(1)

19 2 4
                                    

"Happy birthday to you! WALANG HANDA!! Happy birthday.. TO YOU! WALANG HANDAA"

How dare they say that crap? May nakahilerang buffet dito sa gilid oh. Hindi ko sila pakainin jan eh so that they can feel what they are saying.

"Happy birthday, happy birthday.... happy birthday Jillian!" Sigaw nila saka naghiyawan mga kaklase ko, kala mo naman kung makasigaw parang wala ng bukas. Hmph.

"Thank you" pilit na sabi ko saka nagsikain at nagsayawan ang mga tao sa venue.

Because the theme of the party is magical, I don't know what to say right now. Para kasing seven years old ang nag-se-celebrate ng party na to kabaligtaran ng age ko na twenty-one. I hope you feel my grudge about this shitty party and my costume... it's.. ARGH!!

Peeps. It's a tinkerbell costume and I really hate it. Kahit naman avid fan ako ni tinkerbell nung bata ako doesn't mean na fave ko pa rin siya ngayon. People's kind of taste also changes duh. Dati iniisip ko pa lang na kung paano ko i-ship si Terrence? And tinkerbell is--ARGH! Change topic. Thinking of my childy days makes me cringe. And I hope those damn emotions are not visible.

The mastermind of this shit is shitty enough to make this happened. ARGH!!

"Jill, why make face like that? The party is good so- LE'Z PARTI!! WUUU" Sabi ni Collin na naka-costume ng magician. Palibhasa bagay sa kanya costume niya. Hmph

"Happy twenty-first birthday kiddo." Biglang yumakap sakin sa likod si Martha.

"Don't call me kiddo..... witch." Sabi ko saka tumingin sa costume niya. Witch costume.

"Haha don't be a party-pooper here girl, here's my gift. I need to go. See 'ya!" Sabi niya at walang sabi na ibinigay ang regalo niya at umalis.

I looked at the gift. It looks magical.

But I hate magics.
------
"Jillian, why didn't you enjoy the party? You looked good on the costume and the whole event turned out nice." Sabi ni dad habang tinutulungan niya yung mga katulong sa paglagay ng gifts sa kwarto ko.

"Because the whole event looks BULLSHIT!! I hate those." Sigaw ko habang padabog na umakyat sa hagdan.

"Don't you dare say that to me woman!! We efforted to make your party good, ikaw lang ang killjoy do'n. You are the center of the party yet you're also the 'party-pooper' " sabi ni dad at iniwan yung mga katulong para pumunta sa labas.

"Ate, tigilan mo na ang pananagot kay dad, nagiging habit mo na siya everyday. Anong gusto naming gawin mo? Let you organize the party? Bar ang location and the attires are so like prostitutes? Ate, if that's your plan, then we successfully screwed it. Mas maganda pa ang childy theme kaysa sa theme na magkakaron ka pa ng hangover kinabukasan and baka kasalanan pa natin  kung magkaro'n ng sexually-transmitted disease yung mga in-invite mo o baka ikaw pa magkaroon. We just want a safe party ate." Sabi ni Carl saka pumunta sa kung saan like do I care about it?

Naiinis ako sa mga pinagsasabi nila kaya pumunta ako sa kwarto and as usual, gabundok ang gifts. Mainggit ka, kidding.

I sit on my bed, started opening the gifts I received.

"Yaya!!" Sabi ko ng natapos na ako sa pagbubukas. No answer.

"Yaya!!" Sabi ko ulit saka pumunta sa nakabukas na pinto at nag-intay sa hagdan. 

Nagmamadaling tumakbo ang maid papunta sakin kahit na basang basa pa ito.

"Yes ma'am?" Tanong nito habang hinihingal pa.

"Paki-tapon lahat ng pinagbalutan ng regalo. Nakalagay lang siya sa garbage bag. Itatapon mo na lang. Okay?" Sabi ko saka bumalik sa kwarto.

"Y-yes ma'am!" Sabi nito saka kinuha ang dalawang malaking bag ng basura sa gilid saka umalis.

I sighed as I slowly rest on my bed ng may nakita pa akong isang regalo na nakalimutan ko. I forgot it eh?

Kinuha ko yung regalo and was amazed of how it is covered. Rectangular box siya na black na binalutan ng violet na sinamay at may mga fake flowers.

It's either necklace siya or earrings or a limited edition watch. Or maybe not.

Pagkabukas ko sa box ay tumambad sakin ang isang eye mask. A plain one. Kulay puti lang siya but smells like fresh flowers. Addictive ang scent. Tinignan ko ang nakasulat sa box na naka-calligraphy at kulay gold. Daming alam e' eye mask lang naman. Hmph.

Have a sweet dreams, agape.

I layed the eyemask beside my bed at tinapon sa trashbin ang pinaglagyan.

Tumingin ako sa bookshelves pero walang magandang libro kaya nagbasa ako sa app sa phone ko that has many authors and books to read.

It's been years since I last saw him. Yet those memories still remains fresh in my mind. Ang masasamang bagay na naglayo sa amin. Sabi nga nila, kung may masamang bagay na dadating, mayro'n ding darating na magandang bagay.

Lagi akong tumitingin sa dalampasigan kung sakaling dadating siya ngunit wala na talaga. Tumigil na ako sa aking kahibangan.

Now that I'm independent, I've found myself being a lawyer. And me and my friends passed in the exam kaya licensed na kami. We decided to celebrate in a bar near malate.

"Oy Mira! Eksakto may bagong guest na mag-i-entertain sa chikabells comedy bar! Tara dun!" At hinila ako ni Jade papasok sa loob. Ang nakakasilaw na disco lights ang tumambad sakin.

"Ngayon mga chikababes! Andito ang ating guest for today! Si Edday walang puday!!" Sabi nito saka lumabas ang isang baklang naka drag queen ang make-up pero ang masculine ng appearance? I looked closer at napatigas ako sa kina-uupuan ko. Siya na hinahanap ko. Nasa comedy bar lang pala sa malate. Entertaining people.

Nakita niya rin ako kaya natulala siya. The whole celebration turned out boring for me.

Pagkatapos namin ay nag intay pa ako sa bar kaya nauna na mga kaibigan ko. Lumabas siya wala nang make up, bumalik sa dati. Pumunta ako sa kanya at sinampal siya.

"Hindi ko alam na naging bakla ka pala Edward. All this time ang paghihintay ko sa dalampasigan ay walang saysay pala. Ikaw lang pala ang masaya satin. Salamat sa lahat." Sabi ko saka lumabas na sa bar kahit narinig ko na tinatawag niya ako.

End.

What the ef..... I'm frustrated by this author. Hindi man lang niya binigyan yung character na lalaki ng na magsalita ng side niya. How pathetic. Hmph.

Saka pa ako nag-scroll pababa at napagtantong prank lang pala yung end. Damn this author. I hate her now.

I checked the time and it's midnight. Dahil inaantok na ako ay nagpajama na ako at nahiga ng maayos. Sinuot ko ang eye mask at saka natulog.
--------------------------

Mei

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon