[Chapter 1]
You're the sun in my life shining on me
You're the treasure I've sought for in my dreams
I don't know what to do with this feeling
Is it real or could I still be dreaming?First day of school and first day rin ng pagiging maharot ko. Char.
My name is Sheia Lyell Priva, I'm 20 years old and currently studying BS Administration major in Marketing Management. Sa wakas 4th year na ako at kaunting kembot na lang gagraduate na rin.
They said lalong-lalo na ng bestfriend kong si Jasmin pati na rin ng mga magulang ko na maganda raw ako, maputi, singkit ang mga mata na nawawala kapag tatawa, slim and sexy. Well hindi naman sa pagmamayabang but my vital stat is 31-24-32 and my height is 5'7.
Maarte lang akong magsalita at kumilos but im not the type of person na sobrang kikay manamit, jeans and shirt is fave OOTD.
An avid fan of BTS and i stan all of them but my ultimate bias si Jungkook. Nakapunta na ako sa Wings Tour Concert nila noong 2017 dito sa Pinas. I'm planning to watch their concert sa Korea mismo kasama si crush hahah char.
Im currently walking on the hallway papunta sa classroom ko. Until now inaabangan ko pa rin yong mga tagpong may makakabangga ako at mahuhulog ang mga gamit ko. Sabay naming pupulutin isa-isa at hindi sinasadyang maghahawakan niya ang kamay ko. Tapos pakiramdam ko biglang hihinto ang takbo ng mundo kasabay nang unti-unting pag-angat namin ng tingin at magtitigan kami ng halos isang minuto hanggang sa ma love at first sight siya sa akin.
Hmmmm pwede rin naman yong muntik na akong mahulog sa hagdan pero nahawakan niya ang pulso ko at sabay kaming natumba sa may sahig habang nakapaibabaw ako sa kanya. As usual titigan portion kami ng almost one minute and then boom in love na siya sa akin.
O di naman kaya palabas na ako ng campus kaso malakas ang buhos ng ulan pero nakalimutan kong dalhin yong payong ko, kung kaya naman may mag-ooffer sa akin makisilong sa payong niya. Tatanungin niya ako tungkol sa buhay ko, sa mga gusto ko, hanggang sa unti-unti kaming ma-inlove sa isa't isa.
OMG! Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Sa apat na taong kung pag-aaral sa Unibersidad na 'to ni minsan walang nangyari ganoon sa akin. Masyado ata akong nalulong kakabasa ng wattpad at kakanood ng kdrama kaya ganito ako ka hopeless romantic.
Pero sa totoo lang isang tao lang naman ang gustong-gusto kong gumawa ng mga yon sa akin. Isa rin sa mga dahilan kung bakit lagi akong excited pumasok sa school. Walang iba kung 'di ang ultimate crush at classmate ko na si Kayden Salazar.
He looks like an angel that fall from heaven just for me, lol.
6" tall kaya naman isa siya sa mga Varsity Player ng school at higit sa lahat ang galing niyang kumanta. Nakakainis nga eh dahil dito ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya. So near yet so far pa rin ang peg naming dalawa. Langit siya lupa lang ako hahah.But still masasabi ko naman na isa pa rin ako sa mga swerteng babaeng niluwal sa mundong ibabaw dahil araw-araw ko siyang nasisilayan sa loob classroom. Si Kayden yong tipo ng tao na seryoso pero kapag ngumiti makalaglag panty. Halos lahat ng mga classmate kong babae dumadamoves sa kanya sa loob ng klase para magpapansin. Buti hindi sila pinapatulan ng bebeluvs ko hihih.
"Hoy ang lalim ng iniisip mo ah. Iniisip mo na naman kung paano mapapasayo si Kayden no?" nabigla ako ng may biglang nagsalita sa tabi. I rolled my eyes sa bestfriend kong si Jasmin.
"Dahhh may bago pa ba!" sagot ko sa kanya at tumawa lang siya.
She's Jasmin Sierra my one and only bestfriend since grade 5. Hindi na nga ata kami napaghiwalay ng babaeng to simula ng magtransfer siya rito. Lagi ko rin siyang kaklase mula elementary hanggang high school except college dahil BS Accountancy ang kinuha niya. Masyadong niyang mahal ang mga numbers kaya hindi niya maiwan-iwan.
I usually call her mimi dahil kay mimiyuh, nagpabangs ba naman noong high school tapos hindi naman bagay sa kanya because she has a wavy dark brown hair na abot hanggang balikat. Petite, 5'4' lang ang height and mestiza. Suki ng library at madalas tahimik. Sa aming dalawa ako ang mas madaldal.
"So ano na naman ang plano mo sa kanya mii?" tanong niya sa akin. Kung mimi ang tawag ko sa kanya tawag niya naman sa akin mami or miii, noon mommsh pero binago niya ng may mga kaklase kaming tinawag din akong momsh. Galit na galit siya at hindi niya ako pinansin dahil siya lang daw ang karapatang tumawag non sa akin. Kung sa akin naman nangyari yon ganoon din naman ang magiging reaction ko. Ganito kami kaclose ng babaeng ito at para na ring kapatid ang turing ko sa kanya.
"I got his number" sagot ko sa kanya at kinindatan siya. Napaawang naman ang bibig niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Wow level up na ha from letters to text," tumawa naman ako sa sinabi niya. Grabe hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng kalokohang ginawa ko para lang mapansin ni Kayden. Pero masyadong unreachable si bebeluvs ko palaging waley yong mga pagpapapansin ko sa kanya.
"I'll make sure this time uubra na to. Hindi na siya makakatakas sa alindog ko," tugon ko sabay hawi ng buhok ko na kinatawa ni Jasmin.
"Good luck mami. Galingan mo. Apat na taon ka ng dumadamoves dyan hahaha," tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Tseeee. Just watch and learn mimi. Nasa sakin din ang huling halakhak," I said.
Matapos naming magchikahan naghiwalay na rin kami dahil nasa first floor lang ng building ng College of Commerce ang room niya at nasa third floor pa ang sa'kin. Nang pumasok ako sa loob wala pa ang prof namin at wala pa gaanong estudyante. Umupo ako sa may kanang bahagi malapit sa may bintana, nasa gitnang row ako naupo. Hindi naman ako ganoon katalino para umupo sa harap at hindi rin ako makakita kung sa bandang likuran pa ako uupo.
Our prof entered our classroom. Tahimik ang lahat dahil isa sa mga terror teacher namin ang magtuturo ng isa sa mga major subjects namin. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang takot dahil hindi ito nagdadalawang isip magbigay ng singkong grade. Graduating pa naman kami kaya lahat na-iingat.
"Alam kong last year nyo na ito ngayon at lagi ko namang kayong pinagbibigyan sa seating arrangement nyo noon, ngayon ako ang pipili ng seating arrangement nyo. Are you ok with that?" tanong ng proof namin. Kahit ayaw namin ano pa bang magagawa namin, mahirap galitin to.
Walang nagawa ang mga kaklase ko, tumayo kaming lahat at isa-isa niyang tinawag ang mga apilyedo namin in alphabetical order. Hindi ito yong nakasanayang arrangement kung saan una ang mga lalaki bago ang mga babae, dito pinaghalo talaga akaming lahat ng proof namin.
"Ms. Priva" tawag sa akin ni Maam, tiningnan ko ang upuang tinuro niya at iyon pa rin ang silyang inupuan ko kanina. Naglakad na ako doon at umupo.
"Mr. Salazar seat beside Ms. Priva" what the? Ha ano daw? Tama aba ang narinig ko Salazar daw?
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang lalaking gustong-gusto ko na naglalakad papunta sa katabing upuan ko.
OMG! What to do? What to do? Magiging seatmate ko si Kayden. Lord ang bait mo talaga. Hindi ko talaga sasayangin ang chance na to wahhh I love you hihih.
Cool lang siyang umupo sa tabi ko, fresh na fresh at amoy na amoy ko rin ang panlalaki niyang pabango.
I can't believe it, Kayden Salazar my ultimate crush since first year college is now seating beside me. Kyahhhhh!
_____________
Song featured Euphoria english version!

BINABASA MO ANG
Euphoria (COMPLETED)
General FictionBTS Series #1 eu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ noun a feeling or state of intense excitement and happiness. Sheia Lyell Priva, did everything she could do para lang mapansin ng kanyang ultimate crush na si Kayden Salazar. Would it be enough to make him fall...