What's that?! I don't like decoding shits, argh.
Tumingin ako masyado sa mga dots at dashes ng umilaw ito ng kulay violet. Nanlaki lalo ang mata ko at naiba ang pagkasulat, parang na-translate. Shit this magics, they're creepin' me out kahit informed ako na mag-eensayo ako para sa magic ko bukas.
I love you agape
That agape thingy again?! That person was weird. Kung nagpaparamdam siya sakin ay dapat dumating na siya sa harap ko.
"Oy." Sabi ni Forsten at bahagyang umupo para makatapat ko siya.
"Mag-eensayo na tayo." Ha? What the heck?! Akala ko bukas pa ah? Kumunot ang noo ko sa kanya at bahagyang itinagilid ang ulo ko.
"Eh bukas pa yung ensayo ah." Sabi ko at lumingon kay Zien na natutulog at hinahaplos ko ang likod.
"Mas maganda ang mas maaga." Sabi nito saka tumayo pero hindi pa rin ako sumunod sa kanya. Bad mood ata ang hinayupak ah?
"Ayaw mo edi 'wag. Bahala ka d'yan, hindi kita tutulungan na spoiled brat ka." Sabi niya at umalis na sa garden.
Napatayo ako sa galit. How dare he call me a spoiled brat?! Nag-isip-isip ako sandali at ina-admit na spoiled brat talaga ako. Truth really hurts eh?
Naghanap ako ng mga servant sa paligid para ihatid ako sa reyna.
"Ajihihik, Forsjein Gwafu poginers."
Fuck. that weird language again. tumikhim ako sa mga naghaharutang babae at nanahimik sila.
"ihatid n'yo ako sa kwarto ng reyna." sabi ko kaya nauna yung isa at nasa likod ko yung kasama niya. may nararamdaman ako na gumagalaw sa likod ko kaya napalingon ako sa babae at matalim siyang tinignan.
how dare she fucking do that? I can kick her out of this palace, In 1.2 milliseconds. Kidding. Mabait pa rin naman ako, siguro mga 4 percent? Kayo mag-isip.
"Andito na po tayo mahal na prinsesa." Sabi nung dalawa at binuksan na lang ang pinto ng walang katok-katok.
"Mom." Sabi ko at gulat siyang napalingon sakin.
"Sweetie!! What brings you here?" Sabi niya kaya umupo ako sa harap niya, nakaupo kasi siya sa gilid ng higaan at nagsusuklay.
"May ensayo ba ako ngayon?" Tanong ko at napatingin siya sakin. Gulat.
"Wala sweetie. Bukas pa iyon kasama nga ang kapatid mo 'diba? Pero pwede ka na magensayo ngayon, para alam mo na ang gagawin bukas. Pwede kang tulungan ni Gabriel." Sabi nito at nagtanong pa sakin kung anong kailangan ko. Sinabi kong wala na kaya nagpaalam na ako sa kanya.
Pag-labas ko ay wala na yung dalawang babaeng kasama ko. Argh, paano ako makakapunta kay Forsten?
Nakita ko si Zien na naglalambing sakin sa baba. Umupo ako para magkatapat kami at hinaplos ang ulo niya, pumipikit siya habang hinahaplos ko ulo niya, he's such a cutie.
"Alam mo ba kung nasaan si Gabriel?" Tanong ko kaya tumakbo siya.
Nagulat naman ako kaya nagmadali akong tumayo at sinundan siya sa pagtakbo.
"Zien!! Sandali!!" Ambilis naman tumakbo nun, hindi man lang ako inintay. Naging bad siya rito ha? Kakalungkot but still ang cute pa rin niya.
Napunta kami sa isang malawak na lupain. Flat yung mga grass at walang mga puno o bulaklak. So is this the training ground?
Umupo si Zien sa gilid ng malaking pinto at napalingon ako sa lalaking naka-upo at nakatalikod sa'kin.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa sinabi niya kanina na hindi niya ako tutulungan at sinabihan pa akong spoiled brat? Nalukot yung mukha ko sa kakaisip na sinabihan niya akong spoiled brat.
"Oh? Anong gagawin mo dyan sa likod? Tatayo lang? Gusto mo mag-estatwa?" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at lumingon siya sa'kin. Ang sungit naman niya ngayon. Ayan na ba ang lagi niyang gagawin? Mag-sungit sakin? Nalungkot ako sa iniisip.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Bakit ako kinakabahan? Ba't bumibilis yung tibok ng puso ko na parang wala na akong maramdaman kasi para siyang lumabas sa dibdib ko? Am I feeling the same way the girls felt for their boys in corny romantic movies? If it is, it's not funny. Na-ko-corny-han ako. Seryoso.
Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang-gilid ng balikat ko. Napatingin ako doon at ibinalik ang tingin sa kanyang diretso ang tingin sa akin. Ang bigat ng titig niya, why? Is he having a problem?
"Let's start." Sabi nito at pinaglakad ako sa gitna. Nasa likod ko siya habang nakahawak pa rin ang isang kamay sa kanang balikat ko.
Tumigil kami at hinihintay ko siyang mag-salita. Ano namang gagawin sa sunod? Tatayo lang dito at magiging estatwa? Natawa ako sa isip ko. Bullshit.
"Don't think of useless things. Focus." Sabi nito kaya natahimik ako. At nag-isip-isip. Can he read minds? Naisip ko ang mga meme spell cards na na-download ko sa phone ko dati at hindi ko na mapigilang matawa. The silence at salute cards, shit. Can't stop laughing at shallow things.
At hinayaan lang ako ni hinayupak. Nakatingin lang siya sakin kaya napatahimik ako at tumingin ulit sa gitna.
Hinawakan niya ang braso ko at nilagay paharap.
"Now, focus. You need to focus in order to summon your powers. Kapag naka-focus ka sa ibang bagay, it won't come in." Sabi niya. Habang nagsasalita siya'y kinakabahan ako, kasi yung hininga niya nararamdaman ng leeg ko. Tapos parang nakayakap kami, pero nasa likod ko lang naman siya at hawak-hawak ang braso ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa likod dahil sa boses niya.
"I said, focus on your powers and close your eyes." Sabi niya kaya napapikit ako.
"Isipin mo kung anong kulay ng kapangyarihan mo: kung kulay lila, itim o puti." Sabi niya kaya pilit konh pinipikit ang mata ko.
Hindi ko makita ang mga kulay na 'yon. Puro mga green at red na tuldok ang nakakalat sa isipan ko, minsan nag-do-dominate ang green. Naisip ko baka green-minded talaga ako kaya green ang kulay ng isipan ko but no.
Biglang nag-blanko ang isipan ko. Wala akong makitang kulay. At biglang lumabas ang kulay na sinasabi ni Forsten. Lila, puti at itim.
"Iisa lang ang kulay ng kapangyarihan mo. Ngayon, inhale. Exhale" sabi niya kaya ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko na nagpakaba ulit sa akin. Pero hinayaan ko na lang iyon. Those small feelings are bullshits.
"Ilabas mo sa kamay mo ang kapangyarihan mo at isipin mo ang kalaban." Sabi niya kaya naisip ko yung higanteng rabbit. But I don't want to think of those, kawawa siya.
Biglang lumabas ang reyna sa hindi ko malamang kadahilanan. Imbes na violet ang pumapaligid sa kanya tulad ng unang nakita ko ay pulang usok ang nakapaligid dito at tumatawa siya ng malakas. Nakakabingi, ang sakit sa eardrums. Dahil dun ay napasigaw ako at itinapat ko ang kapangyarihan ko sa kanya at may narinig akong mga pagsabog.
Idinilat ko ang mata ko at napatingin kay Forsten. Gulat siyang napatingin sa akin.
"Tatlong kulay ng kapangyarihan. Lila, itim, puti. Malakas ka. Isang kulay lang dapat ang iyong kapangyarihan." Sabi niya kaya napatingin ako sa kamay ko. Nag-uusok na lila, itim at puti. Naghahalo-halo, nakaramdam ako ng init sa kamay ko.
"Lima ang kulay ng mga kapangyarihan dito. Lila, itim, puti, pula at asul. Ang naunang apat ay malakas pero ang pula, hindi masyado, walang nakaka-alam dahil sila-sila lang ang may alam nito. Ang asul ay para sa mga mangagawa, sapat na kapangyarihan lamang para mamuhay ng maayos." Sabi niya kaya napa-isip ako.
Bakit pula ang kulay ng kapangyarihan ni Reyna Trishanna?
-------Nyohohohork. Chowz
-Mei
BINABASA MO ANG
Illusion
FantasyJillian Mhariz Wei, ang malditang babae na napunta sa mundo ng anime? Hindi ko sinasabing nandito sina Naruto and other famous anime character but the ambience is anime-themed. It felt surreal. Drawing ang lahat kahit siya. At nakapunta siya rito ga...