(2)

9 2 0
                                    

"Dad, what do you see when you close your eyes?"

I innocently said as I looked on my dad who's holding a newspaper and reads it.

"Jillian, obviously it's black." Sabi nito saka binaba ang newspaper at nilagay sa table.

Nagtataka ako. Kasi hindi naman itim ang nakikita ko e'. It's weird.

"Pero dad, ang nakikita ko ay green and red dots pag pinipikit ko mata ko." Sabi ko saka nilalaro ang golden retriever kong si Zien.

"Dad." Sabi ng older sister ko na nasa pinto ng backyard.

"Oh. Cara dear. Bakit ka napapunta dito?" Tanong ni Dad kay ate at lumapit si ate sa kanya.

"Dad, we have our project at our friend's house. Can I go?" Pag papaalam niya kay dad sabay puppy eyes. Wow. That looks cute.

"Sure dear. Bumalik ka dito after 5 pm." Sabi ni dad saka ngumiti kay ate.

"Waaa Dad, you're the best! Thank you! Gotta go." Sabi ni ate habang tumatakbo palayo samin.

"Dad, can I go outside too?" Sabi ko habang nakatingin kay Zien.

"No."

Simple word. Two letters. One syllable. Pero parang ang sakit lang. Ang hirap.

"Pero dad, I'm eleven years old. Kasama ko naman si Zien. D'yan lang kami sa may playground." Sabi ko saka tumingin sa kanya.

Tumingin rin si Dad sakin pero iba.

Sobrang nakakatakot.

Wala akong makitang puti sa mata niya. Napalibutan ng itim ang buong mata niya at may lumalabas na itim na usok.

Napapikit ako dahil sa puwing at pagkabukas ko ay normal na ulit. Hallucinations eh?

Napabuntong hininga na lang ako at pumayag sa gusto ni Dad.

Habang nakaupo kami sa couch ni Zien ay hinahaplos ko ang ibabaw ng ulo niya at nakita kong nag violet ang mata nito.

"Zien, what's wrong? May sakit ka ba?" Tanong ko saka tinagilid ko ng konti ang mata niya para makita kung nag-violet nga ito nang naglaho ang kulay nito.

Weird.

"Jillian. It's already seven. Hindi mo pa ba nakikita ate mo?" Sabi ni dad habang kalong kalong si Carl na pababa ng hagdan.

"Not yet." Sabi ko saka tumingin sa cartoon na pinapanood ko.

"Stop watching shits!! Lumabas ka at bantayan mo ang gate. Tignan mo kung babalik si Cara! Move now!!" Sigaw ni dad kaya kumaripas na ako ng takbo sa gate at sumunod din sa'kin si Zien.

Kumuha ako ng upuan at umupo sa tapat ng gate. Tumabi sakin si Zien at umupo.

Hindi ko namalayan na tumakas ang luha sa aking mata at tumingin lang ng diretso sa labas. Jill, it's okay. Kaya mo yan.

May kumalabit sa hita ko at nakita ko si Zien na kumikislap yung mata.

"Sorry Zien ha? Nasali ka pa dito. Balik ka na sa loob. Pahinga ka na." Sabi ko pero hindi gumalaw ang aso. Hindi siya sumusunod sakin ngayon eh?

Dahil hawak ko ang phone ko ngayon, tinignan ko kung anong updates sa social media.

Nakita ko ang latest news sa isang broadcasting company kaya binasa ko ito.

Babae, na gang rape sa isang bahay sa Quintezoville at natagpuang patay. Suspects, hindi pa nahahanap.

Biglang kumabog ang puso ko sa balita. I don't know why, pero pumunta ako kay dad at nakitang nanonood siya sa TV, parehas na news ang nakita namin. Pero may picture sa tv.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang pamilyar na tatoo ni ate sa wrist.

Hanggang sa bumukas ang pinto sa sala at tumambad sa amin ang mukha ni ate, unharmed.

Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ate...." naluluhang sabi ko at nabasa na ang t-shirt niya.

"Bakit, anong nangyari?" Tanong niya saka napatingin sakin at kay dad.

"We thought na ikaw yung babae sa balita." Kalmadong sabi ni dad saka napatingin sa TV.

How can he be so calm in this situation?!

"Ate...." bulong ko sa kanya kahit nakayakap pa rin ako.

"Hmm?" Sabi niya sabay haplos sa buhok ko.

"Always protect yourself." Sabi ko at tumango siya. Napansin ko ang pag-itim ng buong mata niyang kulay asul kaya napatulala ako dun.

"Ano tinitignan mo sis?" Tanong niya sakin kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Wala ate. Napansin ko lang na nag itim yung mata mo." Sabi ko kaya bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya..

"Zien, bakit kaya nag iitim mata nila?" Tanong ko kay Zien na kinakain yung dogfood niya sa gilid ko, walang pake.

Napahikab ako at nagtaas ng kamay para mag-stretch ng makarinig ako ng pagkabasag.

Nagulat ako at napatingin sa salamin sa harap ko na biglang nabasag.. tumingin ako sa braso kong nag-iinit, kulay violet.

Hala hala.. paano 'to? Papagalitan ako ni dad.

Narinig ko ang kalabog ng pinto at nakita sina dad at ate sa gilid. Lumapit sakin si dad at hinablot ang buhok ko.

Ang sakit. Ramdam ko yung sakit sa anit ko, parang mapapanot na ako. Hindi ko ininda yung sakit. Kahit kita sa mukha kong nasasaktan ako.

"What have you done woman?!! You broke the glass!! Ngayon ikaw magbayad niyan." Sabi nito saka hinila ako at itinulak sa bubog.

Pagtingin ko sa kamay ko'y punong puno ito ng dugo at mayro'n din sa braso. Wala lang, sobrang sakit lang. Lalo na siguro pag nilagyan ng alcohol. The pain really stings. Ouch.

Napatingin ako kay ate at napansin ko ring nagbago ang aura niya. Tila napalitan ito ng itim. Malayong-malayo sa magaan at malambing niyang asta kanina.

Umirap ito at tumalikod. Sumara ang pinto ng hindi niya hinahawakan. Teka namamalikmata ba 'ko?

Hindi ako umiyak. Humagulhol. Tahimik lang. Pero hindi ko rin namalayan na tumutulo pala ang luha ko. Hindi lang sa sakit. Kundi sa trato nila sa'kin.

Lumapit sakin si Zien at napatingin ako sa mga bubog. Teka, asa'n sila? Naging malinis ang kalat. Hindi ko alam kung bakit. Paranoid na ba ako?

Nakita ko ang mata ni Zien at napansing nag-violet ito. Para akong nanlalamig sa tingin niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Sa sobrang lamig ay napapikit ako. At biglang naging normal. Hindi na malamig. Pagmulat ko'y nakayakap sakin ang aso ko. Nakalagay ang ulo sa balikat ko. Yumakap ako sa kanya pabalik at napansing nawala ang sugat ko sa kamay at braso. Ano 'to? Biglang nawala? At yung salamin, normal na ulit. Anong nangyayari?

Nagising ako sa sobrang pawis. Hinihingal akong napaupo at nagsimulang tumingin sa paligid.

Kumunot ang noo ko ng napansing wala ako sa kwarto ko. Nang luminaw ang mata ko'y napasigaw ako sa gulat.

Where the heck am I?!!

----------
Mei

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon