"Nakakainis!" sabi ni allen. kanina pa yan nag-aalburuto. ewan ba?, baka may topak lang, baka may tampohan lang ng 'bago' niya. "bakit kasi lapit ng lapit si zoe sa kanya!, ano bang meron sila?, tapos sa akin, pakiramdam ko naiwas siya!, ano bang nagawa ko? at kahit tingin naiwas pa!" bulong ni allen na panigurado akong siya lang ang nakarinig ng huling sinalita niya, should i say nguyngoy niya?, tss! nag kakape kasi kami dito sa terasa ng rensthouse. 4am palang kasi ngayon kaya naman apat palang kaming gising, sina niel, janine, allen, at ako.
"ano bang problema brod?" tanong ni niel. himala at nagseryuso siya ngayon. yon nga lang, hindi siya pinansin ni allen.
"best mae, ikaw? may nanliligaw ba sayo?" tanong naman bigla ni janine, kaya napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. "si allen kasi may girlfriend na oh." pangangatwiran pa niya. tss. ano bang naisipan nitong babaeng ito! at yon pa ang naisipang itanong, napatitig lang ako sa kanya. wala kasi akong maisagot. ano sasabihin ko? na kami ni renz? ganun? tss. hindi pa naman ngayon ang umpisa ng pagpapanggap namin na kami eh.
"syempre! meron! mawawalan ba naman ng manliligaw yan? eh ang ganda kaya ni mae, diba allen?" sagot naman ni niel sa tanong sa akin ni janine, at tanong din niya kay allen.
"ikaw ba si best?" nakataas ang isang kilay na baling naman ni janine kay niel.
"tsk!" yan lang ang sagot ni allen. halata ngang hindi maganda ang gising.
"anong meron?" tanong ni renz na kakababa baba lang. lumapit siya kung nasaan kami, at umupo sa may tabi ko. then inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko. lagi naman niya yang ginagawa pag magkasama kami, kaya sanay na ako.
"antok ka pa?" tanong ko sa kanya, na hindi gaanong kalakasan, husto lang para kami lang dalawa ang makarinig. Tumango lang siya, "Gusto mo ng kape?" tanong ko ulit sa kanya na kami pa din lang ang nakakarinig ng pinag-uusapan namin. "sige." mahinang sagot din niya at may kasama pang ngiti. yan ang isa sa mga side ni renz na nagustuhan ko sa kanya. yong tipong sa akin lang at sa anak ko siya naglalambing at nangiti, na minsan lang din niya ipakita sa mga taong nakakasalamuha namin. madalas kasi kami lang ng anak ko ang ginagawan at pinapakitaan ng mga ganitong habit niya.
"wooy! ibang usapan na yan!" agaw pansin naman ni niel sa pag-uusap namin ni renz, kaya parehas kami ni renz na napatingin sa kanya. "napangiti at nakasandal pa sa balikat ni mae ang ulo ni uno! how sweet!" pagpapatuloy pa niya.
"sigurado ba kayong, wala talaga kayong relasyon?" si janine naman ang nag tanong. napatingin naman ako sa gawi ni allen. magkasalubong ang dalawang kilay niya, at masama ang tinging ipinupukol sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin, ano namang problema niya? kahapon pa siya masama ang tingin sa akin, o kaya sa amin ni renz, lalo na kapag magkasama kami.
"wala nga. paulit-ulit lang?" sagot ko naman sa kanila. umayos na ng upo si renz. kaya tumayo ako upang kumuha ng panibagong tasa upang ipagtimpla ng kape si renz. at katulad ng kay janine, hindi rin pala si renz naglalagay ng asukal sa kape. siguro ganyan talaga ang mga masusungit. HINDI NAG LALAGAY NG ASUKAL sa kape. after kong magtimpla ng kape, inilagay ko na sa mesa ang kape, sa tapat ng inuupuan ni renz.
"wow! ang sweet naman ni mae! talagang ipinagtimpla pa si uno ng kape! kakainggit!" sabi ni niel na halatang nag paparinig kay best. dahil nakatingin kay janine habang naka pout.
"si renz ipinagtimpla., ako hindi! kainis!" bulong ni allen na hindi ko na nakinig dahil bukod sa busy ako sa panunuod sa dalawa ni janine at niel na mag kulitan, subrang hina pa ng boses niya.
"syempre best! may girlfriend kana eh!, kaya yong girlfriend mo na ang gagawa ng mga bagay na ganun sayo. huwag mo ng asahang gagawin pa sayo yon ni mae, dahil~!"
"HINDI KANA SINGLE!" putol ni janine sa sasabihin ni renz. what? hindi ko magets ang pinag-uusapan nila.! tss.
"kanino pala gagawin?, kay Zoe?! ganun?." tanong naman ni allen.
BINABASA MO ANG
SMPN : ALLEN "the possessive man"
Любовные романыSa pag sapit ng mga katotohanan... Anong Gagawin mo upang maprotektahan ang kasinungalingan Na iniingatan mo. Hahayaan mo nalang ba na malaman ng iba ang lihim mo? O mangdadamay ka pa ng iba, maprotektahan lang at maitago ito. Sabi nga nila... "w...