CHAPTER FIVE

1.2K 39 1
                                    

INIS NA humakbang paakyat si Maebelle.  Kasalukuyan silang nasa isang mountain trail ni Matteo at nag-ha-hiking.  Dahil hindi naman sanay sa mga ganitong klaseng activity, kaunti pa lang ang naaakyat nila ay nakakaramdam na agad siya ng pagod.  Kung bakit kasi nakapayag-payag pa siya na sumama dito. 

Wala na rin namang magagawa ang pagrereklamo niya.  She already gave her word na sasamahan niya ito habang nando’n siya sa Puerto Princesa.  Mabuti na lamang at maulap at hindi rin gano’n kataas ang sikat ng araw, kung hindi ay baka kanina pa siya nagreklamo dito.

Bahagya siyang tumingala at pinagmasdan ang likod ng binata.  Nasa unahan kasi niya ito.  Ayaw man niyang isipin pero pakiramdam niya talaga ay may mali sa ikinikilos nito.  He was being too distant.  Literally and figuratively.  Parang laging nasa malayo ang isipan nito.  Bukod pa do’n, sa tuwing magkakalapit sila ay mabilis pa sa alas-kwatro ang gagawin nitong paglayo sa kanya.  Na hindi talaga niya maintindihan.

Nang pumunta sila kahapon sa underground river ay hindi na siya nito masyadong kinakausap.  At lagi lang din itong nakadikit sa mga katrabaho niya.  Kahapon pa niya iniisip kung ano ang posibleng nagawa niya dito at umaakto ito ng gano’n.  Pero wala talaga siyang maisip na dahilan.  Nagsimula lang naman itong umakto ng gano’n pagkatapos nilang maglangoy.

Namula tuloy siya ng wala sa oras nang maalala niya ang insidenteng ‘yon.  Dahil sa ginawa nitong biglang paghigit sa kanya paahon sa dagat, hindi sinasadyang napasubsob siya dito dahilan para sobrang magkalapit ang mga katawan nila.  Parang sinindihan no’n ang buong katawan niya.  Every nerve of her body was tingling with sensations unknown to her.  Kung hindi nga lang siguro ito ang unang lumayo sa kanya ay baka hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin ito.

“Gusto mo bang magpahinga muna?”  biglang tanong nito.

“I thought you’d never ask.”  Umupo siya sa ilalim ng isang puno at kinuha ang mineral water mula sa loob ng bag na dala.  And she drank the entire bottle’s content.  Hindi niya akalain na sobra pala siyang nauhaw.

Naupo naman si Matteo sa harapan niya.  “I made some sandwiches.”  Kinuha nito mula sa dala nitong bag ang isang tuperware, nakalagay sa loob no’n ang mga sandwich na ginawa nito.  Inabot nito ‘yon sa kanya, “Here, have some.”

Kagaya nang niluto nitong pagkain kahapon, napakasarap din ng dala nito ngayong sandwich.  Napatingin siya dito, tahimik lang ito habang nakain.  She really wanted to ask him the reason behind his strange behaviour, pero pinili na lang niyang ipagpatuloy ang pagkain.  Mamaya na lang niya ito tatanungin kapag nakarating na sila sa pupuntahan. 

Nang matapos silang kumain ay inayos na nito ang mga dala at tumayo na.  “Tayo na, medyo malayo pa ang aakyatin natin.”

She just groaned inwardly, sa totoo lang ayaw na talaga niyang maglakad pa.  Nang subukan niyang tumayo saka lang niya naramdaman ang pangingimay ng paa niya.  “Ah, Matt, can you help me stand?  Nangingimay ang paa ko eh.”  Aniya at itinaas ang isang kamay dito.

Nakita naman niya ang pagda-dalawang isip nito na abutin ang kamay niya na labis naman niyang ipinagtaka.  Sa bandang huli ay inabot pa rin nito ang kamay niya pero hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay bigla na lang nitong binitiwan ‘yon na para bang napaso ito na hindi mawari.  Dahil sa ginawa nitong biglang pagbitiw sa kamay niya, she instantly fell on her butt.  She just cursed softly dahil sa sakit na naramdaman mula sa pagkakabagsak.

Agad naman siya nitong dinaluhan. “A-ayos ka lang ba?  Nasaktan ka ba?  I’m sorry hindi ko sinasadyang bitiwan ka kaagad.”  Sunud-sunod na wika nito.

She felt her own patience snap.  Tiningnan niya ito ng masama.  Wala na siyang pakialam kung may problema man ito o ano.  Ang alam lang niya, sumosobra na ito.  Tumayo siya at itinulak ito palayo.  “What the heck is your problem?  Kung galit ka sa ‘kin, just tell it straight to my face.”  Hindi na niya napigilang wika.

Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon