WARNING: SPG ALERT. READ AT YOUR OWN RISK.
+++
AMETHYST
"Happy birthday, Amey!" Sigaw ni Jezekiah sa kalagitnaan ng dance floor. Nasa bar kami ngayong dalawa. Celebrating my birthday. Yes, it's my fucking birthday.
Gusto ng parents ko na magcelebrate ng bongga pero ang sabi ko sa kanila ay isabay na lang sa engagement ko. Pumayag naman sila. Mas masaya pa nga sila sa naging desisyon ko.
Para sa akin, ano pang silbi ng engrandeng celebration, kung ilang araw na lang ay matatali ako sa taong hindi ko naman mahal.
"Happy birthday to me!" Sigaw ko rin sa crowd. Ang mga malalapit lang naman ang magkakarinigan sa sobrang ingay dito. Lahat nag-eenjoy lang sa piniplay ng DJ.
Nakalimutan kong saglit ang problema ko. Nakalimutan ng saglit ang mga gumugulo sa aking isipan.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming sumasayaw ni Jez. Iilang lalake at babae na rin ang nagtangkang makipagsayaw sa amin pero hindi ko naman tipo. Kay Jez? Ewan ko. Basta nagsaya lang kami. Yun naman ang purpose ng gabing ito. Ang magsaya.
Nang mapagod na kami ni Jez ay bumalik muna kami sa table. Timing naman ang pag-alis namin dahil nagpatugtog ng slow song ang DJ. Naupo ako sa table at kumuha naman ng drinks si Jez.
Nang makabalik ito ay agad kong tinungga ang isang bote ng beer. Uhaw bes.
"Wow ha. Mauubusan ka ng beer, te?" Asar sa akin ni Jez.
Sa halip na sagutin ay tinungga ko ulit ang isang bote ng beer.
"Kanpai!" Sigaw ko at nakipagtoast dito. Pangtatlong bote, bes.
Natatawa naman itong nakipagtoast sa akin.
"Hinay-hinay lang, uy!" Sita nya sa akin.
"Okay lang yan. Marami naman akong alalay." Tsaka ako tumawa.
"Ay, speaking of alalay. Ang hot pala nung driver mo. Tingin mo single sya?" Nag-init ang tenga ko sa narinig kay Jez.
"Lesbian ka ba? Parang lately lagi ka na lang nakyukyutan sa girls. Pati yung mga manliligaw ko, trip mo din."
Tss. Sa'yo na sila. Wag lang si Andrea. Brain, ano yan?
"Hala sya. Eh sa hot naman talaga sila. Pero seryoso, maglilihis talaga ako ng landas dahil sa driver mo." Kinikilig pa ang bruha.
"Pwede ba, uminom ka na lang. Nakakaumay ka kausap." Ang landi. Kainis. Uminom naman ito. Nakakasira ng mood to si Jez, eh.
"Selos ka 'no?" Mapang-asar talaga 'tong gagang 'to. Inirapan ko lang sya. Tumatawang tumungga naman ito sa beer nya. "Grabe yung mga guards mo, kitang-kita ko sila kahit saan."
"Ha?" Tanong ko. Hindi ko nga sila napansin.
"Lalo na yung Maurice. Pero in-fairness, ang cute nya." Hayan na naman sya. Kailan ba mag-aout 'to si Jez? Hindi man lang napansin yung mga machong bodyguard ko. Si Maurice pa talaga ang napansin. Hmm.
"Pero seryoso, bru. May napili ka na ba sa tatlo mong suitor or confuse ka pa rin sa driver mo?" I stared at her, blankly. "Totoo nga, bru. Spill it. Malapit na ang engagement, oh. Hahayaan mo na lang bang magtagumpay ang parents mo?"
Oo, nakoconfuse ako sa feelings ko. Lalo na kay Andrea. Hindi ko alam pero sa tatlong very suitable at mga professional na suitor ko, kay Andrea pa ako nagkakaganito.
"Hindi ko alam." Tangina, pang-apat na bote na 'to!
"So wala kang napili? Sino ba talaga?"
"Ang kulit mo, Jez. Hindi ko nga alam."
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - FEBRUARY
Fantasía"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...