Chapter 8

181 19 106
                                    

[Chapter 8]

i can hear the waves crashing on the shore
Racing through my dreams I want even more
With clarity my heart will go on
Take my hands now
You are the cause of my Euphoria


It feels surreal, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan na ako ni Kayden.

Ilang beses ko pa siyang tinanong kung sigurado na ba siya dahil natatakot ako na baka panaginip lang to. Isang magandang panaginip na ayaw ko ng magising.

To: Bebeluvs Kayden ❤️
Nililigawan mo na talaga? Di to scam? Peksman mamatay man si Batman?

From: Bebeluvs Kayden ❤️
Yes luvs. Matulog ka na. Good night.

Para na naman akong baliw na nagpagulong-gulong at nagtatatalon sa higaan.

Ang landi rin nito eh nakikiluvs din sa akin kahit di pa kami. Sabagay ako nga stalker pa lang nilaluvs ko na hihih.

Nalulungkot lang ako kasi sabi ni Kayden 'wag daw muna naming ipaalam sa iba kasi ayaw pa ng parents niya na magkagirlfriend siya, bat parang baliktad? Di ba dapat parents ko ang ganon hindi sa kanya?

Mas strict yong family ni girl compare sa family ni boy. Nagkibit balikat na lang ako kasi baka nga talagang sobrang strict ng family niya.

He also said that baka kuyugin ako ng mga fangirl niya sa school. Wala pa naman siya lagi sa tabi ko para protektahan ako. Kinilig naman ako doon kaya pumayag na rin ako.

Nakokonsensiya nga ako kasi 'di ko man lang masabi kay Jasmin na nanliligaw na sa akin si Kayden. Sorry mimi, in the right time promise sasabihin ko rin sayo.

Ang bilis ng oras di ko akalain na patapos na ang 1st sem. Routine namin ni Kayden? We act as if hindi kami close at magkakilala sa loob ng campus. Iwas issue pero parang pakiramdam ko minsan gumagawa kami ng kasalanan sa pagtatago ng namumuo naming relasyon.

Madalas akong puyat kasi lagi ko siyang kachat at katext hanggang madaling-araw. Kung minsan tumatawag pa siya sa akin para kantahan ako.

Hindi ko talaga makakalimutan nang kantahan niya ako ng A whole new world ng Aladdin. Nalaman niya kasing mahilig ako sa disney. Ang sweet ng bebeluvs ko.

Kapag wala siyang practice tuwing weekend lumalabas kami para magdate. Pagkatapos namin kumain madalas kami sa Timezone, ang duga nga eh lagi akong natatalo kapag naglalaro kami ng basketball kalaban ko ba naman ang MVP ng school namin.

Masaya naman ako sa takbo ng relasyon naming dalawa. One step at a time lang.

Katatatapos lang ng final exam namin. I tought everything between us is going well not until one day nakita kong may kahalikang ibang babae si Kayden.

Halos manlaki ang mata niya ng makita niya akong nakatayo hindi kalyuan sa kanila ng babaeng kalampungan niya.

I smiled at him kahit na unti-unting dinudurog ang puso ko at nagsimula ng tumakbo papalayo sa kanila.

Gago ka Kayden! Ako nililigawan mo tapos may kahalikan kang ibang babae?

Dahil ba hindi ka nakakatikim sa akin kaya naghahanap ka ng ibang putahe? Shet sana sinabi mo di ba handa naman akong ibigay yon sayo eh.

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humila sa pulso ko. "Shey let me explain please," bakas na bakas sa boses niya ang pagmamakaawa.

"Wala ka ng dapat eexplain pa Kayden." I said at tinalikuran siya ulit.

Euphoria (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon