HINDI magawang ialis ni Maebelle ang paningin sa papalapit na si Matteo. Namamalikmata lang ba siya o talagang nakikita niya sa kanyang harapan ang binata? Dahil sa pagkabigla ay hindi na niya napansin na tuluyan na palang nakalapit sa kanya si Matteo. Bago pa siya makapag-react ay naupo na ito sa tabi niya.
“Wow, I can’t believe na dito pa talaga tayo magkikita. What brings you here nga pala?”
Hinamig muna niya ang sarili bago sumagot, “I’m on a five-day vacation, not that it’s any of your business.”
Hindi naman nito pinansin ang pagtataray niya. “Of course. I’m also on vacation right now. May bahay-bakasyunan ang pamilya namin dito, so I decided to go here and spend some time alone. Sabi kasi nila, this is a good place to mend a broken heart.” Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Don’t you think so?”
Bigla naman ang pag-ahon ng inis sa kanya. How can he say those things with a smile on his face? “Mend a broken heart? Don’t tell me hindi ka pa rin nakaka-get-over sa break up niyo ni Ate?” sarkastiko niyang wika. Pagkatapos ay pinasadahan niya ito ng nang-uuyam na tingin. “Hindi mo na kailangang sagutin yung tanong ko. Just looking at you clearly shows the answer. Sobra ka bang broken-hearted at nawala na rin sa bokabularyo mo ang salitang ‘shave’? Kung hindi mo lang kasi alam, mukha ka ng ermitanyo sa itsura mo.” Tumayo na siya at pinagpagan ang mga buhangin na dumikit sa pantalon niya. “How pathetic.” She looked at him coldly. “A piece of friendly advice, stop being stupid and just move on with your life.”
At walang lingon-likod na niya itong iniwan.
NAPATITIG na lamang sa malawak na karagatan si Matteo. Tama nga siguro si Maebelle, he was really pathetic and stupid. Simula nung maghiwalay sila ni Skyla, hindi na niya magawang kumilos nang maayos. To the point na naapektuhan na rin pati ang trabaho niya sa ospital. A distracted doctor would not really be helpful to their hospital. That’s why, one month ago pinagbakasyon siya dito ng mga magulang niya. Huwag daw siyang babalik hanggang hindi niya naaayos ang sarili.
He can only fix himself if he moved forward. But he was afraid to do that. Natatakot siya na kapag ginawa niya ‘yon, baka dumating ang panahon na makakalimutan na niya ang lahat ng mga ala-ala na pinagsaluhan nila ng dating kasintahan. But there’s really no used on holding to those memories. Dahil mga ala-ala na lang ‘yon ng nakaraan. Pero sa kabila ng katotohanang ‘yon, hindi pa rin niya magawang bumitaw.
Because he really did love Skyla. Ito ang kauna-unahang babaeng inibig niya. She was the epitome of his ideal woman. Beautiful, sweet and kind. Lahat ng mga katangian na pinangarap niya sa isang babae ay nandito na. That’s why he persistently pursued her, kahit pa nga sa umpisa pa lang ay sinabi na nito sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay.
Hindi siya sumuko hanggang sa pumayag na nga itong maging kasintahan niya. Ipinangako niya noon sa sarili na gagawin niya ang lahat para lang mapa-ibig ito. Pero hindi siya nagtagumpay. Hanggang sa huli ay hindi niya nagawang bihagin ang puso nito. And the only thing he could do was to let her go. Kahit paano naman alam pa rin niya kung kailan siya dapat sumuko.
Nakakagulat lang na malaman na ang lalaki palang matagal na niyang karibal sa puso ni Skyla ay ang stepbrother nito. Nalaman niya na matagal na palang nagmamahalan ang mga ito. Sa kabila ng maraming taon na pagkakahiwalay, nanatiling tapat ang puso ni Skyla sa stepbrother nito. Maybe that was the reason why she was not able to love him.
Tumingala siya at tumingin sa asul na kalangitan. Naalala niya ang mga katagang binitiwan sa kanya ni Maebelle kanina. “A piece of friendly advice, stop being stupid and just move on with your life.” Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala niya how heartlessly she said those words to him. Pero aminin man niya o hindi, that was the most honest advice he had ever received.
Muli ay napangiti na naman siya. Maybe he should really just move on with his life.
BINABASA MO ANG
Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)
Short StoryEver since she was sixteen, Maebelle has been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her, he was kind, gentle and sweet. But there's one problem, boyfriend ito ng nakakatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itag...