Chapter 5

251 121 35
                                    

Brixx P.O.V

Dito na kami sa hideout. Kakatapos lang namin magbasketball. Itong si Cean nakapanakit lang ng babae tuwang tuwa na

Ganyan sila kasamang tao. Tapos panay kwento, ganun daw na babae ang type nya maangas kuno, hindi  pabebe.

Kung hinddi nyo natatanong Cean is a playboy. Everygirl na gusto nya nakukuha nya.

"Brixx, tapos na ba'yan?" Ashton

"Di pa pre, try mo ikaw magbalat." sigaw ko pabalik.

Nasa kusina ako kasama si Bright, nagbabalat kami ng mangga. Nadaanan kasi namin sa kanto since favorite ko ito binili ko na.

"Ah shit." Nalaglag ni Bright yung hinihiwa nya.

"Akin na hugasan ko." saad ko. Ako lang naman kasi ang malapit sa gripo.

"Wag na sayang." saad nya sabay bato sa trash can.

"Anong sayang dun?" Nagtataka kong tanong.

"Sayang, walang makakain yung basurahan kundi balat kaya binigaaaaack--- Ano ba nagkakalat ka ayan nalagyan din itong lagayan ko." sabi nya habang inaalis ang balat ng manggang binato ko sakanya.

"Tang ina mo, budoy ka na naman."

Tinapos na namin ang pagbabalat.  Ang sunod na ginawa namin ay ang sawsawan naming tatlo, asin na may sili, toyo na may sili at toyo na may asukal. Shit sarap.

Nanunuod kami ng NBA, habang kumakain.

"Pre Sabihin mo ng sampung beses ang FERNANDO POE JR. " sabi ni Bright kay Kylo

"FERNANDO POE JR 10X!!!" sigaw ni Kylo.

Tamad talaga nito. Tamad talaga syang magsalita.

"Tangina mo, ikaw na lang Cean." baling na saad nya sakin.

"Busy ako, nanunuod diba?" Cean.

Ano na naman kasing trip ng gagong to?

"Ikaw na lang ashton" bright

"FERNANDO POE JR." pag sisimula nya.

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR."

"FERNANDO POE JR." Hingal na saad ni Ashton nang matapos na nyang sabihin ang inutos sakanya ni Bright.

"Ngayon pre, anong apilyedo ni Fernando Poe?" bright

"Jr." sagot ni Ashton sa tanong ni Bright.

"HAHAHAHAHAHA!!!" hagalpak na tawa namin ni Bright. Taenang yan HAHHAHAHAHAH.

Sila -____-

"Kahit kailan pre support moko, iloveyou." saad ni Bright sabay nag flying kiss sya.

"Gago! Di ako natawa dahil sa joke mo, natawa ako kaso kahit kailan itong si Ashton nauuto mo." sabi ko sabay bato ng maliit na pillow.

"Napaka gago kasi ng tanong." saad ni Ashton sabay walkout.

"Kahit kailan pikon yun, e slow naman talaga sya." saad na singit ni Johan.

Bigla namang tumayo sila Kennedy at Kenneth kaya napatingin kami sakanilang dalawa.

"Uuwi na ang kambal." sigaw ni Bright.

"Nanunuod kasi sila napakagago mo." sigaw ko.

"Tanga pre, sige cellphone pa tapos na kanina pa" sabi ni Bright.

-____-

Tinatanga ako, kasalanan ko ba?  Pero oo nga tapos na.

"Sabi ko nga." saad ko at akmang tatayo na.

"Pre may tanong pala ako." saad ni Bright kay Ashton nang bumalik uli si Ashton sa pwesto namin.

May kachat kasi ako habang kumakain ng mangga. Kasalanan ko ba na wala sa tv mata ko.

"Tantanan mo nako." inis na saad ni Ashton sabay alis uli sa pwesto namin.

"Una na kami pre mahuli magligpit." sabi ng kambal.

"Sige ingat." saad ko

"Ako din." biglaang paalam ni Kylo samin.

"Tulungan ko na kayong magligpit." pag presinta ni Cean.

"Sige pre kayo nalang dalawa, may iniisip pa ako." Bright.

"Ano iniisip mo?" saad ko

"Wag na pre, ako na lang mamomroblema nito." seryosong saad ni Bright. Kaya nacurious naman ako bigla.

"Ayaw mo tulungan ka namin?" biglang singit ni Cean.

"Pilitin mo muna ako." malokong saad ni Bright.

"SASABIHIN MO O HINDI." sigaw ni Cean kaya nagulat ako at pati na rin si Bright.

"Ito na nga sasabihin na nga e, kasi pre iniisip ko lang paano natutulog ang kuba." seryosong saad ni Bright. Napanganga ako dahil sa sinabi nya.

Binigyan ko lang sya ng 'ARE YOU SERIOUS?' look.

"Ewan sayo bahala ka jan." sukong saad ko dahil sa katarantaduhan nya.

Lumabas na kami sa hideout pagtapos naming magligpit, sumunod naman samin si Bright.

"Pre bobo ba kayo di nyo ba naiisip iyon? O baka di nyo alam ang sagot." biglang saad ni Bright.

"Tangina pre babae kaba?" naiinis na tanong ko sakanya. Kinuha ko ang helmet sa motor ko at sinuot ito.

Binuksan ko na ang makina ng motor ko nang makita kong sumakay si Bright sa kotse ni Cean.

"BAKIT MAKIKISABAY KA JAN? " sigaw ng tanong ko.

"WALANG GAS KOTSE KO PINATULAK KO LANG SA GUARD SA LABASAN YAN" balik na sigaw ni Bright.

"TANGINA MO! ANG TIPID MO, PERO SA BABAE ANG WALDAS MO." sigaw ko sabay nun ay pinaharurot ko na ang motor ko at di na sila nilingon.

Ako si Brixx Skylar Martinez, 4th year college course Criminology. May kapatid ako kambal nasa states, doon nakatira sila mom and dad since H.S ako di kalaunan pinasunod ako dun with kambal pero dahil ayoko iwan ang barkada, at gusto ko mamuhay mag isa. Una ayaw nila pero kalaunan pumayag din. Pag bakasyon or special occasions umuuwi ako dun.

Pagkauwi ko ay agad akong pumunta sa kwarto at nagpalit ako ng damit at humiga sa kama, kinuha ko cellphone ko ng may nakita akong text galing kay Bright.

2 message

Legit na abno

1st message.
Pre kung iisipin mo paano natutulog ang kuba.

2nd message.
Syempre pre nakapikit.

-___-

Seriously? Napailing na lang ako sa katarantaduhan nya at nagscroll nalang ako sa social media ayoko replyan ka abnormalan nya.

Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon