Chapter 7

187 21 95
                                        

[Chapter 7]

Even if the seabed splits into two
Even if my world's shaking I have you
Don't let go of my hand just stay with me
Oh please don't wake me up from this happy dream

Sabi ko naman eh may tinatagong kaharutan ang lalaking ito. Bumigay rin sa alindog mo Sheia. Ang galing mo talaga.

Bago kami pumasok sa loob ng mall hinawakn niya muna ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko talaga ang pamumula ng pisngi ko. Ang lakas lakas din ng tibok ng puso ko.

Holding hands while walking lang naman kami ng bebeluvs ko.

Kanina niya pa ako tinatanong na kung ano-ano hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil masyado akong distracted dahil sa HHWW naming dalawa. Puro tango lang ako sa kanya kahit ang totoo ay wala talaga akong maintindihan.

Enebe be nemen Kayden. 'Di naman ako nainform na ganito ka pala kabilis humarot.

Dinala niya ako sa isang mamahalin restaurant. Hindi ko na natingnan kong ano ang pangalan ng resto na ito dahil busy akong pagmasdan ang maamo niyang mukha.

"Table for two please," he said pagpasok namin sa restaurant.

"Do you have reservation sir?" Tanong ng waitress.

"Yes, Kayden Salazar."

"This way Sir," sagot sa kanya ng waiter at naunan na itong maglakad papunta sa table na pinareserve ni Kayden.

Di ka naman masyadong prepared luvs no? I secretly smile. Iba bumawi ang bebeluvs ko.

Dinala kami ng waiter sa pinakadulong parte ng restaurant. Iba ang ambience dito compare sa labas. Mahahalatang pang VIP ang ganitong set-up.

Hinila ni Kayden ang upuan at inalalayan muna akong makaupo bago siya umupo sa tapat ko.

Ibinigay na sa amin ng waiter ang menu. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang presyo ng mga pagkain. Shet isang linggong allowance ko na 'to eh.

Tiningnan ko lang si Kayden na seryosong nakatingin sa menu. He look ate me when he notice that im staring at him.

"May napili ka na ba?" He asked and smile at me.

Napailing ako dahil sa totoo hindi ko talaga alam kung ano ioorder ko. "Kung anong sayo iyon na lang din ang sa'kin," sagot ko.

Tumango lang siya at ngumiti ulit sa akin. May mga ituro siyang pagkain sa waiter na hindi ko rin alam ang mga pangalan. Masyadong sosyal. Inulit pa ng waiter ang order namin bago siya umalis para ihanda ang pagkain.

"Bakit mo pala ako dinala rito?" Tanong ko sa kanya.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga sinabi ko sayo kagabi."

"Ah yon ba. Wala yon di ko rin naman maintindihan actually," I said.

Hindi ko talaga gets ang mga drunken messages niya. I will ask Jasmin pa about that baka maintindihan niya. Nakakahiya naman kung kay Kayden ko mismo itanong.

Para naman siyang mabunutan ng tinik ng sinabi kong hindi ko naman naiintindihan yong mga text niya. Mas lalo tuloy akong na curious baka may ibig sabihin ang mga 'yon.

Kung minsan kasi mas nalalabas ng isang tao ang tunay niyang nararamdaman  kapag nalalasing siya. Kahit kating-kati ang dila kong tanungin siya hindi ko na lang ginawa.

"Yong tungkol lang ba kagabi ang gustong kong ihingi ng sorry?" Tanong ko sa kanya ng wala na kaming mapag-usap.

Baka lang naman kasi nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin noong nakaraang linggo luvs.

'Di porket lumabas tayo ngayon ok na talaga tayo. 'Di pwede yon luvs, hindi pa naman ako ganon ka rupok sayo hahaha slight lang.

Bumuntong hininga siya bagi ulit nagsalita. "Gusto ko rin magsorry sa nangyari last time."

I stare at him hinahanap ang sincerity sa mga mata niya. "I'm sorry if I hurt you. Sobrang pagod lang talaga ako nang araw na 'yon," dagdag niya pa.

Humalukipkip ako at sumandal sa sandalan ng upuan. Hmmm sige na nga I forgive you na. Matitiis ba kita. Pasalamat ka talaga at mahal kita.

"Ay napagod ka? Pahinga ka sa'kin, luvs. I'm always free for you," I said sabay kindat sa kanya.

Nabigla naman siya sa sinabi ko. Muntik niya ng maibuga ang tubig na iniinom siya.

"Basta ba…may kasamang kiss at yakap," at tuluyan na siyang nabulunan sa iniinom niyang tubig.

Agad akong tumayo at tumayo sa may gilid niya para hagurin ang likod niya. "Hey ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. Siya naman panay pa rin ang pag-ubo.

Tumikhim siya ng tatlong beses bago sumago. "Yes I'm ok."

Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Weak naman luvs yon pa nga lang sinabi ko windang na windang ka na. Dapat sanayin na kita sa mga pamatay kong banatan hihih.

"Palabiro ka talaga Sheia," sabi niya, habang umiiling pero nakangiti siya ng kaunti.

Ouch rejected ka na naman Sheia. My gosh Kayden you think Im joking? Hindi mo ba alam kung gaano ako kaseryoso sayo na handa na akong pakasalan ka ngayon din mismo?

"I'm not joking," seryoso kong sabi.

Sasagot pa sana siya kaso biglang dumating ang pagkain at nagsimula na kaming kumain.

Ang awkward nmn. Tahimik lang kami habang kumakain. Hindi naman ito yong inaasahan ko sa first date natin eh.

Im expecting something romantic like magsusubuan tayong dalawa. Tapos kapag may sauce na naiwan sa gilid ng labi ko pupunasan mo.

Wala ako sa mood hanggang sa matapos kaming kumain. Feeling ko nga ako lang mag-isa dito dahil hindi naman nagsasalita tong kasama ko.

Pasulyap-sulyap lang siya sa akin habang kumakain samantalang ako nakakunot lang ang noo habang kumakain. Hindi ko rin siya tinapunan ng tingin. Naiinis ako.

Matapos naming kumain lumabas din kami agad sa restaurant. "Thanks for the food, uwi na ako," I said. Wala na talaga akong gana.

Di mo man lang ba lalambingin ang bebeluvs mo ha Kayden. Tampong-tampo na ako sayo. Akala ko pa naman babawi ka. Wala man lang siyang balak pigilan ako umuwi.

Tumalikod na ako at nagsimula ng humakbang papalayo ng bigla niya akong hablutin. Nabigla ako sa ginawa niya at muntik ng mawalan ng balanse.

Bigla niya akong niyakap at parang nagkaroon ng parada sa loob ng puso ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. "Shey I'm sorry."

Ano daw? Shey? Wow improving may tawag siya sa akin.

Napangiti ako sa sinabi niya. You really knows how to get me luvs. Marupok ako eh. Alam mong isang sorry mo pa lang sa akin bibigay na kaagad ako.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap niya at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"Are you flirting with me?" I asked with matching taas kilay haha.

"Ligaw Sheia. Manliligaw ako sayo," he said. My mouth almost drop ng marinig ko ang sinabi niya.

ANO DAW SI KAYDEN MANLILIGAW SA AKIN?!

Seryoso??? Lord wag naman sanamg scam tong lalaking to. Mashaket pa namang umasa.

Parang bigla akong nawalan ng balanse at muntik ng matumba dahil sa sinabi niya. Alam ko namang maganda ako at wala siyang takas sa alindog ko pero gosh Kayden naman kasi eh.

Hindi ako prepared sa mga ganitong pag-amin. Sana nag long gown ako ngayon 'di ba kahit hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganon.

Agad niya akong hinawakan para alalayan. Ang gwapo naman nitong manliligaw ko hihih.

Atleast maipagmamalaki ko na naglevel up na ang label naming dalawa. From stalker to suitor. Kyahhhh!

Umupo muna kami sa may bench malapit sa fountain. "Totoo ba yong sinabi mo? Wala ng bawian ha!" Paninigurado ko sa kanya. Baka kasi nagdidaydreaming na naman ako.

"I will court you Shey... officially," dagdag niya pa habang nakangiti na mas lalong nagpalambot sa puso kong siya lang ang tanging sinisigaw.




Euphoria (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon