Naandito ako ngayon sa kwarto, nag gagayak ng mga gagamitin kong damit para sa reunion namin. at ang pag dadaosan ng aming reunion ay ang private beach resort ng family ni allen. sa dec 23 pa nga sana ang punta namin ni renz doon, at sila na lang sana ang mauuna dahil alam naman kasi ni renz yon, ang kaso mapilit sila at sinabing sabay sabay na kami sa pagpunta. kaya napilitan kaming sumabay. diko tuloy makakasama ang anak ko ng 3 days. imbis na 1 day lang naging 3 day pa.
*tot* oops! sure ako si renz na ang nag text.
'Mae. andito na ako sa ibaba. dito nalang kita iintayin.' hmm, si renz nga ang nag text. ok! last thing to put inside my bag.. and boom! tapos na ako! i'm going to downstairs na. at pag kababa ko nga, andon si renz, nakupo sa sofa."asan si jallel?" tanong n'ya at lumapit na sa akin upang ipagdala ako ng bag kong dala. napaka gentleman naman n'ya ngayon?, wag ko nalang batiin at baka masupla. haha "andun sa bahay nina dad." maikling sagot ko. lumabas na kami ng bahay, at pumunta na sa garahe. andon kasi ang kotse. inilagay niya sa compartment ng kotse n'ya ang bag ko. malaki kasi yon, para akong mawawala ng isang buwan, samantalang tatlong araw at dalawang gabi lang naman kami don. ganun talaga, kailangan always ready. una na akong sumakay sa kotse. nilalagay n'ya pa din ang iba pang bagay na dala ko eh. like exchange gifts, etc.
"handa ka na bang makaharap ulit s'ya at ang bago n'ya?" tanong ni renz ng makapasok na kaming pareho sa kotse. tss. hindi ko nga muna iniisip yan eh. to talagang renz na to kahit kelan talaga. tss. ngayon iisipin ko nanaman kung paano sila pakiharapan, siguro mag panggap nalang ulit ako na ayos lang. katulad ng nakasanayan ko na. don naman ako magaling eh, ang mag panggap...
"oo renz. kinakausap mo sarili mo. yeah! talk yourself more. tss." sabi pa ni renz kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.
"anong drama mo?, pwede ba mag drive ka nalang." pagsusungit ko sa kanya, ngunit tinaasan lang niya ako ng isa n'yang kilay. "DI MO BAGAY magsungit." sabi n'ya kaya naman inirapan ko lang siya.
"nasa byahe na daw silang lahat. kaya sumunod na lang daw tayo." sabi ko. "kaya wag kang magpabagal bagal dyan.!" utos ko rin sa kanya.
"seriously? susungitan mo lang ako ngayong araw? ganyan ba ang trip mo?" tanong n'yang nakataas ang kilay. nag makeface lang ako sa kanya.
"tss. red flag day ba? , haha." tanong niya na ikinalaki ng mata ko. "ang manyak mo ah!" sabi ko at inirapan siya. seriously? pag titripan lang n'ya ako sa buong byahe? hindi ko na nga s'ya masyadong pinapansin eh.
"anong ikinamanyak ko dun?" tanong n'ya na parang inosente. tss. renz, always be renz. tss.
Napagkasunduan namin ni renz, na hanggat maaari, walang makakaalam na may relasyon kuno kami. saka nalang kapag kinailangan na.
Nagbangayan lang kami ni renz sa byahe. kung hindi ko siya sinusungitan sinisinghalan ko siya. pano naman kasi kesyo kung ang suot ko daw na panty ay pink, na terno ng bra ko. kung tapos na daw ba akong magka menstration?. kung maypakpak daw ba ulit yong gamit kong pad?. mga ganung tanong. diba? , napaka manyak n'ya. ang tino lang n'ya kapag kaharap si jallel, nako nako! sarap niyang sakalin kung hindi lang siya nag dadrive eh.
Natapos ang mahabang byahe, at nakarating din kami sa wakas. bumaba na ako pagkapark ng sasakyan. kaya bumaba na rin siya. "hindi mo ba ako tutulungan?" tanong niya.
"bwisit ka! ewan sayo!" pagsusungit ko sa kanya. "tss. fine. ako nalang magbubuhat. pumunta kana lang don sa kanila. para di tayo mapaghalataan 'wife'." sabi niya na may kasamang utos. inirapan ko lang siya na may kasamang makeface. at tinalikuran ko na s'ya. kaya naman na n'ya yon. hmm. wife and hubby ang tawagang napagkasunduan namin. napagkasunduan? o namilit muna ako? , para lang pumayag s'ya. ang arte! grabe. nakakapanindig balahibo daw ang tawagan pag ganun. i-blackmail ko nga. haha.
BINABASA MO ANG
SMPN : ALLEN "the possessive man"
RomanceSa pag sapit ng mga katotohanan... Anong Gagawin mo upang maprotektahan ang kasinungalingan Na iniingatan mo. Hahayaan mo nalang ba na malaman ng iba ang lihim mo? O mangdadamay ka pa ng iba, maprotektahan lang at maitago ito. Sabi nga nila... "w...