"A-Anak n'yo?" tanong nina elay at janine, nang magkapanabay na sabi pa nila. hindi ko naman kailangang mag panic , dahil bukod sa aming dalawa ni renz, silang dalawa pa ang may alam na may anak na ako. alam din pala nilang dalawa kung sino ang tunay na tatay ni jallel sa katunayan nga, silang dalawa ang ninang ni jallel.
"mabuti nakakatagal si jallel sa isang yan." pag paparing kay renz na may kasamang irap pa na sabi ni janine, masungit din kasi yan. 'mas' nga lang si renz.
"tss." si renz yan at humalikipkip nalang.
"tayo na nga, iniintay na nila tayo dun." wika ni naman ni elay, kaya naman natigil na ang pagkukulitan namin. at pumunta na kami. magkakasabay kaming tatlo nina elay at janine, nasa hulihan naman si renz at nakasunod lang sa amin.
"iba talaga nagagawa ng laging magkasama no?, mas lalong nagiging close!, *kyaaah!* kinikilig ako sa inyo! ang lakas ng chemistry nyo." sabi ni elay ng may kasamang tili pa.
"pakiramdam ko nga may something sila. " pagpaparinig naman ni janine.
"magsitigil nga kayo!, anong chemistry?, anong something!?, wag n'yo ngang gawing isyu ang pagbibiruan namin kanina. tss normal lang talaga sa amin yon." mahabang paliwanag ko.
"normal yon, kung pati saamin nakikipagbiruan si renz. hindi eh! Sayo lang.!" pag papaliwanag naman ni elay sa mga nakikita nila. ganun na ba talaga kami ka close ni renz? tss. at isa pang Tss.!
"so inggit kayo?" pagtatanong ko na nakataas pa ang isang kilay.
"hindi din. " maagap na sagot naman ni janine.
"talagang hindi!, sinasabi lang namin ang mga nakikita at napapansin namin. " pagtanggi din ni elay sa tanong ko.
"yon naman pala, so? bakit kayo nangungulit?, if hindi naman kayo naiingit, mas maayos na wag narin kayong mangulit. ok?" pagpapatigil ko sa kanila,
"weh? pansin nga namin, sayo lang siya tumatawa at ngumingiti. pati narin pala ang pangungulit, sayo lang din nya nagagawa, kahit sa bestfriend niya, hindi niya nagagawa ang mga yon." si elay yan.
"yeah. kung gawin man ni renz yon sa bestfriend niya, na 'ex' mo, na tunay na 'ama' ng anak mo, bihira lang at bilang na bilang pa.!" panggagatong pa ni janine sa sinabi ni elay.
"eh kung tumatahimik kaya kayo! kung makapag usap kayo, para bang walang maaaring makarinig ng mga pinag-uusapan ninyo! tsk!" pagsusungit ni renz.
"sorry naman." pag papaumanhin ni janine na mababakas mong may pagkukumbaba sa kabila ng kasungitan ng boses.
"ang daldal mo kasi Aning.!" pangbubuska ni elay kay janine.
"Wow!. nag salita ang hindi madaldal. psh.!"' sagot naman ni janine.
"ako naman ang mag tatanong. anong meron sa inyo ni niel , janine?" tanong ko naman kay janine. *laughs* ganti ganti lang yan.
"wala ah. wag mo ngang isama sa usapan ang madaldal na lalaking yon! katulad ng isa rin ditong madaldal! psh."
"hindi ako madaldal dito. F.Y.I. mae, nanliligaw lang naman si niel dyan kay aning. *laughs* , kaya yan umiiwas dahil ngayon niya sasagutin si niel." pagkekwento naman ni elay.
"so?, thats explain everything." ngisi ko kay janine na nakatingin sa kanya, habang nakataas ang isang kilay. nag iwas lang naman siya ng tingin. *pouts* kakatampo naman itong best ko! hindi manlang magawang i-share sa akin.
"yan pala ang 'Hindi' madaldal ano?" sabi naman ni janine kay elay na nakasingkit pa ang mata.
"hindi naman talaga. nagkekwento lang. *laughs* " paliwanag ni elay.
BINABASA MO ANG
SMPN : ALLEN "the possessive man"
RomanceSa pag sapit ng mga katotohanan... Anong Gagawin mo upang maprotektahan ang kasinungalingan Na iniingatan mo. Hahayaan mo nalang ba na malaman ng iba ang lihim mo? O mangdadamay ka pa ng iba, maprotektahan lang at maitago ito. Sabi nga nila... "w...