(3)

8 3 0
                                    

I'm. Maybe hallucinating?

Damn this!!

Naiinis ako. Where am I? Ito na ba ang punishment ni dad sa pananagot ko sa kanya? Ang mapunta sa isang 3D?

3D ba to? Puro drawing. Pero naamoy ko ang preskong hangin. Puro puno at bulaklak kasi dito. Para kang nasa magical world? I hate this punishment. Gustong-gusto ni dad na naiinis ako sa kanya.

May sumulpot na portal sa harap ko. Syempre napa-atras ako sa takot baka halimaw ang lumabas d'yan e. But I know that those shits don't exist.

Lumabas si Zien!!

Niyakap ko ang aso ko. Siya lang ang kilala ko dito sa mundong 'to. Pero nakakapagtaka, drawing rin siya. Tinignan ko ang braso ko. Drawing rin!! Anong nangyayari? Nanlalaki ang mata kong tumayo at naghanap ng lawa o ilog, basta may tubig. This is bullshit. I hate this.

Nakahanap ako ng lawa at tinignan ang mukha ko. Nakakapagtaka, drawing rin. I just admired my drawing slash anime version. Ang ganda kasi. Maiingit ka. Kidding.

Tumingin ako kay Zien na nakaupo sa tabi ko.

"May kinalaman ka ba sa mga nangyayari sakin?"

Tanong ko sa kanya at tumingin lang ito sakin. How pathetic Jill, hindi magsasalita ang animals. Stupid.

Tumingin lang ito sakin at nag-iba ang balahibo nito. Naging puti. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umatras pero may pumipigil sakin.

Naging violet rin ang mata niya. Anong nangyayari?

'Hi.'

Sino 'to? May nagsasalita sa isip ko?

'Hoy.'

Luh. How dare he call me like that?! May pangalan ako idiot.

'Tumingin ka sakin.'

Paano ako titingin sayo eh hindi ko alam kung nasaan ka?!

'Aso ako. Boba.'

Tumingin ako kay Zien na nilabas yung dila niya. Bastos na aso! How dare he call me boba? I got a doctorate in my course!!

'The doctorate in this world is nonsense hooman. Yu need to practice your powers. So that we can find a chimkin to eat to.'

So demanding! How dare you command me like that? I'm the human here.

'Exactly. You're the hooman. You can hunt food so we can eat.'

Hindi ka na sumusunod sa'kin Zien ha?! Bad dog. Nag puti lang balahibo mo feeling mo precious ka na.

'I really am precious.'

Argh! Stop reading my mind you stupid dog!!

Para kaming mga tuod dun na nag uusap don ng tahimik nang tumayo ako para kumuha ng kahoy para sa lutuin ang kakainin namin. Gutom na rin kasi ako e. Anong oras na ba?

*Woo woo woo!!*

*Rukutukutong! Rukutukutong! Rukutukutong! Rukutukutong!*

O gosh. I'm seeing a live porn between two doves. Pinabayaan ko lang sila at nag hanap ng kahoy.

Nilapag ko ang kahoy sa gitna habang tumitingin sakin si Zien.

"Nung tinitingin-tingin mo d'yan?!" Sabi ko saka umupo sa madamong sahig.

'Light up the wood hooman.'

"Aba, paano magkakaro'n ng apoy yan eh hindi naman ako marunong gumawa ng apoy. Do it stupid!" Sabi ko saka pumunta sa lawa at nagsalok ng tubig sa kamay ko para mainom. Pampa-pawi ng gutom. Tastes sweet. What kind of water is this?

Napahiga ako sa damuhan at sandaling pumikit. Paano ba ako napunta dito? Ganun pa rin naman yung suot ko. Simpleng black shorts at white t-shirt. Pero pa'no ba ako nakapunta dito?

Sarap pigain neurons ko para maka-isip ako ng maayos.

Nag suot ako ng eye mask bago matulog. Tama! Yung eye mask! Asan na ba yun?

Kinapa ko yung mga bulsa ng shorts ko and there! The eye mask.

Tinignan ko yung black part ng eyemask.

'You can't go back agape. Unless you know how to reach me.'

Sino ba 'tong agape-agape na 'to?! Bullshit!!

Tinapon ko yung mask sa lapag at napansing kinakain ito ng lupa. What's happening?!

Sinubukan kong hablutin yung eyemask pero huli na eh. Kinain na siya ng lupa. Tumingin ako kay Zien na kumportableng nakahiga lang sa damuhan, tulog.

"Zien!! Paano ka nagiging kalmado dito eh hindi naman natin to mundo!! Kaisa isang bagay na magpapabalik sa'tin sa dati, nawala pa. Kainis!!

'Eh tinapon mo eh. Kasalan mo' sabi nito habang nakapikit.

Leche 'tong asong 'to. Sa isip ko nagsasalita. Kainis.

"Maglalakad-lakad na lang ako. Maghahanap ng pagkain kasi wala kang wenta." Sabi ko saka tumayo.

'Good.'

Leche 'tong asong 'to!! Ang bait-bait ko sayo ta's gan'to isusukli mo sakin?! Why are they treating me like this?! Kainis.

Naglakad na lang ako at tumingin sa paligid.

Ang ganda ng paligid. Puro makukulay na bulaklak at mga mahihiwagang puno. Na-wi-weird-uhan na rin ako kung bakit nagustuhan ko ang pagka-magical nito.

Nakakita ako ng rabbit. Lalapit na sana ako kaso kusa na itong lumapit sakin.

"Ohh how cute." Sabi ko habang hinahaplos yung balahibo niya.

Nagulat na lang ako ng nag itim ang balahibo nito at lumaki. Parang halimaw.

Nasindak ako't napaupo. No, this is a dream right? I hope so.

Lumapit sakin ang rabbit at paatras ako ng paatras. Nang biglang hindi na ako makagalaw. What's happening?!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko ng umalis sa nightmare na 'to. Ayoko na, I may be bad but I have a weak heart. Gusto ko nang magising.

Pumikit na lang ako nang may maramdaman akong matulis na dumaplos sa braso ko. Kuko pala nung rabbit. Napatingin ako sa braso kong punong-puno ng dugo. Pero hindi pula. V-violet? Pero may red rin, konti nga lang.

Nakita ko ang rabbit na bumalik sa normal at may pumuntang lalaki sa kanya at hinawakan siya.

Nagkatinginan sila sandali bago tumingin sakin.

Parang kami rin ni Zien? Pero sa isip rin ata sila nag-uusap.

Ang weird ng tingin sakin ng lalaki. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita..

"Royal blood ka?"
-------
Mei

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon