Chapter Eleven.

40 6 1
                                    

Sinabayan niya lang akong maglakad, then nang makarating kami ng room ng girls, inilock niya ang pinto. "why did you lock the door?" tanong ko sa kanya.

"hindi na tama ang pagtotorture mo sa pinsan ko."  imbis na sagutin niya ang tanong ko, yan ang sinabi niya. "baka hindi mo alam nakakasakit kana?" patuloy niya pa.

"wala akong alam sa mga sinasabi mo." paiwas na sagot ko. umupo ako sa side ng kama.

"ganyan ka ba talaga?, walang pakialam kong nakakapanakit kana?, " magkasalubong ang kilay niyang tanong sa akin.

"alam mo... Rea, wala talaga akong alam sa mga sinasabi mo. haha. at si allen? masasaktan?, dahil sa akin?. bakit? ano bang ginagawa o nagawa ko, para masaktan siya?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. bagamat natawa ako, halatang pilit yon.

"alam mo bang pinilit ko pang magpanggap kami na mag boyfriend-girlfriend, para lang makita ka, at alamin kung ano ang reaksyon mo... if magkaron siya ng bagong girlfriend?" pagpapaliwanag niya. so kaya pala sila nag panggap ay dahil... para mapagselos ako? " ang hirap mong basahin, pero alam kong nagseselos ka sa akin.. sa uri at bigat palang ng tingin na ibinibigay mo sa akin, nung malaman mong ako ang bago niya... alam at ramdam ko yon." dagdag pa niya sa mga sinasabi sa akin. "wag kang tumanggi, dahil sarili mo lang ang lulokohin mo pagnagkataon." nakangisi pa niyang sabi sa akin, nag iwas lang ulit ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang mga tinging ibinibigay niya sa akin.

"ano bang point ng pagtatapat mo sa mga dahilan kung bakit nagpanggap kayo?, anong rason kung bakit mo ito isinasabi sa akin ngayon?" tanong ko pa sa kanya.

"ang point ko is, wag mo na siyang saktan, wag mo na siyang paasahin... dahil alam kong sa tuwing nagkikita-kita kayo, nasasaktan siya kapag may mga lalaking nalapit sayo at nginingitian mo."

"unang una. hindi ko siya pinapaasa. at pangalawa, wala 'na' siyang karapatang masaktan, kung ako ang dahilan, dahil on the first place... Hindi na kami." pangangatwiran ko naman.

"then... kung wala ka na namang nararamdaman sa kanya... tell him." sagot naman niya sa sinabi ko. "Tell him na wala na siyang pag-asa. Wala nang pag-asa na maging kayo. Para hindi naman siya dehado, hanggang ngayon kasi... nakahawak pa siya sa pangako mong 'Kung kayo... kayo talaga.' Umaasa kasi siyang hanggang ngayon na... siya parin ang mahal mo, dahil hanggang ngayon wala ka pang boyfriend diba?. And until now?... He love you... So much, kaya nasasaktan siya  ngayon, mas masakit pa nga yata, dahil bestfriend pa niya ang involved." pagpapaliwanag pa niya. *dug!-dug!* m-mahal parin niya ako hanggang ngayon?

"i'll leave you muna... i give you a time to think. " pagpapaalam niya sa akin. at umalis na siya sa pagkakasandal niya sa pinto. then bago niya i-unlock ang pinto, may sinabi pa siya. "na kung talagang hindi mo na siya mahal, tell him. lalo mo lang siyang masasaktan kung hindi mo sasabihin sa kanya. Sa ngayon... i will stay on the positive side... i will think or i will assume na mahal mo parin siya at may pag-asa pang maging kayo... bye.!" sabi niya at tuluyan na niyang binuksan ang pinto at lumabas. Ako naman ay napahiga nalang at nag pagulong gulong sa kama... YES! MAHAL PA NIYA AKO! YAHOO!

--------=___=---------(==, )------

SOMEONE's VIEW.

Nakatayo si Renz sa dalampasigan, nakapamulsa siya sa kanyang pantalon at nakatingin sa araw na pasikat palang...  Namalayan nalang niya na may taong tumabi sa kanya, at ito'y walang iba kung hindi ang kanyang bestfriend.

"A-Anong meron sa inyo ni M-Mae?" tanong nito. Nilingon lang niya ito at tiningnan, pero nanatiling hindi sinasagot ang tanong. "sabi niya sa akin... hindi naman kayo. ni hindi ka naman nangliligaw..." pagpapatuloy pa nito.

SMPN : ALLEN "the possessive man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon