YUMI'S P.O.V."Let's have a bet, then. Dagdag thrill lang, ang boring kung simpleng paunahan lang lumangoy, Bielle. C'mon, tayo lang dalawa ang nandito sa pool area kaya okay lang mawala poise mo" wika ko kay Bielle na binuntutan ko pa ng tawa.
"Oh, sounds fun. I'm agree with that. Okay, I'll bet my favorite katana" she simply said.
Napasipol na lang ako at ngumiti ng malaki. I knew that thing very well. That's one of the most expensive on it's kind. If my memory serves them right, Bielle run some errands just to get that from one mafia lord. Nag-effort pa siyang makipaglaban dito nang patayan sa hand to hand combat, at pumanig nga sa kaniya ang swerte.
"Woah, sure na sure tayong mananalo ah? Hmm... I'll bet my car I mean dad's" ngiting tagumpay ko pa sa kaniya.
She nodded and smiled innocently on me.
'New katana baby, here I come!' I triumphantly shouted at the back of my mind because I'll surely win this.
We positioned ourselves on the pool's edge, nakasuot na rin naman kami ng black one piece uniform na ginagamit ng mga estudyante kapag may swimming activity. Paunahan kaming makabalik muli dito after three lapses, that's the goal.
"In 3... 2..." she counted.
Inhale. Exhale.
"1... Go!" I finished counting and welcomed water to acquire my body when I dived onto it's deepest.
Early seven in the morning pa lang ngayon pero nandito na ako sa campus kahit one o'clock in the afternoon pa talaga ang first class ko. Ayoko kasi sa bahay dahil nandoon sina Mom and Dad. They have works but refuse to go because Dad experienced over fatigue. He almost fainted last night so our family doctor rushed on our house and says his findings. Ang workaholic kasi, 'yan tuloy. Dumating din kahapon ang papel na naglalaman nang tumataginting na gastos ko last month. It reaches almost half a million so they will surely get berserk about it.
So instead of tiring my eardrums to hear their rants about me spending their money, I just avoid it. Maglalambing na lang ang unica hija nila mamaya at tiyak ko, mawawala din ang pagka-hb nila.
Anyway, so ayon nga, it leave me no choice but to waste half of my day staring on passing by students here on the campus. Kinuha rin kasi ni Dad ang credit card ko kaya wala akong pang-mall, maliit lang rin ang naiwang cash sa wallet ko. Hinatid nga lang din ako ng family driver namin dahil wala akong guts itakas na naman ang kotse niya, takot ko na lang 'no.
I just think of something productive to do while I'm sitting on a bench. Dinala naman ako ng cute kong isipan sa pags-swimming. Exercise ko na rin para mas mahasa pa ang skill ko.
At nang naglalakad naman ako papuntang pool area, saktong nadaanan ko ang building na inookupa ng department ni Bielle. Dahil nga sa panig yata ang swerte sa'kin ngayong araw, narinig ko ang announcement mula sa speakers na nasa building about sa class suspension nila for today.
Kaagad hinanap ng mata ko ang kaibigan kong may title na queen bee sa dagat ng mga naglalabasang estudyante. And there! I saw her smiling sweetly to her blockmate while walking towards my direction, the latter is frowning.
Nang makalapit siya tinanong ko kaagad kung bakit nakabusangot ang mukha ng kasama niya kanina. Sabi niya dahil daw sa late suspension, tinanong ko naman kung bakit hindi siya ganoon pero tumaas baba lang ang balikat niya. Damn, this girl, hindi ba talaga uso dito ang magalit o kahit mainis man lang? Err.
BINABASA MO ANG
Final Battle
ActionAng buhay ng tao ay isang mahabang proseso ng tagumpay at pag-asenso. Kailan mo nga ba masasabing nakamit mo na ang lahat at kuntento ka na sa buhay mo? Kapag mayaman ka na? Kapag may sarili ka nang pamilya at may lalaki ng nagmamahal sa'yo? Kung m...