Chapter 02 - Victim

23 3 7
                                    

02

*   *   *


Hindi ko maiwasang mapatingin sa isang grupo ng mga estudyante. Hindi ako maaaring magkamali. Kahawig ang uniporme nila sa suot ni Matthew. Titig na titig ako habang nginangatngat ang straw ng aking inumin. 


"Anna, nakikinig ka ba, ha?" naiiritang tanong sa akin ni Trisha at nasa isang cafe kami ngayon malapit sa opisina. 


Sinadya niya akong puntahan at napakalaki raw ng panghihinayang niya sa akin. Gusto niya talaga kasi akong pumunta doon sa yayaan ng magbabakarda at kararating lang ng kaibigan naming si Hans galing ibang bansa.

"Trish, alam mo ba kung sa anong school 'yan?" sabay turo ko sa kinaroroonan ng mga estudyante. 

Rinig na rinig ko ang kanyang buntong-hininga at iniba ko ang takbo ng aming usapan. Hindi naman sa ayaw kong pag-usapan ang hindi ko pagsipot kagabi. Sadyang naagaw lang ng aking pansin ang kumpulan ng estudyante sa katabing mesa.

"St. Celestine University. Mayayaman ang mga pumapasok diyan. Pansin mo 'yang malaking gusali sa intersection?" 

"Ah, ok. Diyan pala siya nag-aaral kaya pala pamilyar ang uniporme niya," tukoy ko kay Matthew. 

Itinuon ko ang pansin sa inuubos kong juice nang biglang paluin ni Trisha ang aking braso. Syempre napaaray ako at nagtanong kung para saan ang ginawa niya. 

"Hoy, malayo ang agwat niyo. Baka nakalimutan mong  bente singko ka na. Yung batang yun baka nasa desi otso pa," marahil tukoy niya kay Matthew at ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari kagabi.

"Baliw ka ba? Hindi pa ako ganun ka desperada para pumatol sa mas bata pa sa 'kin. Bawal bang magtanong kung sa anong school 'yan?" sabay turo ko sa mga estudyanteng nakatingin sa 'kin. 

Mabilis namang nagsalita yung isang binata na tila nagulat sa pagtaas ng aking boses. Sinabi niya ang buong pangalan ng school nila pati na address. 

"Salamat," nakangiti kong tugon doon sa estudyante saka lumabas ng cafe.

Mabilis namang sumunod si Trisha sa 'kin habang panay hingi ng tawad. Napatigil kami sa lilim ng puno at doon na ipinagpatuloy ang pag-uusap. 

"Gusto ko lang na maging masaya ka Anna. Gusto kong makahanap ka na ng taong mag-aalaga sa 'yo. Alam ng buong barkada na may gusto si Hans sa 'yo. Ba't di mo subukan? Tatlong taon na ang nakalipas nang iwan ka ni Ashton pero hindi ko alam kung tuluyan ka na nga bang bumitaw."

Sandali akong natahimik sa sinabi ni Trisha sa 'kin at nahihirapan akong sumagot nang hindi siya nasasaktan.

"Alam kong nag-aalala ka sa akin Trish pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Hans. Yung sa amin ni Ashton, wala na 'yun. Hindi ba pwedeng sarili ko muna ang atupagin ko? Hindi ko naman kailangan ng lalaki sa buhay ko." 

Bigla akong niyakap ng best friend ko. Marahil nag-aalala siya at mag-isa lang ako dito sa Pilipinas. Namatay ang parents ko sa isang car accident nung nasa kolehiyo pa ako at ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya nang pamilya sa ibang bansa. 

"Mahal kita. Alam mo 'yun," ngawa ng kaibigan kong higit pa sa kapatid ang turing sa akin. 

"Mahal din kita," naiiyak ko namang sabi. 

Nakilala ko si Trisha nung nasa high school ako. Tahimik ako noon at siya itong madaldal na dikit nang dikit sa akin. Simula noon, hindi na kami naghiwalay. Nang magkolehiyo, pareho pa kami ng kursong kinuha. Nang mamatay ang mga magulang ko, siya ang naging sandalan ko. Kahit pa nang ikasal na siya sa kabarkada naming si Carlo, hindi pa rin nagbago ang pagmamahal niya sa akin. 

Loving MatthewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon