LITERAL na napatanga si Maebelle dahil sa tinuran na ‘yon ni Matteo. Tama ba ang narinig niya? He was asking her to spend the day with him? Lalo lang siyang hindi makapag-isip nang maayos dahil sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
“You don’t want to?” parang bata pang wika nito.
Mabilis niyang binawi ang kamay na hawak pa rin nito at agad na tumayo. Tumalikod siya dito para hindi nito makita ang pamumula niya. Why did he have to act so cute? Naramdaman niya ang dahan-dahan nitong pagtayo.
“Belle?”
Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng suot na walking short at nakatalikod na inabot ‘yon dito. “B-bago ka magyaya d’yan, punasan mo muna ‘yang mukha mo.”
“Okay.” At tinanggap nito ang panyong inabot niya. Maya-maya pa ay pumunta na ito sa unahan niya. Bahagya pa siyang nagulat nang bigla na lang itong naupo sa harapan niya at tumingala sa nakatungo niyang mukha. “So, will you come with me?” wika nito with a childish grin on his lips.
And once again, she was rendered speechless. Sinasadya ba talaga nitong magpa-cute sa kanya para mapapayag siya sa gusto nito? Because it’s definitely working. “I ah-” hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Sa halip ay huminga siya nang malalim upang hamigin ang sarili. Pagkakuwan ay inirapan niya ito. “Fine. I’ll go with you. Nakakaawa ka naman kung tatanggihan kita.”
She said it as if she didn’t care, kahit na ang totoo ay sobrang excited na siya na makasama ito sa buong maghapon. Napabuntung-hininga na lang siya. She’s really not honest with her own feelings. Kapag ito ang kaharap niya, lagi na lang kabaligtaran ng nararamdaman niya ang lumalabas sa bibig niya.
“Then anong gusto mong una nating gawin? Do you want to go snorkelling, or scuba diving kaya? O baka naman mas gusto mong makita ang Tubataha reef? How about the underground river?” sunud-sunod na wika nito.
“Hey, slow down. Wala ako sa mood para mag-scuba diving o snorkelling. At lalo namang ayokong pumunta sa underground river o sa tubataha reef nang ganito kataas ang sikat ng araw. Mangingitim lang ako lalo. So I suggest, bakit hindi na lang natin puntahan ang mga famous wild life nila dito?”
“Sure, whatever you want.”
ANG UNA nilang pinuntahan ay ang Crocodile Farm and Nature Park. Dalawang species ng crocodiles ang nakita nila. Pati ang ilang mga endangered species na kagaya ng Palawan bear cat at talking mynah ay nakita din nila. Hindi naman talaga mahilig sa hayop si Maebelle pero naisip niya kasi na mas makakapag-usap sila at makakapagkwentuhan kung sa mga ganitong park lang sila pupunta sa halip na mag-snorkelling o scuba diving sila.
Hindi naman siya nagkamali sa naisip dahil kanina pa ito walang humpay sa pagkukwento sa kanya. Walang tigil ito sa pagbibigay ng mga background knowledge sa mga hayop na nadadaanan nila. Daig pa nito ang isang batang nasa excursion dahil sa excitement na pinapakita nito. Hinahayaan niya lang ito sa pagsasalita, kahit na wala naman siyang masyadong maintindihan sa mga sinasabi nito. She really liked hearing him talk.
Isa pa, ito rin ang kauna-unahang beses na nakasama niya ito at nakausap ng ganito katagal. Ayaw naman niyang gumawa ng kahit na ano na makakasira sa pambihirang pagkakataon na ‘to. Noon kasi, kapag dumadalaw ito sa Ate niya, lagi lang siyang nakatanaw dito mula sa malayo.
Napatingin siya sa binata. Pero ano nga kayang naisipan nito at bigla na lang siya nitong niyaya?
Mula sa crocodile farm ang sunod naman nilang pinuntahan ay ang Butterfly Garden. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa loob ay agad siyang namangha sa napakadaming naglipanang paru-paro sa paligid.
BINABASA MO ANG
Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)
Short StoryEver since she was sixteen, Maebelle has been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her, he was kind, gentle and sweet. But there's one problem, boyfriend ito ng nakakatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itag...