KAGAYA nung nakaraang araw, hindi na naman nakatulog ng maayos si Maebelle. For two consecutive nights, isang tao lang ang laman ng isipan niya. Si Matteo. Mas lalo lang siyang hindi nakatulog dahil sa mga sinabi nito sa kanya nang ihatid siya nito sa hotel room niya kagabi. Ano kayang ibig nitong sabihin when he said that he wanted to spend more time with her?
The smart thing to do was to just ignore what he said. Base na rin sa pagkakakilala niya dito, tiyak niyang nasabi lang nito ‘yon out of loneliness. Hindi nga ba’t sinabi nito sa kanya na isang buwan na rin itong walang nakakasalamuha na kakilala? Isa pa, sa loob ng isang buwan na ‘yon ay hindi pa rin ito masyadong nakakapamasyal. Maybe he just wanted to spend some time with someone he knew.
Kaya nga dapat hindi niya bigyan ng ibang pakahulugan ang mga sinabi nito. Kapag nagpadala siya sa nangyayari, she was certain that it will only give her false hope. And she can’t have that. Dahil kapag nagsimula siyang umasa, mas lalo lang siyang masasaktan sa bandang huli.
Sinabi sa kanya ni Matteo na ipagpapatuloy na nito ang buhay nito, pero hindi ibig-sabihin no’n ay gano’ng kabilis na lang nitong makakalimutan ang Ate niya. It would take time to do that. At kahit pa dumating ang araw na makalimutan na nga nito ang Ate niya, alam niyang hindi pa rin siya nito magugustuhan. Dahil bukod sa hindi naman kagaya niya ang tipo nitong babae, simula nung magkakakilala sila, wala pa siyang kahit isang magandang ugali na ipinakita dito.
Hindi niya talaga maintindihan pero sa tuwing kaharap niya ito, hindi niya ito mapigilang tarayan. Siguro ‘yon lang ang defense mechanism niya laban dito. Sinadya niyang gumawa ng pader sa pagitan nila para hindi nito mapansin ang damdamin niya para dito. But maybe this was the right time to break down that wall.
Nagpakawala na lang siya nang malalim na hininga. Maaga silang magkikita ngayon ni Matteo para sabay na silang makapag-umagahan. Hindi pa nila napag-uusapan kung saang lugar sila unang pupunta para sa araw na ‘yon. Mamaya na lang siguro niya itatanong dito habang nakain sila.Pagkakuwan ay narinig niya ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Agad naman niyang binuksan ‘yon. Bahagya pa siyang nagulat nang tumambad sa kanya ang nakangiting si Matteo. And just like always, napakagwapo pa rin nitong tingnan.
“Good morning. Mabuti at gising ka na.” masiglang bati nito.
Tiningnan niya ang wristwatch, alas-siyete y medya pa lang samantalang alas-otso pa naman ang usapan nila. “Masyado ka naman yatang maaga.”
“Pasensiya na. Maaga kasi akong nagising kaya maaga akong nakapagluto. Kung mamayang alas-otso pa tayo magkikita baka lumamig na yung niluto ko.”
“Wait- ang ibig mo bang sabihin sa bahay mo tayo kakain?”
“Yup. Ah, okay lang naman na sa bahay ko tayo kumain right?”
“May magagawa pa ba ako, eh nakapagluto ka na.”
Ngumiti lang ito pagkatapos ay inilahad ang kamay sa kanya. “So, let’s go?”
Napatingin naman siya sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya. “Are you asking me to hold your hand?”
Bigla naman nitong binawi ang kamay na waring napahiya. “Sorry, I did it on impulse.”
Lihim naman niyang pinagalitan ang sarili. She’s doing it again, intimidating him. Hindi ba’t sinabi na niya sa sarili that she would try to break down the wall she created between them? Maganda siguro kung sisimulan na niyang gawin ‘yon ngayon.
Inabot niya ang kamay nito at hinawakan ‘yon nang mahigpit. “Tayo na.”
DAHIL walking distance lang ang layo ng bahay-bakasyunan nito mula sa hotel, ilang minuto lang ang inabot para makarating sila do’n. Medyo nagulat pa siya nang makita kung gaano kalaki ang bahay-bakasyunan nito. Pero hindi naman talaga siya dapat magulat, isa ang pamilya ng binata sa pinakamayamang pamilya sa Tarlac kaya sigurado siya na bale-wala lang sa mga ito ang ganito kalaking vacation house.
BINABASA MO ANG
Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)
Short StoryEver since she was sixteen, Maebelle has been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her, he was kind, gentle and sweet. But there's one problem, boyfriend ito ng nakakatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itag...