Chapter 9

178 21 128
                                    

[Chapter 9]

Take my hands now
You are the cause of my EUPHORIA

Nasa field kami ngayon ni Jasmin. Dito rin kami madalas tumambay bukod sa Bontanical garden dahil bukod sa hindi mainit presko rin ang hangin dito dahil sa dami ng puno.

"Akala ko ba wala kang pakialam sa bagong transferee bakit kayo magkakilala ha?!" nakataas ang isa kong kilay habang nagtatanong sa kanya. Kailangan kong imbistigahan ang babaeng to.

"Ito na nga oh magkukwento na ako" sagot niya sa akin. "Naalala mo nung sabado na pinagbintangan ako ni Tita na kinuha ko daw yong pera niya" tumango ako sa kanya bilang sagot. Kinuwento niya sa akin kung paano sila unang nagkita at anong nangyari kinagabihan, sinabi niy rin sa akin na hinatid siya ni Justine pauwi maging yong hindi nila inaasahang pagkikita kahapon sa rooftop.

Wow sana all talaga. Lumalablayp na talaga tong kaibigan ko samantalang ako nabudol pa tsskk.

"Napaka mong babae ka, ang dami nyo palang ganap hindi ka man lang nagkukwento sa akin," inirapan ko siya.

"Ito naman sorry na. Hindi ko naman kasi inaasahan na dito pala siya mag-aaral," paliwanag niya pa sa akin.

Eh di sana kung hindi gago si Kayden pareho na tayong hindi loveless sa mga oras na to. Pshhh.

"Ayiiehh crush mo no? Namumula ka kanina nung tinawag ka niya" pang-aasar ko sa kanya at sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.

"H-Ha?! Crush ka diyan, hindi ko siya crush," pagdedeny niya sa akin. Magsisinungaling ka na lang sa akin pa. Akala mo naman di ko kabisado yang mga galawan mo Jasmin.

"Weeeeee!? bat namumula ka na naman? Congrats siszt tao ka na, akala ko talaga hindi ka na magkakagusto sa tao dahil puro ka aral," im so proud of you mimi hahaha.

Lumalandi ka na rin. Siguraduhin mo lang  na hindi yan siraulo. Lalo na at gago pa naman ang kaibigan non. Mahirap na tsskkk.

"Tsee manahimik ka dyan babae hindi ko nga siya crush, ok?!"

Deny pa Jasmin pulang-pula na ang pisngi mo.

"So ano nga palang nangyari sa inyo ni Kayden kanina?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Baliw, anong nangyari ka dyan, matapos mo kaming iwan pumasok na rin kami sa room at pumunta na yong Justine sa building nila" sagot ko sa kanya.

Gusto rin kita bitayin dahil iniwan mo ako sa gagong yon.

"Oyyy si Justine yon ah" turo ko kahit ang totoo wala naman doon si Justine.

Sinamaan niya ako ng tingin ng marealize niyang niloloko ko lang siya.

"Ayiieehh hindi niya daw crush ha hahahahahaha," pang-aasar ko sa kanya habang tumatawa.

Matapos namin mag-usap nauna bumalik na rin ako sa room dahil may klase pa ako.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko pagkarating sa room. Si Kayden at Cariza.

Abala ang dalawa may pinapanood sila sa cellphone ni Cariza habang may tag-isang earphone na nakalagay sa tenga nila. Nakasandal pa ang magaling na higad sa balikat ni Kayden.

Pshhh harap-harapan talaga ha. Ang galing -galing noon sa akin mo yan gingawa habang sabay tayong nanonood ng mga videos ng BTS tapos ngayon sa babaeng yan na.

Ang pinagkaiba lang namin sa kanya kaya nyong gawin sa harap ng lahat samantalang ako kailangan pang patago.

Tinitigan ko sila bago ako tuloy-tuloy na pumunta sa harapan. Paglingon ko ulit sa may likod kung saan sila nakaupo nakatingin si Kayden sa akin pero siya rin ang unang nagbawi ng tingin.

Euphoria (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon