Chapter Fourteen

50 8 0
                                    

Nagkayayaan ang barkadang mag inom. Tatlong oras na ang nakakalipas nang makakain kami ng dinner. Kaya nag latag kami ng sapin, sa buhangin malapit sa dagat, trapal to be exact, ang inilatag. May gasera naman kaming dala, kahit mahangin, hindi namamatay ang sindi. May ilaw naman ang streetlights dito, pero mas maganda rin daw kung  may ilaw sa center namin, kaya naki-ayon nalang din ako. Nakapabilog kasi kami.

Minsanan lang naman to kaya makiki-join ako, altough makikipulutan ang right term, ang mahalaga ay makisali ako, kami naman kasing mga girls, di mahilig sa ganyan, nakiki join lang kami. Nag simula na ang inuman... at ang unang unang tatagay ay si renz, ang dahilan? Kasi siya daw si 'Uno.'

"Lima." Yan ang sabi ni renz, habang nakatingin sa akin.

Umiling lang ako at sinabing, "dalawa." Sagot ko sa kanya, masyado kasing hard ang iinumin,

"Ano yan? Pahulaan ng numbers? Pasali ako! Eleven ang akin!" Nakangiti pang pakikisali ni niel,  samaan ko nga ng tingin.

"Apat." Sagot ulit ni renz, bilang na dapat niyang inumin.

"Tatlo. Last na, may kailangan kapang gawin at saka may 'kakausapin' ka pa." Sagot ko ng may pinalidad. "Masyadong hard yang iinomin ninyo." Yeah, 'ninyo' hard nga kasi kaya di ako makikisali.

"Wow! Limitado na pala ang pwede mong inumin pare!" Nakangisi pang sabi ng katabi ni renz na si jeff. Ang katabi ko kasi this time ay sina elay at janine, and the other girls like nica, anna, sheila, etc. Napapagitnaan ako nina elay at janine. "May nakatingin sayo ng masama." Sabi ni elay na sakto lang, para marinig ko. Kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit kasi si uno ang pagbabawalan mo?, alam naman nating hindi lasingin yan. Si allen ang lasingin diba? " bulong pa niya. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi niya,

"Ok, tatlo. Tsk!" Nakairap na sagot sa akin ni renz. Taasan ko nga ng isang kilay.

Nag inuman na ang mga boys, kami namang girls... nagkasundo na juice nalang ang iinomin. Napagkasunduan din naming mag laro ng Spin the Bottle. Nakisali naman ang boys, kaya umingay.

"Ok! Ok! Ganito ang laro! kung sino man ang matapatan ng ulo ng bote, kakanta sya, at vice versa, ganun din ang gagawin ng natapatan ng puwetan ng bote. Gets?" Pagpaapaalam sa rules ni chad.

"Ok! Gets!"

"Yes bos!"

"Gets chad!"

"Oo nalang! Tsk."

"Sure."

"Game!"

"How about, kung hindi kakanta?"

Yan ang mga sagot namin. "Kung hindi naman kakanta, hmmm..." sagot naman ni chad na tipong nag iisip ng magandang consequences sa hindi makakasunod sa rules. "Mag huhubad ng damit, at mga under garments lang ang ititira n'yo." Pagpapatuloy pa niyang sagot habang nakangisi.

"What the fuss!" Nakinig ko pang bulong ni janine. Siya kasi ang bihirang kumanta. Actually, maganda naman ang boses ng babaeng yan. Nahihiya lang siguro. Para namang others!..

"Game na!" Sagot naman ni niel na namumula na, tisoy! *laughs!*

Then nag simula na ang laro, at parang kinarir ni renz ang pagiging 'uno' niya, dahil siya nanaman ang una. Siya kasi ang natutokan ng ulo ng bote, at vice versa naman ay si... 'drumrolls!' Si rea lang naman.  *laughs hard!*

Tumingin sa akin si renz, nginitian ko lang naman siya ng nakakaloko, a devil smirk to be exact.

"May gitara akong dala." Pagpiprisinta naman ni roen.

"Pahiram." Sabi naman ni renz. Kaya ipinahiram ni roen ang gitara niya, at nag simula ng mag stram si renz, habang nakatingin sa akin...

"Uso pa ba... ang harana... marahil, ika'y... nag tataka... sino ba tong... mukhang gago... nagkandarapa sa pagkanta... at nagsisintunado... sa kaba..."

SMPN : ALLEN "the possessive man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon