Chapter Thirteen

39 6 1
                                    

"Bakit mo binugbog ang bestfriend mo!? nababaliw ka na ba?!" nakinig kong tanong ni rea kay allen. tumago muna kasi ako sa may puno. ew! bakit may balete dito? nakakapangilabot pero i don't have a choice naman.

"wala kang pake! umalis ka nga dito!" singhal ni allen.

"wag mo ako maganyan ganyan Justin Allen! kung ayaw mong tamaan ka saken! , nagtatanong ako sayo ng maayos ah!" nakinig ko namang bulyaw ni rea.

"bakit di mo kaya itanong sa ex mong g*g*! " sagot naman ni allen, huh? sinong ex ang tinutukoy nito?

"ikaw ang narito, ay di ikaw na ang tatanungin ko!, at wag mo ngang idamay dito si renz!" sagot naman ni rea, Huh?! s-si renz ang ex ni rea?, bakit hindi ko to alam? tsk! marami pa nga talaga akong hindi alam kay renz.

"sa pagkakaalam ko... hindi gagawa si renz ng kung anong bagay, o kahit anong salitang ikasisira ng pagkakaibigan n'yo ng walang dahilan... Believe me allen, kung hindi ka pa kikilos... para mapasayo ulit ang babaeng mahal mo... nanganganib na itong mawala ng tuluyan sayo. dahil sa pagkakaalam ko., mapaglaro ang bestfriend mo." mahabang paliwanag ni rea. ano daw? ang gulo nila ah! at bakit si renzungit ang topic nila?, mga kadramahan nito. sarap pagbabalibag-!

"ang pakikinig sa usapan ng may usapan, ay isang kabastusan." narinig kong may nagsalita sa likuran ko. hindi ko na kailangang lumingon, alam ko namang si renz yon. kilalang kilala ko na ang boses niya.

"ex mo pala si rea?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya, paglilihis ko narin ng topic.

"tss!, tara na nga!" sabi ni renz, at kinuha ang isa kong kamay at hinila na paalis, mag papaubaya nalang ako ng bigla nalang may kumuha sa isa ko pang kamay, at hinigit din. paglingon ko... ang galit na mukha ni allen ang nakita ko. kasunod nya si rea.

"Don't you dare touch what is mine!" Sabi ni allen. " let her go." Pautos na sabi pa niya at hinigit niya ang kamay ko, kaya naman muntik na akong matapilok. Kung hindi nga lang ako naalalayan ni renz.

"Yours? " sarkastikong sagot naman ni renz, "i tought... Mae is not a property to be owned by someone." Dagdag pa niya, sabay higit sa kamay kong hawak hawak niya. "And i don't want to let her go..." sagot pa ni renz na halatang pinutol niya, kaya naman napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin bago itinuloy ang sinasabi niya. "Until she wants me... or tell me to let her go." Makahulugang sabi ni renz at saka niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Ganun din naman ang ginawa sa akin ni allen kaya naman napabaling ang tingin ko sa kanya.

~Pwede bang ako nalang uliiiit~ ring ng cellphone ni allen. *dug!-dug!* a-ano nanaman bang problema ng dibdib ko at bigla nalang kumabog!.

Kinuha ni allen ang cellphone niya, na naging dahilan upang matanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Ano!?" Sagot niya sa tumatawag sa kanya sa phone. Wow! Hindi na uso sa kanya ang 'hello?' ganun?, Sinamantala naman ni renz ang pagkakataon at mabilis niya akong hinila. "SHIT!" Nakinig ko pang sabi ni allen bago kami tuluyang makalayo ni renz, hindi ko naman magawang lingonin sila sapagkat baka ako matapilok.

"W-wait!" Sabi ko naman. Sa subrang bilis kasi ng paglalakad namin, naiwan ang tsinelas ko sa dinaanan namin. "Yong sapin ko sa paa!, bitaw nga renz!" Utos ko pa sa kanya. Kaya tumigil kami upang balikan ang tsinelas kong naiwan.

Napansin ko lang, medyo napalayo narin kami ng nilakad. If im not mistaken, itong lugar na ito ang pinagdalhan sa akin nila sandra at nica, dito yong place na nadatnan kong galit na galit si allen kay renz, at hawak hawak si allen ng tatlo ko pang kaibigan.

"Kaya kita hinila dito. Tumatawag ang anak 'ko', at hinahanap ka." Ang kapal talaga ng fes ng isang ito! Kung maka 'KO' talaga sa anak ko! Parang kanyang kanya ah. "Tsk! Pinatay tuloy ang phone! Nakakainis na si allen ah! Dami pang kadramahan! Pag ako nawalan ng pasensya!.., i-se-seduce nalang kita ng wala na siyang balikan! Para Wala na din siyang pag-asa." Pag momonolog ni renz, habang may tinatawagan sa phone niya. Batukan ko nga, pero nakailag naman. Asar lang!

SMPN : ALLEN "the possessive man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon