Prologue

743 167 80
                                    

Natulos ako sa aking kinatatayuan nang mapagsino ko ang katauhan sa likod ng mga maskarang nagkukubli sa dalawang taong naglalaban.

Hindi...

Hindi maaari. Hindi dapat sila ang nagpapatayan. Bakit sila pa?

Pareho...

Pareho silang mahalaga sa akin at wala akong balak na mamili kung sino dapat ang makikitlan ng buhay para manalo.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo sa kinaroroonan nila para ako mismo ang magtigil ng kahibangang ito.

Pero hindi maaari.

Isa lamang akong mahinang kalahok na kilala bilang isang ganid sa karahasan para manalo. Wala akong laban sa nakatataas na makapang-
yarihan.

Sa pagtitig ko sa impyernong kinasasadlakan ng dalawang taong naglalaban, walang pagsidlan ang nagngangalit na tensiyon sa pagitan nila. Kitang kita ko ang nakakapasong galit sa mga mata nila para sa isa't-isa. Nagsusumigaw ang determinasyon nilang makuha ang kampeonato sa bawat galaw na pag-ilag, sugod at wasiwas ng kani-kanilang sandata at katawan.

Isang labanan para sa buhay at kinabukasan. Lalaki laban sa babae.

Pareho silang malakas at ayaw magpatalo. Gamit ang kaniya- kaniyang hinubog na taktika, nagagawa nilang salagin ang mga pag-atake ng bawat isa.

Ang malaking perang premyo...

Hindi ito hinahangad ng halos lahat sa aming miyembro ng grupo. Isa lang ang oo. Isa lang ang naghahangad nito.

Sa pagtagal ng laban, sa pagdehado ng isa. Nananalo na kami. Pero pilit pa rin siyang lumalaban.

Nang mapansin ito ng manood, nagsimula na namang masilaban ang pagdagundong ng kani-kanilang sigaw at komento na pumupuno at wari pang nagpapayanig sa buong lugar. Sa tindi ng kanilang nililikhang ingay patungkol sa tensiyonadong sagupaan sa gitna, animo'y nagmistula na silang mababangis na hayop na nais makawala sa isang tanikala.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Ang ingay sa paligid ay mas lalong nagpapagulo sa aking isip. Lalo pa akong na-alarma ng makita ang pagpuslit ng dugo mula sa malaking sugat sa braso niya dahil sa talim ng katana. Puminta ito sa braso niya ng nakakapangilabot na kulay pula. Sa pag-iwas niya pa sa bumubulusok na sandata sa kabila, nawala ang atensiyon niya sa taong nagpakawala nito. Hindi niya nailagan ang paparating na pwersa mula sa kakampi ko sa direksiyon niya ng siya ay umiwas. Napigil nitong lalo ang aking paghinga. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksiyon. Wala na ang akong pakiramdam dahil sa pamamanhid na aking nararanasan mula sa takot, pangamba, at pag-iisip ng kung ano-ano.

Habang ang mga kagrupo ko ay todo sigaw at may mga ngiting nakapaskil na sa kanilang mga labi buhat sa napipinto naming pagkapanalo, ako, magdedeliryo na yata dito sa sulok.

Nilulukob na ako ng takot. Wala ito sa plano. Ni sa hinagap, hindi ko inaasahang ito ay posibleng mangyari. Sa bawat pag atake niya, siyang madaling pag-iwas na ginagawa ng kalaban. Sa bawat pagsugod naman ng huli ay napapa-protekta na lamang siya sa sarili at napapa-urong ng isang hakbang palikod.

Nais kong patigilin na siya dahil alam na ng lahat ang magiging resulta nito. Nais ko siyang iligtas at sabihing tama na.

Ngunit, hindi niya rin dapat ako makilala. Lalabag ako sa batas ng impyernong lugar na ito kapag nalaman niya ang katauhan sa likod ng maskarang aking suot. Kahit pa itanghal ng resulta ng laban na aming grupo ang panalo, mawawalan ito ng saysay dahil doon.

Mas malakas na hiyawan ang narinig ko ang umalingawngaw sa loob ng underground arena. Tinig ito ng mga manonood na nagbubunyi, hudyat na tapos na ang laban. Nang tumingin ako sa dalawang taong iyon, tila tumigil ang pag-inog ng aking mundo.

Ang lakas ng tibok ng puso kong kanina'y nagpapahirap sa aking paghinga, ngayo'y mistulang kinakain na ako ng buo. Gusto nitong alisin ang aking ulirat dahil sa pagtuklas ko ng katotohanang sa akin ngayon ay tumambad.

Hindi! Hindi ito totoo....

********

A/N:

Please understand if there's a grammatical error, typo, etc. ^_^

This is our first collaboration story so we hope y'all like it.♡'・ᴗ・'

****PLAGIARISM IS A CRIME****

Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon