[Chapter 3]
I can hear the waves crashing on the shore
Racing through my dreams I want even more
With clarity my heart will go on
Take my hands now
You are the cause of my EuphoriaMaaga akong naghanda para pumasok although hindi ako gumagamit ng make up, 'di ko nakaligtaan maglagay ng polbo at cheek at lip tint para pretty ako sa harap ng beebeluvs ko.
Inaayos ko ang suot kong uniform at umikot muna sa harap ng salamin bago lumabas ng bahay.
Kinakabahan pa ako ng slight ng marealize ko yong text ko sa kanya kagabi bago matulog.
To: Bebeluvs Kayden ❤️
Good night, luvs. Wala man ako sa panaginip mo ngayong gabi, bukas ay makikita mo 'ko sayong tabi. Love you, mwahh.Napaface palm na lang ako ng marealize ang ginawa ko. Shemsss paano kung magets niyo yong makikita mo 'ko sayong tabi.
Wag naman sana, total manhid ka naman Kayden sagarin mo na. Sana di mo mahalata na ako yon huhuh.
Pagdating ko sa classroom nakita ko siyang nakaupo na sa pwesto niya. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng puso ko habang unti-unting naglalakad papalapit sa kanya.
Masyadong siyang pinagpala, siya lang siguro ang gising nang nagsabog ng kagwapuhan si Lord. Kahit nakaside view ang gwapo-gwapo niya pa rin.
"E-excuse me" I said para mabigyan niya ako ng kaunting space para makadaan ako papunta sa upuan ko. Sana rin bigyan mo ako kahit kaunting space sa puso mo. Charot.
Napailing na lang ako ang aga-aga ang landi-landi ko na. Kahit kating-kati na akong titigan siya magpapahard to get muna ako. Hindi ako lumingon kay Kayden para hindi niya mahalata na patay na patay ako sa kanya.
Mas lalo akong kinabahan when I notice him staring at me parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya tinuloy. Itinuon niya na lang ang atensiyon niya sa harap dahil pumasok na rin si Ms. Cruz.
Dahil hindi ako makapagfocus panay lang ang sulat ko sa likurang bahagi ng notebook ko. Napatigil ako ng marealize na puro pangalan ni Kayden ang sinusulat ko. May nakita pa akong Sheia love Kayden.
Bigla kong binaba ang ballpen at sinara ang notebook sa takot na baka nakita niya ang ginagawa ko. Shemay ka talaga Sheia mamaya ka na lumandi.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumunog ang bell. Pakiramdam ko ito ang pinakamahabang 2 hours ng buhay ko.
Dali-dali akong lumabas ng classroom at tumakbo papunta sa may field. Hingal na hingal ako ng makarating doon. Umupo lang ako sa damuhan ang dinama ang sariwang hangin.
Nilabas ko ang phone ko para ichat si Jasmin pero di ko na natuloy ng mapansin kong may nakatayo sa harap ko. Nalaglag ang hawak kong cellphone ng makita kong si Kayden ang nakatayo.
OMG! Shems patay na baka alam niya na talaga na ako yong nagtext sa kanya. Nakakahiya.
"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ng kaunti na parang natatae.
May inabot siyang notebook at mas lalo akong nawindang ng makita kong sa akin ang notebook na yon. Oh my gosh Sheia you're so tanga girl.
Agad kong kinuha sa kanya yon at tinago sa bag. "T-thank you!" Wahhh Lord sana naman di niya nakita yong pinagsusulat ko sa likod nito.
Tumango lang siya at nagsimula ng maglakad palayo. Napahawak ako sa puso ko kanina pa 'to, ang lakas-lakas ng kabog. Feeling ko anytime magkakaheart attack ako chos hahah.

BINABASA MO ANG
Euphoria (COMPLETED)
General FictionBTS Series #1 eu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ noun a feeling or state of intense excitement and happiness. Sheia Lyell Priva, did everything she could do para lang mapansin ng kanyang ultimate crush na si Kayden Salazar. Would it be enough to make him fall...