CHAPTER TEN

2.4K 83 4
                                    

AGAD NA nagtago sa likudan ng kapatid si Maebelle. Hindi pa siya handing makita ngayon si Matteo. "Kuya, paalisin mo siya. I don't want to talk to him." Bulong niya sa kapatid.

"I think you should tell him that yourself." Ganting bulong naman sa kanya ng kapatid.

"Kuya-"

"Belle, I want to talk to you. Please naman, kausapin mo ako." Wika ni Matteo, puno ng pagsusumamo ang tinig nito.

Nang marinig niya itong magsalita ay lalo lang niyang isiniksik ang sarili sa likudan ng kapatid. "Please Kuya, paalisin mo na siya."

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng Kuya bago ito bumaling kay Matteo. "I'm sorry, Matt. Mukhang ayaw ka talagang kausapin nitong kapatid ko eh."

"Fine. If you don't want to talk to me, then just listen to what I have to say." Humigit muna ito ng malalim na hininga bago nagwika, "Nung magkahiwalay kami ni Skyla, labis talaga akong nasaktan. I needed time to be with myself. That's why I left and went on a vacation. Nagkataon naman na sa pagbabakasyon kong 'yon ay nagkita tayo. Seeing you in Palawan was really unexpected. But I was really glad that you were there.

"Because of of your presence, I learned to smile again. Sa mga araw na nagkasama tayo, I found out what a lovely person you are. Your blunt honesty literally saved me. And whenever you smiled at me, I always felt like my whole world would stop moving. Your smile was like a precious jewel that I wanted to treasure forever. The three days we spent together at Palawan were probably the best days of my life."

Hindi niya malaman kung ano ang patutunguhan ng mga sinasabi nito. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan parang may kung anong bumikig sa lalamunan niya dahil sa mga narinig. Napalingon siya sa paligid at napansin niya na natawag na nila ang atensiyon ng mga tao. Maging ang mga ito ay nakikinig na rin sa mga sinasabi ni Matteo.

"Unti-unti ay pinawi mo ang kalungkutan sa aking puso. Muli mong ibinalik ang kaligayahan sa buhay ko. Before I knew it, paulit-ulit ka nang hinahanap-hanap ng puso ko. Walang araw na hindi ka laman ng isipan ko. Maging sa panaginip ko ay hindi kita magawang alisin. You're the only one I can think about. Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko kung bakit gano'n ang nararamdaman ko, when the answer was really simple.

"It's because I love you. I fell in love with your smile, your laughter, your playfulness, even your bluntness. Heck, I love everything about you. The feeling has always been there, Belle. And I'm the biggest fool for choosing to ignore it."

Natigalgal naman siya. Tama ba ang mga narinig niya? Did he really just say na mahal siya nito? Dahil sa sobrang pagkalito ay hindi na niya napansin na umiiyak na pala siya. Mas lalo pa niyang isinubsob ang mukha sa likudan ng kapatid.

"Hey, little sis. The guy was clearly confessing her love to you, magtatago ka na lang ba d'yan sa likudan ko at hindi siya papansinin?" wika ng Kuya niya sa kanya.

"I'm begging you, Belle. Please, just talk to me. Hindi naman ako humihingi ng kasagutan sa mga sinabi ko sa 'yo ngayon. Ang tanging hiling ko lang ay kausapin mo 'ko."

"Kausapin mo na siya, Belle." Wika naman ng Ate Skyla niya na nando'n din pala at pinapanood ang mga nangyayari.

Maging ang lahat ng taong nando'n at nasaksihan ang lahat ng naganap ay sinabihan din siyang kausapin na si Matteo. Laking gulat niyang nang bigla na lang siyang higitin ng Kuya niya at itulak sa direksyon ni Matteo. Nakita tuloy ng lahat ang luhaan niyang mukha.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Matteo. Agad nitong pinunasan ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi. "Hush, baby... why are you crying?"

Lalo naman siyang naiyak dahil sa endearment na ginamit nito. Paulit-ulit niyang sinuntok ang dibdib nito. "You stupid... stupid jerk! Paano mo nagawang sabihin lahat ng 'yon in front of all these people?" wika niya in between sobs.

Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon