[Chapter 6]
I can hear the waves crashing on the shore
Racing through my dreams I want even more
With clarity my heart will go on
Take my hands now
You are the cause of my EuphoriaSi Kayden yong tipo ng tao seryoso pero sobrang torpe. Sa tingin ko kung gusto ko siyang maging akin kailangan kong hantarang landiin siya. Char. Dapat hantaran ko siyang paibigin.
Alam ko namang may tinatago ring kaharutan ang lalaking to kaya lang sobrang taas pa ng wall niya so kailangan ko pang gibain yon para makapasok.
Weekend ngayon kaya walang pasok. Kanina ko pa tinititigan ang cellphone ko. I text him, pm him on Facebook, dm him at twitter at ig pero hindi niya ako pinapansin.
Nag-iinit ang ulo ko ha. Kaya magsesend naman ako ngayon ng message sa email niya.
Kaydensalazar@gmail.com
Hi luvs! Umabot na ako sa gmail mo pansinin mo na ako. Sige ka magtatampo na si bebeluvs mo.
Humalukipkip ako habang nakasimangot. Nakasandal ako sa headboard ng kama ko.
Nagbeep ang cellphone ko at agad ko itong kinuha. Biglang napawi ang ngiti ko ng makitang si Jasmin lang pala ang nagchat. Nag-aayang lumabas.
Sorry mimi wala talaga ako sa mood ngayon. Nagtype ako da cellphone ko na hindi ako makakasama kasi masama ang pakiramdam ko.
Binalik ko ang cellphone sa maliit na cabinet na nakalagay sa gilid ng kama ko. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot.
Hindi na talaga kita crush kapag di mo ako nireplayan. Bahala ka sa buhay mo!
Agad akong napabalikwas ng marinig ko nagbeep ulit ang phone ko. Umaliwalas bigla ang mukha ko ng makitang si Kayden ang nagtext. Para akong baliw na nagtatatalon sa kama ko.
Syempre joke lang yong di na kita crush. Mahal na mahal kaya kita bebeluvs ko. Hinalikan ko pa ang screen ng cellphone ko bago ko inopen ang message niya.
From: Bebeluvs Kayden ❤️
Im busy.Awsss busy pala ang luvs ko. Nagreply naman ako kaagad sa kanya.
To: Bebeluvs Kayden ❤️
Busy sa? Tulungan kita :)From: Bebeluvs Kayden ❤️
Nasa practice ako pwede ba.Hmms suplado nmn ng luvs ko.
To: Bebeluvs Kayden ❤️
Ah ok luvs. Practice ka na dyan. Mamaya ako naman pagpraktisan mo... Praktisan mong mahalin.Pangiti-ngiti ako habang hinihintay ang reply niya.
From: Bebeluvs Kayden ❤️
F*CK STOP BOTHERING ME!Ouch! Rejected. Sabi ko nga di na kita guguluhin. Akala ko pa naman ok na kami dahil nalaman niya na na ako yong nagtitext sa kanya.
Bigla akong nawalan ng gana. Kinuha ko ang phone ko para replayan siya.
To: Bebeluvs Kayden ❤️
Ok. Sorry.Pagkatext ko non ay hindi ko na rin hinintay ang reply niya kasi sigurado hindi naman siya magrereply. I off my phone at buong araw lang din akong nagkulong sa kwarto.
Monday na naman at may pasok na ulit. Kahit wala akong ganang pumasok at harapin siya hindi ko naman pababayaan ang studies ko dahil lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Euphoria (COMPLETED)
General FictionBTS Series #1 eu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ noun a feeling or state of intense excitement and happiness. Sheia Lyell Priva, did everything she could do para lang mapansin ng kanyang ultimate crush na si Kayden Salazar. Would it be enough to make him fall...