Daan papunta sa hardin

170 1 0
                                    

Hardin ng Eden ko itinuturing ang paaralan. Ang pagkatuto at paghubog sa mga bata para maging mabuting tao ay parang sila Adan at Eva na iniingatan nang hindi mabahiran ng kasamaan. Ang mga magulang at guro sa paaralan o sa hardin ng Eden ay masigasig na binibigay ang pangangailangan ng bawat batang Adan at Eva. Parang ang pagbibigay Niya ng masasarap na prutas at mainam na masisilungan sa unang babae at lalakeng nilakha.

Ngunit Hardin man ng Eden ay may ahas pa din. Kahit gaano iniingatan ng bawat guro at magulang ang mga musmos at mumunting Adan at Eva, dumarating parin ang pagkakataong nakakaharap nila ang manunulsol na ahas. Tulad ni Eva na hindi matatag ang kung ano ang nalalaman, pwede ring kumagat ang mga kasalukuyang Eva sa prutas ng temtasyon.

Hindi kayang itago ng mga matatanda na may ahas sa harden. Kahit sino pwedeng matuklaw, kahit sino pwedeng mabitag. Hardin man ng Eden ay may masamang lilingkis parin. Hindi sapat ang proteksyon ng kahit sino. Dahil hindi matututo si Adan at Eva sa paarang gusto ng kanilang magulang. Lalakad at lalakad sila ng sarili at mapupunta sa may masukal na bahagi ng buhay.

Kwento ito ng kasalukuyang Eva na naglakbay sa hardin ng Eden. Inaakala niyang maayos at maganda ang lahat pero sisit-sit sa kaniya ang ahas para kumain ng prutas. At dahil gutom sa kaalaman ang batang Eva kakagat ito. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon masamang kumagat o magpatuklaw. Dahil sa bawat pagtisod doon natututo ang bawat Eva.

Kwento ko ito. Si Eva sa kasalukuyang henerasyon. Kilala na ngayon sa pangalang Maria at mas madalas kumagat sa prutas ng temtasyon dahil mas gutom na gutom ako sa naunang Eva. Mga kwento ko ito. Mula sa masasayang karanasan sa hardin hanggang sa pagkabagsak sa tukso at paghila ng ahas sa masasama niyang bisig.

Tulad ni Eva, kahit ang hardin ay hindi perpekto. Ang mga paaralan ay may mga bulok na sistema parin na sing bulok at panghi ng mga palikuran nila. May mga siga, may mga nagmamarunong, may mga hayok sa posisyon, may mga gahaman at may mga ahas na nagpapanggap na tao. Madaming tukso at madaming pagsubok sa loob.

Pero sa huli. Ang pinaka mahalaga, nangyayari ang lahat para matuto tayo. Bumabaon ang mga sugat para malamang masakit ito, para sa susunod makakaiwas na tayo sa mga pwedeng makasakit pa sa atin. Kumagat si Eva sa prutas at pinakita sa kwento kung ano ang nagagawa ng pagkahulog sa tukso.

Sa ngayon. Hayaan mo ako bilang Eva. Ilalahad ko kung anong itsura ng kasalukuyang hardin sa aking mga mata. Mas dumami nga ba ang mga ahas ngayon? May mga prutas parin kaya ng temtasyon sa bakuran? Tignan natin. Alamin natin kung ano ng itsura ng hardin sa paglalakbay ko bilang Eva at bilang Maria sa kasalukuyang Eden.






Si Eba sa hardin ng EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon