KANINA pa naglilibot sa loob ng mall ang dalagitang si Maebelle. Kasama niya ang matalik na kaibigan at kaklase na si Rose. Maagang natapos ang klase nila dahil foundation day ng eskwelahan na pinapasukan nila. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na pumunta sa mall para bumili ng regalo para sa nakakatanda niyang kapatid. Sa susunod na linggo na kasi ang kaarawan ng Ate niya.
“Belle, wala ka pa bang napipiling bilhin? Kanina pa tayo naglilibot dito ah.” Reklamo ng kaibigan sa kanya.
“Rose, hindi minamadali ang mga ganitong bagay. Kailangang makasigurado ako na magugustuhan talaga ni Ate yung ireregalo ko sa kanya.” Aniya habang patuloy na tumitingin-tingin sa paligid.
“Kahit naman anong iregalo mo kay Ate Sky, tiyak na hindi ‘yon magrereklamo.”
“I know. Kaya nga dapat mas lalo akong maging metikuloso sa pagpili ng regalo. Gusto ko kapag nakita na niya yung regalo ko sa kanya, there would be a smile on her lips. Not because it was from me but because she’s really happy to receive it.”
Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. “Dumali na naman ‘yang sister complex mo.”Tiningnan niya ito ng masama. “I don’t have a sister complex, okay?”
“Okay. Sabi mo eh.”
Hindi niya talaga mapigilang mainis kapag sinasabihan siya ng kaibigan na meron siyang sister complex. Hindi naman siya gano’ng ka-extreme. She just really looked up to her sister. A lot. For her, she was the perfect role model. She was sweet, caring and kind. Kaya naman gusto niya talaga na mapasaya ito sa abot ng kanyang makakaya.
“Kung gusto mo nang umuwi, you can just leave me here.” Aniya.
“No way. Pupunta pa tayo sa bahay niyo after nito, ‘di ba? Paano ko makikita si Bran wearing casual clothes kung hindi kita hihintayin?” wika nito na ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid.
Napailing naman siya sa tinuran na ‘yon ng kaibigan. “Rosarie, will you stop fantasizing about my brother? He’s only thirteen years old.” Wika niya na binuo na ang pangalan ng kaibigan.
“You know how I like toying with young boys. And your brother is the perfect toy for me to play with. Lalo na kapag namumula siya.” Wika nito na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti sa mga labi.
“Alam mo, kaunti na lang talaga at malapit na akong maniwala na phedophile ka.”
“Maebelle, tatlong taon lang ang tanda ko sa kapatid mo. Phedophile na ba kaagad ang tawag do’n?”
“Anong gagawin mo kapag nagkagusto talaga sa ‘yo si Bran dahil d’yan sa mga pinag-gagagawa mo?”
“Then that’s not my problem anymore.” Parang wala lang na wika nito. “Anyway, pupunta lang ako sa C.R. Ituloy mo lang ‘yang paghahanap mo ng regalo tapos text mo na lang ako kung nasaan ka.”
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at agad na siyang iniwan. Gusto na tuloy niyang magsisi kung bakit pa niya naisipan na isama ang kaibigan sa paghahanap ng regalo. Kanina pa kasi ito walang ibang ginawa kundi magreklamo.
Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Papasok na sana siya sa isa sa mga store na nando’n nang bigla na lang siyang bumunggo sa kung anong matigas na bagay. Mabilis siyang nawalan ng balanse. Sigurado siyang magtutuluy-tuloy na siya sa pagbagsak kung hindi lang dahil sa malalakas na pares ng bisig na agad na humapit sa beywang niya.
Some kind of electric shock immediately shot through her whole body because of the mere contact. Dahil sa pagkabigla ay naitulak niya ang kung sinumang tumulong sa kanya.
“I’m sorry. Hindi ko sinasadyang mabunggo ka. Ayos ka lang ba?” wika ng baritonong tinig sa harapan niya.
Agad siyang nag-angat ng tingin, only to find herself being blown away. Isa na yata kasi ang lalaking kaharap sa pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Every features of his face complements each other perfectly. Pero ang higit na nakatawag pansin sa kanya ay ang mga mata nito. His golden brown eyes that was full of warmth and kindness.
“Ayos ka lang ba?” tanong ulit nito sa kanya.
Parang bigla naman siyang natauhan dahil sa muli nitong pagtatanong. Agad niyang hinamig ang sarili. Ano bang nangyayari sa ‘kin? “A-ayos lang ako.”
“Mabuti naman kung gano’n.”
Then he smiled and she felt like her heart just plummeted to her stomach. How can this mere stranger affect her this way?
“Sige, mauna na ako.”
Gusto niya sanang pigilan ang pag-alis nito pero mas pinili na lang niyang manahimik. Wala naman kasing dahilan para pigilan niya ito. Baka isipin pa nito na napaka-weird niya. At mataman na lang niyang pinagmasdan ang papaalis nitong bulto.
At that moment, she knew that whatever happened she will never forget the man she met on that fateful day.
BINABASA MO ANG
Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)
Short StoryEver since she was sixteen, Maebelle has been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her, he was kind, gentle and sweet. But there's one problem, boyfriend ito ng nakakatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itag...