[Chapter 4]
Take my hands now
You are the cause of my euphoria
Close the door now
When I'm with you im in utopia
Isang linggo na rin ang lumipas. Tuloy pa rin ang pangungulit ko kay Kayden sa text though hindi naman siya nagrereply sa mga text ko. Masyadong pabebe ang bebeluvs ko tsskkk.Hindi rin kami nag-uusap sa loob ng klase at tuwing first subject ko lang naman siya nakakatabi dahil 'yon lang ang subject namin na may seating arrangement.
Lunch break namin ngayon at hinihintay kong dumating si Jasmin dahil patapos pa lang ang klase niya.
"Hey mamiii," bungad sa akin ni Jasmin agad niyang hinila ang upuan sa tabi ko at umupo.
"Kumusta kayo ni Accounting?" Tanong ko sa kanya.
She rolled her eyes na ikinatawa ko. "May bago pa ba, syempre pinapahirapan niya na naman ako," sagot niya sa'kin.
"Awsss kawawa naman ang mimi ko kaya di ka nagkakalablayp eh, puro ka numbers hahaha," pang-aasar ko sa kanya.
"Dahhh pag-ako nagkalablayp who you ka sa akin," sagot niya na ikinatawa ko lang.
"Tawa-tawa ka dyan may dalawang sem pa bago tayo grumaduate may pag-asa pa ako," dagdag niya pa.
"Oo na hahaha, masyado kang seryoso eh! Siya nga pala may chika ako sayo." At sinimulan ko ng ikwento sa kanya yong ginawa ni Shania kagabi.
"HAHAHAHAHAHA! Laughtrip din kayong magkapatid no? No wonder, kanino pa ba magmamana kundi sa ate," pang-aasar niya sa akin.
I rolled my eyes. Nagsimula na kaming kumain at patuloy pa rin sa pagchicikahan.
"Alam ba ni Shania pinaggagagwa mo tuwing Valentines?" Tanong ni Jasmin sa akin at muntik na akong mabulunan sa tanong niya.
"Ano ba mimi manahimik ka na nga dyan at kumain," saway ko sa kanya. Pinapaalala niya pa 'yon. Pinakamalala ata yon sa lahat ng kalandian na ginawa ko kay Kayden.
"Oh? Bakit naman. Nakakatawa kaya yon hahaha. Ang sweet sweet yiiehhh hahaha!"
"Shut up!"
"Sabi ko nga tatahimik na hehehe" sagot niya sa akin at nagpatuloy na sa pagkain pero kitang-kita ko na nagpipigil siyang tumawa. I rolled my eyes again at kumain na rin.
Hindi ko maiwasang maalala ang pinaggagawa ko sa kanya tuwing Valentine's day mula first year hanggang third year college.
First Valentine's day noong first year kami naisipan kong regaluhan siya ng couple's ring. Oo yong dalawang singsing talaga ang binigay ko kasi gusto ko siya ang magsusuot ng singsing na para sa akin paghanda na siya hihih.
Dear Kayden,
This ring is a symbol of my endless love for you. Keep it please. At sa oras na mapasok mo ang daliri mo sa singsing na 'to, pwede ka na ring pumasok…sa buhay ko. Hehe. HAPPY VALENTINES LUVS ❤️Patiently waiting,
PLS
During 2nd year college Valentine's day naisipan ko namang regaluhan siya ng isang dosenang red roses at vows namin sa kasal.Dear Kayden,
Alam mo ba luvs hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon pero handa akong utangin ang bukas makasama ka lang habang-buhay. Happy Valentine's! ❤️

BINABASA MO ANG
Euphoria (COMPLETED)
Ficción GeneralBTS Series #1 eu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ noun a feeling or state of intense excitement and happiness. Sheia Lyell Priva, did everything she could do para lang mapansin ng kanyang ultimate crush na si Kayden Salazar. Would it be enough to make him fall...