AMETHYST II: Ang Drayber

375 22 0
                                    

THE POWERPUFF GIRLS

"Oh my, my, my, ang haba ng hair ni Ate Amey. Tatlong naggagandahang prinsesa ang natuhog sa isang beses lang na malandiang kembot sa kanilang harapan." Litanya ni Blossom.

Nakasilip ngayon ang tatlo mula sa loob ng bintana ng taxi. Nakatingin lang sa pinag-aagawang babae.

Bakas ang kalituhan sa mukha ni Amey dahil sa nangyayari sa kanya at the same time sakit, marahil nasasaktan na ito sa ginagawa ng tatlong naggagandahang ale.

"Oo nga. Ang hot ng haponesa oh." Bulalas ni Bubbles.

"Mas cute kaya si Nurse. Kahit mas maliit sya, ayun oh, parang majujudo pa ata nya yung dalawa." Natatawang sabi ni Blossom.

"Mas hot si business woman. Tignan nyo ang legs. Anshexy!" Napapito pa si Buttercup pagkasabi nun. "Pero seriously, di natin tutulungan si Ate Amey? Parang nahihirapan na sya oh. Kagagaling pa naman nya sa hospital."

"Wala naman tayong magagawa laban sa tatlong dalagang yan. Ano lang ba tayo? Mga mumunting cute na dalagita. Unexperienced tayo lalo na sa jumbagan at sampalan. Wala tayong magagawa. Mahihina tayo. Talunan." At tumingin ito sa kawalan.

"Umeemo ka na naman, Blos. Tss." Si Bubbles. "Pero may tama ka, wala nga tayong laban physically sa kanila."

"Pero sinasaktan na nila si Ate Amey, Bub! We need to help her!"

"No, Butt. Can't you see, were just ordinary teenagers na kikay at pacute lang alam. Masapak pa lang yung magandang feslak ko dyan, nakuuu..." sagot ni Bubbles kay Buttercup. "Pero Butt..."

"Wahahahaha!" Tawang baliw ni Blossom na nagpatigil sa usapan ng dalawa. Both of them throw her a questioning look. "Ulitin mo nga yung palayaw mo sa kanya, Bub." She playfully popped Bubbles shorten name in her mouth. A smirk, still on her face.

"Butt... teka ano bang---"

"Sagwa kasi. Amfufu!" Tsaka tumawa na naman ito ng malakas.

"Ang sagwa nga. Whole name na lang uli. Wag na yung shorten." Ika ni Buttercup.

"Hookay." Bubbles surrendered. Kawawa naman kasi si Buttercup kung yun ang itatawag nila sa kanya.

"So, audience lang tayo dito? Mukhang nasasaktan na talaga si Ate oh." Buttercup insisted.

"Wala nga tayong laban sa--- oh my god! Para na nilang hahatiin si Ate Amey!" Blossom squirmed.

"Tulungan natin!" akma ng lalabas si Buttercup sa taxi ng nauna ng lumabas ang driver ng taxi at lahat na lang sila'y nagulat na effortlessly, nahila nito si Amey from the three gorgeous lady.

+++

AMETHYST

What had just happened? Anong nangyayari? Can please someone explain this sh*t to me? Andaming hiwaga ng araw na to sa akin. Wattahell is happening?

Kaninang umaga, gumising ako sa hospital tapos paggising ko may tatlong cute na dalagita na akong kasama. Tapos ng lumabas ako, tatlong beses akong aksidenteng nabunggo sa magagandang babae then bigla-bigla na lang akong hinabol ng tatlo when i was about to ride on the taxi. Ang nakakagulat pa eh, the three gorgeous lady is claiming na sila'y mga girlfriend ko! F*cking insane! Straight kaya ako! Tapos ngayon, itong taxi driver ay panung bigla nya na lang akong naagaw sa tatlo na walang kaabog-abog. Panu nya nagawa yun?

At ngayon nga, kasama ng powerpuff girls, tulala kaming nakatunghay sa driver na ngayon lang din namin napansin na isa palang babae. And look at her folks, she's goddamn gorgeous! Eff, ikaapat sya sa pinakamagagandang babae na nakilala ko ngayong araw. Or should i say, pinakanumber one na maganda. Sheyt! Kailan lang ako naging appreciative sa kapwa ko chix? Naalog siguro utak ko nung natamaan ng bato ni Buttercup, ano? Tapos nagkaroon ng confuse state o reshuffle ang x and y chromosomes ko, tapos eto nga, bakit feeling ko'y natotomboy ako na tumitingin kay miss taxi driver? Ugh! Ano ba to?

Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon