INISANG-LAGOK lang ni Matteo ang iniinom na brandy. Hindi na niya mabilang kung ilang baso na ang naiinom niya. Pero wala siyang pakialam. He needed to drink. Dahil kung hindi siya iinom, tiyak niyang hindi na naman siya makakatulog. For the past week, 'yon lang ang ginagawa niya para lang makatulog ng maayos.
Hanga na nga siya sa sarili niya dahil sa kabila ng magulong damdamin, nagagawa pa rin niya ng maayos ang mga trabaho at tungkulin niya sa ospital. In fact, his work was the only thing that's keeping him sane. Kaya naman lahat ng oras niya ay ibinubuhos na lang niya sa trabaho para lang hindi niya maisip ang mga naganap may isang linggo na rin ang nakakaraan. When he had that talk with Maebelle.
Bigla na namang nagpuyos ang damdamin niya nang maalala niya ang tagpong 'yon. As if what happened between them was just a casual thing. Paano nito nagawang umakto na parang balewala lang dito ang lahat ng nangyari sa kanila? He took her virginity, for Pete's sake!
Ito lang yata ang tanging babaeng kayang bumuhay sa lahat ng natatago niyang emosyon. He wanted to strangle her lovely neck for saying all those things to him but at the same time he also wanted to kiss the hell out of her. It was the first time he felt intense desire and anger for a woman. Pero kasabay no'n ay matinding sakit din ang naramdaman niya.
Masakit para sa kanya na isipin na hindi nito binigyang halaga ang namagitan sa kanila. The pain brought by the words she said was even greater than the pain he felt when Skyla broke up with him. Sa bawat salitang binibitawan nito ay parang binibiyak sa maliliit na piraso ang puso niya.
He was hurting again because of a woman. Pero sa pagkakataong ito, alam niyang hindi na niya basta-basta lang malalampasan ang sakit na nararamdaman niya.
Napaigtad siya sa kinauupuan nang biglang bumukas ang ilaw sa mini-bar ng bahay nila kung saan siya naroroon. Nilingon niya ang pintuan at nakita niyang nakatayo do'n ang ina. Ito ang nagbukas ng ilaw. Tatlong araw na rin ang nakakaraan simula nung makabalik ito at ang ama niya mula sa pagbabakasyon ng mga ito sa Hong Kong.
"You're drinking again." Wika nito nang makalapit sa kanya. Marahan nitong binawi ang basong hawak-hawak niya at ipinatong 'yon sa counter.
"Kaunti lang naman, Ma."
"Anong kaunti? Simula nung bumalik kami, every night umiinom ka. Is there a problem, Matt? You know you can always tell me your problems." Ginagap nito ang kamay niya. "Is it Skyla? Nabalitaan ko na malapit na siyang ikasal."
"No Ma, it's not Skyla." Ni hindi na nga sumasagi sa isip niya ang dalaga. He was even happy for her dahil makakasama na nito habang-buhay ang lalaking mahal nito.
"Then, perhaps it was another girl?"
Napabuntung-hininga siya. Hanga na talaga siya sa galing ng intuition ng nanay niya. "Yeah, it's because of another girl. She's making me crazy. It's also because of her that I'm slowly turning into an alcoholic." Naihilamos niya ang parehong kamay sa mukha. "Damn. I don't even know what to do with her!"
Dahil din dito kaya napapadalas na rin ang pagmumura niya. Pagdating dito ay mabilis na nawawala ang pagiging kalmado niya. He can't even control himself when he's around her.
Mataman naman siyang pinagmasdan ng ina. "You must love this girl very much then. For my calm and overly kind son to act like this."
Sandali siyang natahimik dala ng pagkabigla sa sinabi ng ina. Pero hindi naman niya magawang pasinungalingan ang sinabi nito. "Yes, I love her." Tanging nawika na lang niya.
BINABASA MO ANG
Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)
Short StoryEver since she was sixteen, Maebelle has been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her, he was kind, gentle and sweet. But there's one problem, boyfriend ito ng nakakatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itag...