Chapter Nine.

46 5 0
                                    

( Allen at the side.... )

Nag-iwas lang ako sa kanya ng tingin. "A-ano naman sayo ngayon?, ikaw nga may girlfriend na." tanong ko sa kanya, bagamat sinabi na niya sa akin na nagpapanggap sila, meron parin akong urge na ipilit na sila, para malaman ko kung ano pa yong pangalawang dahilan, hindi kasi ako naniniwala sa kanya na hindi niya alam ang about sa bagay na yon.

"Sinabi ko na ngang hindi kami diba?!, mag.pinsan.lang.kami.!, nag.pa.pang.gap.lang.kami! " sagot naman niya sa akin ng putol putol na salita, habang ang mata ay nakatingin parin sa akin. Tingin na para bang gusto akong sakmalin.

"tss. ewan ko." sabi ko at umiwas ulit ng tingin sa kanya, nag lakad na ako papalapit sa pinto, nakasandal kasi siya sa nakasaradong pintuan ng c.r. eh. ng malapit na ako, tumigil ako ng isang dipa pa ang layo sa kanya, mahirap nang mapalapit sa kanya, lalo na ngayon, nangangatog pa ang mga tuhod ko sa kaba. "alis d'yan! dadaan ako eh! nakaharang ka!" utos at pagpapaalis ko sa kanya, pero hindi parin ako makatingin sa kanya ng diretso.

"bakit di ka lumapit dito?, at ikaw mismo ang tumulak sa akin papalayo sa pinto, para makadaan kana." sagot naman niya. kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin, pero wala na ang kaninang tingin niya sa akin na akala mo ay gusto akong sakmalin, seryuso nalang ang tingin niya sa akin ngayon. Napansin ko rin na hindi na galit ang boses niya, kalmado na siya.

Nagkatitigan lang kami. How i miss this man... kahit taon taon kaming nagkikita, hindi parin sapat ang mga akbay niya na sa kaunting oras niya lang nagagawa sa akin, how i miss everything we did, yong paglalambing niya sa akin... yong pag-iyak niya sa akin ng dahil lang sa selos...

**

"Tell me mae!, who's that f*ck*ng b*stard! at talagang may gana pang akbayan ka sa harapan ko!" tanong niya sa akin, naandito kami ngayon sa paborito naming lugar. Bigla nalang kasi niya akong hinila, ng umalis na ang isa sa pinaka paborito kong 'pinsan.'  Inihatid ko kasi ang pinsan ko sa sakayan ng bus, sakto namang nakita namin si allen, kakawayan ko pa nga sana siya, pero sabi sa akin ng  pinsan ko, wag ko daw muna pansinin si allen, may i-tetest lang daw siya. kilala kasi ng pinsan ko si allen, pero si allen, hindi kilala ang pinsan ko. Bigla nalang akong inakbayan ng pinsan ko, kaya ng mapatingin ako kay allen, nakikini-kinita ko na kasi ang hitsura niya, and i'm right. Dahil nakabusangot ang mukha at masama ang tingin niya sa pinsan ko. Gwapo naman talaga kasi ang pinsan ko, even the girls beside us, nakakaramdam ng inggit that time, base nalang sa bulong-bulongan nila. yeah! nagseselos na nga lang siya... sa pinsan ko pa! pag hindi ka nga naman tinamaan ng magaling oh! "ano?!  at bakit hindi mo manlang inalis ang pagkakaakbay niya, ni hindi ka manlang nagalit sa kanya nong hinalikan ka niya !" galit na tanong niya sa akin.

hahaha, oo hinalikan ako ng pinsan ko bago siya sumakay ng bus. paalis na kasi siya ng pilipinas, at baka matagal bago siya makabalik, doon kasi siya magpapatuloy ng pag-aaral niya sa ibang bansa. Gusto ko na sanang tumawa sa harapan niya, nagmumukha na kasi siyang si mojojo. ahahaha, pinipigilan ko lang tumawa sa harapan niya. nagsisimula na kasi ang tantrums niya, mahirap pa naman yan i-please. 'iba' ang hinihingi.

"Bakit hindi mo ako sagutin mae!? sino ba yong gag*ng yon!?" tanong niya ulit sa akin, magkasalubong parin ang kilay niya.

"hoy! hindi siya gago ah!" sagot ko pa, totoo naman kasi. tinatawag niya ang pinsan ko na gago, eh wala naman yong ginagawa sa kanya.

"at talagang ipinagtatanggol mo pa!" galit na sabi niya sa akin.

"syempre! wala naman siyang ginagawa sayong masama, tatawagin mong gago. " pangangatwiran ko pa sa kanya.

SMPN : ALLEN "the possessive man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon