AMETHYST VII: Ang Nagmamay-ari

237 19 0
                                    


A/N:

This chapter is a back track about the suitors of Amethyst. Keep reading and don't miss out any information. Muchos gracias! Xoxo

+++

THIRD PERSON

Hindi mo talaga malalaman kung anong mangyayari sa mga susunod na mga araw sa buhay mo. Isang araw, nariyan ka lang sa comfort zone mo, nakaupo at maghapong dumideal sa problema ng mga tao sa lugar na iyong kinasasakupan (Aries), o naghahanda o nagpaplano ng mga masasarap na recipe at pakulo para sa iyong lumalagong restaurant (Solar), o busy'ng busy sa mga pasyenteng labas pasok sa hospital (Josielyn), at hindi mawawala yung tumatambay lang at naghihintay ng pagkakataong magkaroon ng gagawin (Alexandria).

Sa pang-araw-araw na ginawa ng Diyos, yun na lagi yung ginagawa mo, nakasanayan mo na. Until such then, yung akala mong boring at yun na yun na lang na ginagawa mo sa buhay mo ay bigla na lang may mga pagbabagong hindi mo inaasahan. Hindi lamang maliit na pagbabago kundi hindi mo aakalaing pagbabago na magkakaroon ng malaking epekto sa akala mong normal nang takbo ng iyong buhay.

JOSIELYN

Hindi naging madali ang buhay ko. Bago ako nakarating sa profession ko ngayon ay marami pang butil ng pawis ang tumulo sa katawan ng aking Ina para magkaroon ako ng magandang kinabukasan. Kaya naman kahit anong hirap ng profession na napili ko, kahit lagi akong kulang sa tulog, kahit napapabayaan ko na minsan ang aking sarili'y pinangako kong ako'y isang magiging mabuti at dedicated na nurse. Pangako ko sa Nanay kong nagpakarahirap akong alagaan at pag-aralin. Namasukang katulong sa isang mayamang pamilya para ako'y matustusan. Kaya no matter what, I will love my job, being a nurse at LGH, till my last breath.

Kaya yun din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit wala pa din akong katuwang sa buhay ngayon. I'm so busy with my career na hindi ko na namalayang lumilipas na ang panahon.

May mga nagtangka namang nanligaw at pumasok sa buhay ko pero ewan ko ba, hindi pa lang siguro ako handa at yung career at Nanay ko ang mga pinakapriority sa akin ngayon.

At dahil din sa kanya kaya ka pa single hanggang ngayon.

Huh? Saan nanggaling yun? Tsk. Umeepal na naman ang utak ko. Minsan talaga may sarili syang  "command" para umepal lamang.

Anyway, dapat ko na nga din sigurong tigilan ang pag-iisip sa taong yun dahil ilang taon na nga ba? 5 years o 6 years? I lost count. Hindi ko na uli sya nakita pero sa tuwing naiisip ko sya, hindi ko mapigilang mapaisip ng malalim. Hay. Ititigil ko na nga 'to bago iba na naman ang pumasok sa isipan ko.

"Ang lalim ng buntong-hininga na yun ah," napansin na naman ako ng bestfriend kong isang nurse din. Si Garnet or you can call her Gare.

"Pampachill yun bago ko puntahan yung masungit kong pasyente sa 115," palusot ko. Pero totoo naman kasi. Porke't kapatid ng Vice Mayor, napakaarte at paespesyal na.

Eh kung hindi ba naman maglaslas ang bruhang pasyente na yun dahil lamang daw sa nabigo sa pag-ibig tapos dadamayin pa kaming nandito sa hospital sa katarayan nya. Good luck na lang sa aming lahat!

Hindi naniniwalang tinignan lang ako ni Gare. Nagduck face lang ako sa kanya at mabilis na dinakmal ang checkboard sa kanyang kamay at umalis na sa nurse station bago pa nya ako gisahin ng tanong at tukso. Kilalang-kilala na nya ako at iniisip ko. Yung taong yun, nakwento ko na rin sa kanya pero tinago ko ang ibang detalye dahil natatakot akong husgahan nya.

Mabilis na akong nagrounds sa mga pasyente ko ng araw na yun. Checking if everything is okay, at kung maayos ang mga kalagayan nila. Pabalik na ako sa Nurse Station ng may maalala akong nakalimutan ko pala ang ballpen ko sa room 115. Agad akong bumalik ng bigla na lang akong nagclash sa isang babae. Muntikan na itong humalik sa sahig kung hindi ko ito naalalayan.

Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon