THE ANGELS
"Background check tayo, girls." Sabi ni Tres kasabay ng pag-upo sa single seat couch ng condo nila.
"Pwede muna matulog? Nakakapagod ngayong araw ha." Papahulog na yung mga mata ni Uno habang prenteng nakahiga sa malapad na couch.
"Matutulog ka dyan?!" Tinapik ng malakas ni Dos ang hita ni Uno sanhi para magulat ang isa at mapabangon sa sakit.
"Putyangi---"
"Uno, bad yan..." si Tres.
"Di ko naman tinuloy." Nakangusong defend ni Uno. "Pero awwwwwwtttsss!" Hiyaw nito.
"Late reaction, Uno?" Dos rolled her eyes tsaka tumabi na sa nakaupong Uno na hinihimas ang hitang pinalo kanina ni Dos. "Tss. Oa!"
"Tama na yan!" Si Tres.
"Ang sakit lang kaya!" Patuloy na hinaing ni Uno.
"Tama na yan!"
"Ang hina nun, Uno. Wag ka namang over kung makareact."
"Tama na yan!"
"Anong mahina?! Magrereact ba ako kung di masakit? Napakainsensitive mo! Wala kang pakialam sa feelings ko, Dos!"
"Tama na yan!"
"Feelings, Uno? Ako pa ang sinasabihan mo na insensitive?"
"Tama na yan!"
"Totoo naman! Lagi mo na lang ako sinasaktan... physically!"
"Tama na ya---"
"Girls, stop. It's annoying." Epal ni Saint Paul. "Wala kang originality Tres. Sa pabebe girls pa rin ang credit nyan." At umupo ito sa vacant seat ng sofa. Natigil nga ang pagiging pabebe ng tatlo. They respect a lot the saints kaya kahit anong utos ng mga ito sa kanila'y ginagawa nila. But yeah, there's always an exception, nakalimutan kong pasaway nga pala tong tatlong anghel ko. Hahaha!
"So... Ano bang kaganapan nung nagkahiwalay tayo ng landas nung isang gabi? Balita ko, nakita nyo ulit si Rea slash kiss stealer?" Pag-uusisa ng Santo.
"Ay sorry, saint. Magrereport na sana kami eh." Si Tres. "Pero since nandito ka na, kwekwento na lang namin."
"Okay. Mabuti pa nga." At prenteng naupo ang santo at sa isang pitik ng daliri'y may nagpop na isang bowl ng popcorn sa kamay nito. Wala ng nasabi ang tatlo sa ginawa ng santo. Nagde kwatro ang santo at kumain muna ng isang popcorn tsaka sinabing, "Simulan nyo na ang pagkwekwento."
"O-opo... Uno!" saway ni Tres sa isang anghel na pasimple pang kumuha ng popcorn ni Saint Paul. "Respect!" Pinanlakihan ng mata ni Tres ang anghel.
Ngumuso si Uno at di pinansin si Tres. "Penge saint ha? Friends naman tayo." Si Uno na kumuha na nga ng popcorn ni Saint Paul at sinubo ito at nagpeace sign.
"No problem, Uno. Here's more." Cool na sagot ng Santo at binigyan ng isa ring bowl of popcorn si Uno.
"Yehey! Thank you, Saint! You're the best! Ayeee..." Uno squeal at bumelat sa pailing-iling na si Tres.
"Your welcome." Tuwang-tuwang sagot ng santo. Aliw na aliw lang din talaga sya kay Uno. "Sige na kwento na kayo or kung gusto nyong mapadali lahat, why not magbig screen na lang tayo dito ng flashback para mukhang nanonood lang tayo ng sine?" Suggest ng santo.
"Good idea!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Alright. Do it then." Sabi ng santo.
"Sige na Tres. Kaya mo na yan." Sabi ni Uno na umayos ng upo habang kumakain ng popcorn.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARY
Fantasy"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...