Chapter 10

172 19 66
                                    

[Chapter 10]

I still can't believe what just happened kanina.

Kayden kissed me.

Oh my gosh! Hawak-hawak ko ang labi ko ngayon at ramdam ko pa rin ang init ng labi niya na dumapi sa labi ko. Nag-iinit din ang magkabila kong pisngi.

Tumalon ako sa higaan ko at pabagsak na nahiga. Ilang beses din akong nagsisigaw habang nakabaon ang mukha ko sa unan.

Kayden is my first kiss.

Ilang beses pang nagreplay sa utak ko ang nangyari kanina.

So ano na Sheia? Marupok ka na naman ha?

Biglang nagbeep ang phone ko na nakapatong sa maliit na cabinet sa gilid ng kama ko.

From: Unknown
Im sorry Shey... for everything but I won't say sorry for kissing you. Good night luvs.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Arghhh Kayden ano bang ginagawa mo sa akin ha? Bakit napakaharot mo?

May paluvs luvs ka pang nalalaman eh wala ngang tayo.

Ibinalik ko ang phone ko sa cabinet at hindi na ako nag-abala pang magreply kahit ang totoo gustong-gusto ko siyang replayan.

Lunch break ngayon at kasama ko si Jasmin mananghalian. Kanina pa tulala ang isang to at halos 'di ginagalaw ang pagkain.

"Hoy mimi ano ba yan kanina mo pa pinaglalaruan yang pagkain mo halos di mo pa nga yan nagagalaw" saway ko sa kanya. Tiningnan niya ang baunan niya na halos wala pa sa kalahati ang nabawas.

"Bakit iniiwasan mo pa rin siya? Hindi ba at sinabi niya naman sayo na hindi niya girlfriend yong bruhang Jewel na yon?" Tanong ko sa kanya.

Bago magsimulang kumain nakwento niya sa akin na may girlfriend pala si Justine. But Justine denied it, hindi niya daw girlfriend yong jewel.

Napailing na lang ako. Ang sarap nilang pag-untugin ni Kayden. Tototo nga talaga yong kasabihang birds on the same feather flock together. In short parehong mga PAASA.

"Hindi natin alam miii, malay mo naman nagsisinungaling siya," hindi ko rin naman masisisi tong kaibigan ko dahil first time ma inlove takot sumugal.

Why love needs to be completed?

Pareho talaga kaming magkaibigan parehong may mga asungot na higad sa namumuong lovelife namin.

"Natatakot kang sumagal?" I asked her. Kasi kung ako tatanungin. Oo. Lalo na at alam kung may hindi sinasabi sa akin si Kayden.

I can feel it. Mahal niya ako pero may kung anong pumipigil sa kanya.

"Sa totoo lang miii oo natatakot akong sumugal ulit, natatakot akong buksan ang puso ko, natatakot ako na sa maling tao na naman ako mahuhulog," pag-amin niya sa akin.

I remember how devasted she was during our high school days dahil sa isang lalaking akala mo naman gwapo. Tsskkk.

"Pero paano mo malalaman kung siya na kung hindi mo siya bibigyan ng chance? Hindi mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo hangga't hindi ka sumusugal. Huwag mong sayangin ang oras mo sa sa mga what if's mo dahil baka balang araw pagsisihan mong hindi ka nagtake risk," I said.

Wow Sheia ang lalim ng hugot mo ah, saan mo yon nakuha?

Payo ako ng payo pero hindi ko naman magawa sa sarili ko mismo. We are all great advisers who can't even follow our own advise.

"Dapat yata sabihin mo rin yan sa sarili mo ha haha" binatukan ko siya sa sinabi niya.

Oo alam ko Jasmin. Alam ko hays.

Euphoria (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon