ito at ngumiti. Nga pala, nasa passenger side na ako nakasakay. Hindi na sa backseat. Wala lang, trip ko lang. "Sige, pasok na ako." Tumango ulit sya. Err. Kailangan ko ng pumasok sa bahay. Baka may magawa pa akong pagsisisihan ko pa sa huli.
Agad akong bumaba sa kotse at pumasok na ng bahay. Pagsara ko ng pinto ay napasandal muna ako dun at napangiti. Hindi ko mabura yung ngiti sa mga labi ko. Ngayon lang kasi ako naging masaya ulit ng ganito.
"Uwi pa ba 'to ng matinong babae," nagulat ako sa nagsalita. Ngunit napangiti na din ako ng makita ang mga ito.
"Nakakagulat naman kayo. Kumain na ba kayo?" Err, ngiti? Bakit nakaplaster ka pa rin sa labi ko?
"Hindi pa dahil hinihintay ka namin." Sagot ni Blossom. "Saan ka nanggaling?" At nakacrossed arms pa. Actually, silang tatlong babae lang ang nakacrossed arm. Si Mojojojo naman ay umiiling na nakatingin sa tatlong babae. Parang nahihiya sa ginagawa nila.
"Eh, ano..." sasagot pa lang sana ako ng---
"Bakit gabi ka na nakauwi?" tanong ni Bubbles.
"Ah..."
"Ni magtext hindi mo man lang ginawa." Si Buttercup naman 'to.
"Nag-alala kami sa'yo."
"Akala namin ano ng nangyari sa'yo."
"Hindi mo man lang naisip na may naghihintay sa'yo."
Ngek. Grabe 'tong mga batang 'to. Nadaig pa nanay ko.
"Ah, eh..."
"Ano? Sumagot ka, Ate Amey?"
"Ngayon nalunok mo na dila mo?"
"O nandyan pa ba kaya dila mo? Baka may iba ng lumunok?"
Hala sila! Sunod-sunod pa kung magsalita at magtanong sila. Nadaig na talaga nila nanay ko at kahit mga pulis pa siguro sa pag-iinterrogate. Napakamot na lang ako sa batok habang nakikinig sa kanila.
"Girls, girls!" Si Mojojojo. "Paano makakasagot si ate Amey kung puro kayo dada? Sunud-sunod pa kayo kung magtanong!" Whew. Buti naman nakinig sila kay Mojo. Tumigil sila, eh. Pero ang cute lang kasi nakacrossed arm parin silang naghihintay ng sagot ko.
They are tapping their heels impatiently. Para tuloy akong nagkaroon ng tatlong big sisters that is so strict.
"Dinner is ready," sakto naman ang dating ni Lorenzo.
"Dinner daw." Nakahingang maluwag na sabi ko sa mga ito pero hindi man lang sila tuminag. "Ah, err, anong ulam Lorenzo?" Tanong ko na lang dito. Ewan ko ba pero parang nagiguilty ako na hindi ko mawari. Nakakaintimidate yung tatlong batang babae. Nye!
"We have pecking duck, roasted turkey----"
"Pecking duck and roasted turkey?" Putol ng tatlo kay Lorenzo. Tumango naman si Lorenzo.
"Nagugutom na ako." Bulong ni Blossom sa mga kapatid.
"Ako din." Sabay na sabi ni Bubbles at Buttercup. Pabulong din.
Napangiti ako.
"Kain muna tayo tapos sa kwarto ko na tayo mag-usap mamaya. How about that?" Pinanliitan nila akong tatlo ng mata. I saw Mojojojo rolled his eyes sa reaksyon ng powerpuff girls.
"Come on! Halata namang gusto nyo ng kumain." Mojo stated.
"Let's go?" aya ko. Nagbulungan pa ulit ang tatlo.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARY
Fantasy"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...