CHAPTER ONE

1.5K 51 0
                                    

NAGPALAKPAKAN ang lahat ng nasa loob ng conference room nang matapos si Maebelle sa kanyang presentation.  Base sa reaksyon ng mga tao sa paligid niya, natitiyak niyang ang advertising company na nila ang makakakuha sa Trendy Fashion account.

Ang Trendy Fashion ang isa sa pinakakilalang clothing line sa bansa.  Unti-unti ay nakikilala na rin ito sa buong Asya.  Sigurado siyang kaunting panahon na lang at makikilala rin ito sa iba pang bahagi ng mundo.  Sa darating na buwan ay ire-release na ang bagong summer collection ng mga ito. 

Bukod sa mga nag-gagandahan at fashionable na damit, kilala rin ang Trendy Fashion sa magagarbong commercials at print ads ng mga ito.  Tuwing may inilalabas na bagong collection, naglalaan talaga ang mga ito ng malaking halaga para sa pag-a-advertise ng mga damit na ilalabas ng mga ito.  Kaya naman ngayon, naglalaban-laban ang mga naglalakihang advertising company ng bansa para lang makuha ang nasabing account.

At kasama na do’n ang advertising company na pinagtatrabahuhan niya.  Ang Zekros Advertising Company.  Mag-da-dalawang taon na rin siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan.  Kabilang siya sa Creative Department.  Sila ang responsible sa pagko-conceptualize ng commercials para sa mga account na nakukuha ng kumpanya nila.

Para sa account na ito, siya ang napili ng kanilang creative director para maging team leader ng creative team na binuo nito.  ‘Yon ang kauna-unahang beses na magiging team leader siya kaya naman kinabahan talaga siya nung umpisa.  Pero nang magsimula na silang magtrabaho ay tuluyan nang nawala ang kabang ‘yon.

Ilang linggo rin ang inukol ng team nila para lang makapag-isip at makagawa ng isang magandang concept para sa gagawing commercial.  Nito ngang mga nakaraang araw ay halos hindi na sila matulog para lang masiguro na maganda ang kalalabasan ng presentation nila.  At base sa mga ngiting nakikita niya ngayon, it looked like their hard work had paid-off.

Kagaya ng inaasahan niya, ang kumpanya nga nila ang napili ng Trendy Fashion para gumawa ng commercials at print ads nang ilalabas ng mga itong bagong collection.  Labis siyang nasiyahan sa naging resulta.  At least hindi nasayang ang pagod nila.

Nang magsilabasan na ang mga tao sa conference room, agad siyang nilapitan ng kanilang creative director at binati.  “Job well done Maebelle.  Hindi ako nagkamali sa pagpili sa ‘yo bilang team leader.”

“Hindi lang naman po ako ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang presentation na ‘to.  Lahat kami sa team ay nagtulung-tulong para mapaganda ang presentation.  So it’s really not fair if I take all the credits.  But anyway Ma’am, nagpapasalamat po talaga ako dahil sa pagtitiwala at opportunity na ibinigay niyo sa ‘kin.  Malaking karagdagan po ito sa working experience ko.”

Isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya.  “Well, I’m just glad you did not let me down.”

“Magagawa ko po ba naman ‘yon sa inyo?”

“Kaya nga meron akong reward sa ‘yo at sa buong team mo.”

Nagtaka naman siya sa sinabi nito.  “Tataasan niyo po ba ang sweldo namin?”  pagbibiro niya.

“No.  But I’m giving all of you a special vacation.”

“Vacation?” 

“Yup.  All of you can have a five day spree at Palawan.  Don’t worry, sagot ko ang travel expenses at lodgings niyo.  Kaya pagkain at personal na gastusin niyo na lang ang kailangan niyong intindihin.”

“Pero Ma’am, we can’t really afford to have a vacation right now.  Lalo pa ngayon at nakuha na natin ang Trendy Fashion account.  Tiyak na magiging abala ang department natin sa mga susunod na araw.”

Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon