CHAPTER EIGHT

1.3K 48 0
                                    

AGAD NA pinatay ni Maebelle ang cellphone nang marinig niya na tumutunog na naman ‘yon.  Kanina pa ‘yon walang tigil sa pagtunog.  Mali.  Mas tamang sabihing limang araw na ‘yong walang tigil sa pagtunog.  At lahat ng tawag ay nagmumula lang sa isang tao.  Kay Matteo.

Limang araw na ang nakakalipas simula nung may maganap sa pagitan nila.  Simula noon ay hindi na rin tumigil si Matteo sa pagtawag sa kanya.  Pero lahat ng tawag nito ay hindi niya sinasagot.  Mabuti na nga lang at hindi ito nagpapakita sa kanya.  Hindi kasi niya alam kung paano ito pakikiharapan.

Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon sa mga nangyari.  They made love.  She made love with the man she’s been in love with for so many years.  Not just once but over and over again.  Hanggang sa kapwa na sila mawalan ng lakas.  At kahit na kaunting pagsisisi ay wala man lang siyang maramdaman.  It was her first time and she was more than glad that she gave it to the man she loved. 

Pero nang magising siya kinabukasan ay saka sumampal sa kanya ang masaklap na katotohanan na hindi tama ang naganap sa kanila.  Yes, she loved him pero sigurado siya na hindi gano’n ang nararamdaman para sa kanya ni Matteo.  Marahil ang nangyari sa kanila ay bunga lang ng momentary lust na nararamdaman nito. O maaari rin na dala lang ‘yon ng kalungkutan na dahil pa rin sa pakikipaghiwalay nito sa ate niya.

Kahit na gaano pa niya ito kamahal, wala naman siyang balak na maging isang rebound girl.  Kadalasan na nauuwi lang sa wala ang mga rebound relationships.  Kung magkakaro’n man sila ng relasyon, tiyak niyang sa bandang huli ay siya lang din ang masasaktan.  Pero wala na siyang magagawa because they already crossed that line.  They already made love, for goodness' sake!

Pero maaari din naman na hindi mauwi sa pakikipagrelasyon nito sa kanya ang lahat.  Posibleng pagkagising nito ay humingi na naman ito ng tawad sa kanya dahil sa nangyari.  Then makikita na naman niya ang mukha nito na puno ng pagsisisi.  Na nagawa lang nito ang lahat ng ‘yon dahil sa isa itong lalaki.  A man full of needs.  At nagkataon lang na nando’n siya para punan ang mga pangangailangan na ‘yon.  That would be a blatant proof of his rejection.

Hindi niya yata ‘yon kakayanin.  It would be so heartbreaking.   Kaya naman bago pa ito magising ay umalis na siya.  Alam niyang kaduwagan ang ginawa niya.  Pero mas nanaisin pa niyang matawag na duwag than having her heart broken.  For the nth time.  Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nasaktan ng dahil dito. 

Nasaktan siya nang malaman niyang nanliligaw ito sa Ate niya.  Nasaktan na naman siya nang maging kasintahan ito ng kapatid.  And she kept on hurting for all the duration of their relationship.  Pero sa kabila no’n ay patuloy pa rin niya itong minahal.
At ngayon nga na nakasama na niya ito at mas nakilala, alam niyang mas lumalim din ang nararamdaman niya para dito.  To the point that she even gave herself to him willingly.  Kaya sigurado siya na sa pagkakataon na ‘to mas matinding sakit ang mararamdaman niya.  At hindi pa siya handang maramdaman ‘yon.

“Hey, bakit mo pinatay yung phone mo?  Kanina pa natunog ‘yan ah.  Baka mamaya importante yung tawag.”  Ang sinabing ‘yon ng Ate Skyla niya ang pumutol sa kung anumang iniisip niya.

“Nah.  Don’t mind it.”  Pinagmasdan niya ang kapatid.  “Look at you, you’re so beautiful.  Tiyak na maglalaway si Kuya Kaylus sa oras na makita ka niya.”

Nando’n sila sa boutique ng designer na gumawa ng wedding gown ng Ate niya.  Ngayong araw na kasi ang last fitting day para sa nasabing damit.  Kailangang masiguro na kasyang-kasya ito sa kapatid niya para kung sakali na may babaguhin ay magawa na agad ang kailangang adjustments. 

Pero sa nakikita niya, mukhang wala nang kailangan pang baguhin sa wedding gown ng kapatid.  Perfect fit ito sa Ate niya.  At talagang napakaganda nito habang suot-suot ‘yon.  Tiyak niyang sa araw ng kasal nito ay ito na ang pinakamagandang bride na makikita niya.

Matteo's Fair Belle (Montero Siblings 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon