Chapter 11

186 14 82
                                    

[Chapter 11]

From: Kayden
Can we talk?

To: Kayden
Sige

From: Kayden
Sunduin na lang kita sa inyo

To: Kayden
Sa may labas na lang ng subdivision tayo magkita

Sabado ngayon at agad din akong kumilos para mag-ayos matapos mabasa ang text ni Kayden.

Wala pang isang oras natapos na rin akong mag-ayos nagpaalam muna ako kay mama na lalabas lang ako kasama ang mga kaibigan ko at agad naman siyang pumayag.

Pagkarating ko sa labas ng subdivision nandoon na siya at nakasandal sa mamahaling pulang sasakyan niya, hindi ko alam kung anong brand nito basta may sasakyan siya.

Ngumiti siya ng makita ako, ngumiti naman ako ng bahagya dahil baka sabihing attitude ako. Lol. Slight lang naman.

"Hi," bati niya sa akin ng makalapit na ako sa kanya. He is wearing a pants, white inner shirt and denim jacket while I wear pants and pink tshirt na may nakasulat na bible verse para iwas karupukan.

Ngumiti lang ako sa kanya at agad naman niyang binuksan ang pinto sa may front seat.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasang hindi magsalita at dumaldal.

Nakasandal ako malapit sa bintana at tinitingnan ang dinadaan namin. As much as possible sinasaulo ko kung saan kami papunta baka mamaya kidnapping na pala to.

Hindi niya na rin siguro kinaya ang katahimikan sa pagitan namin at pinaandar ang radyo. Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang kanta. Wrong timing.

Napapaisip
Nananaganip
Baka sakaling tayo sa huli
Ayaw silipin
Na alanganin
Nagpapaniwalang 'di natin masabi

Bagay na bagay ang kantang to para sa amin. Me waiting for him to tell me everything. Ako na laging handang makinig gaano man 'to kasakit.

Ang plano sa 'tin ng tadhana
Ba't ba parang may pag-asa?
Klarong wala
Kaso baka

At kung bakit? Because I don't want to wake up one day full of regerets. Asking myself what if kung pinagpaliwanag ko siya, what if kung inayos namin.

Ayokong pagsisihan balang-araw na basta-basta ko na lang siyang binitawan.

Malay mo, tayo sa dulo
Hindi natin masabi kung
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig
Handa 'kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
Kasi malay mo, tayo
Malay mo, tayo

Alam kong mali dahil may Cariza na namamagitan sa aming dalawa. Pero gusto kong maniwala ng sinabi niya sa aking mahal niya ako. Gusto kong paniwalain ang sarili ko ng sabihin ni Justine na may rason kung bakit to nagawa ni Kayden.

Nang marealize ni Kayden na mas lalong naging awkward ang sitwasyon namin pinatay niya na lang ang radyo.

Mahigit isang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating sa Tagaytay.

Tamang-tama tanghalian na rin kaya kumain muna kami ni Kayden pagkatapos namin kumain saka namin napagpasyahang maglakad-lakad sa may picnic grove.

Namangha ako ng makita kong may mga kabayo pala dito at pwedeng rentahan para makapaglibot.

"Gusto mo bang sumakay?" Tanong niya sa akin ng hindi maalis ang tingin ko sa mga naghohorseback riding.

"Wag na," sagot ko at tumango lang siya sa akin.

Euphoria (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon