"laki ng ngiti natin ah, anong meron?" di pa man ako nakakaupo, yan na agad ang bungad na tanong sa akin ni renz. oh? nakangiti ba ako?, ayst! umupo muna ako sa tabi niya bago siya sinagot. "bakit?, bawal bang ngumiti ngayon?" balik na tanong ko naman sa kanya, ewan ba? naging magaan nalang kasi bigla ang loob ko, kani-kaninalang. nag shrug lang siya ng balikat niya. then napansin kong umupo na din si allen, but this time, umupo siya sa tabi ko. kasunod ko lang pala siya. ayst! bakit ba siya umupo dito sa tabi ko?, di nalang dun sa kanina niyang kinauupuan. ako tuloy napagigitnaan nilang dalawa. kainis!,
Bigla ko nalang naramdaman na may humawak ng isa kong kamay sa ilalim ng mesa, walang nakakakita kasi, mayroong tablecloth ang mesa. nilingon ko si allen. oo, si allen nga ang humawak ng kamay ko ko. binigyan ko nga ng isang masamang tingin, pero balewala lang sa kanya. nginitian pa nga ako ng damuho!, *dug!-dug!* ayst! ayan nanaman ang kabog ng dibdib ko, pinilit kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, na hindi napapansin ng iba pa naming kasama. nakakailang na, tsk. nakakadiri pa! at nag sisimula ng magpawis ang kamay ko. ayst! hindi ko na maintindihan kung bakit ganto ang nararamdaman ko?. kasura! ako ang mayuyurit sa dalawang ito kapag nagkataon.
"ehem.ehem!." tikhim ni niel, tss! lagi nalang siyang agaw pansin eh! kaya naman napalingon kami. "diba dun ka nakaupo allen?" tanong pa niya kay allen na nakaturo ang hintuturo sa kaninang inu-upuan ni allen.
"eh sa gusto ko na dito eh!" sagot naman ni allen na parang wala lang. nakangiti pa yan. tss! kanina seryuso, tapos naging galit, tapos ngayon naman nakangiti. ayst! mas malala nga siya sa bestfriend niya. kung ang bestfriend niya bipolar! siya naman tripolar nalang kung meron man tss!
"anong nangyari sa inyo kanina sa kusina kanina?" bulong naman ni renz, sa akin. kaya napatingin ako sa gawi niya. nagkatitigan tuloy kami. hmm... ang cute ng brown eyes niya ngayon ha...
"*ehem!-ehem!*"
"ano?, wala kabang balak i-share? ang mga napag-usapan niyo?, porke magkaholding hands lang kayo ngayon?" bulong ulit sa akin ni renz na nakangisi. kaya naman i know, this time namumula ang mukha ko. nag iwas ako sa kanya ng tingin at pinilit ulit alisin ang kamay ng bestfriend niya na nakahawak sa kamay ko. Pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni allen sa kamay ko.
"eh, ba't ka curious?" balik na bulong ko rin.
"*ehem!-ehem!*"
nag shrug lang naman siya. "di bale, nakinig at nakita ko naman lahat." naka smirk na sagot niya sa akin. what?! nakita niya? "ba't ka namula bigla?" tanong ulit niya sa akin ng pabulong,
"*ehem!-ehem*"
"May ubo ka allen?, kanina ka pa tikhim ng tikhim diyan?" tanong ni niel, kaya naman napalingon kami kay allen.
"oo nga best, may ubo ka ba?" tanong din ni renz kay allen, at walang pasabing inakbayan ako. tss! tingnan ko nga ng masama. kilala ko na kasi siya! alam kong nag-uumpisa na yan ng laro niya.
"ikaw mae, bakit ka namumula?" tanong naman sa akin ni niel.
"aray!" daing ko, may bigla kasing tumapak ng paa ko. paglingon ko, ang magkasalubong na kilay na si allen ang nakita ko.
"napaano ka babe?" tanong ni renz, na sa akin nakatingin. what the sh*t! ano bang naiisipan nitong lalaking ito! at ako ang napagti-tripan?, nang tingnan ko siya, halata mong nag eenjoy sa ginagawa niya!, take note! nakaakbay pa siya sa akin tss.
" aray!"
"BABE?!"
Magkakapanabay na sabi ko at tanong nila, except renz, syempre. nagtatanong din kasi sila, at the same time, tinapakan na naman ni allen ang paa ko, kaya naman napaaray nanaman ako.
BINABASA MO ANG
SMPN : ALLEN "the possessive man"
RomanceSa pag sapit ng mga katotohanan... Anong Gagawin mo upang maprotektahan ang kasinungalingan Na iniingatan mo. Hahayaan mo nalang ba na malaman ng iba ang lihim mo? O mangdadamay ka pa ng iba, maprotektahan lang at maitago ito. Sabi nga nila... "w...