Binuksan ko ang mata ko. Where am I?Saan ako dinala ng salamin na yun? Is this the portal to my real world? Mirrors? and I forgot that I'm sleeping ng nakatayo?! What a crap.
Tumingin ako sa taas at puro itim at puti na spiral. gumagalaw, parang optical art. tumingin ako sa baba at ganun rin. I'm surrounded by these shits, paano makalabas?
"Hulaan mo~ hihihihi~" pabaklang boses na naririnig ko sa kung saan. Is he reading my mind?
"Tonta. gurlaloo akoo noh~!"
hmph, inintindi pa ang kung ano-ano. tss
"Isipin na lang natin na ako ang momzhie moh~!" sabi niya at may narinig akong bell. "at nandito ako para bigyan ka ng~~.........WARNING DAI~!", bahagya akong napatalon at napapikit ng sumigaw siya.
"Alam moh~ sa mundong ito ay marami kang kaaway! and yu gotta kick them hir at that and there! kahit sa betlog, keribumbum basta hindi ka nila majijebag!" napakunot ang noo ko sa sinasabi niya.
"andaming echowzera ditez! kaya ingat ghorl~~~ Babushhh!" at sa isang pitik niya'y nagising na ako.
sobrang sakit ng ulo ko, pinikit ko ulit ang mata ko at sinubukang tumayo. What is that bullshit? Kinausap niya lang ako sandali tapos namimintig sa sakit yung ulo ko. Fuck him- este her.
"hoy. ano bang ginagawa mo sa sahig? ayaw mo na ba sa malambot na kama? edi sana pinatanggal ko na yang higaan." napakunot ang noo ko at tinignan kung sino ang nagsalita. sino 'to? lumalabo ang mata ko at biglang luminaw. nanlaki ang mata kong tumingin sa lalaking nasa harap ko. maputi at maputi rin ang buhok!! sino 'to?
"Sino ka?" tanong ko at tumayo saka pinagpagaan ang damit ko at humarap sa salamin. Tumingin ako dun lalo at mas lalong nanlaki ang mata ng totoo kong mukha ang nakita ko! hindi drawing!! was this true?!
Hinawakan ko yung iba't-ibang parte ng mukha ko at hinawakan yung salamin pero hindi naman ako nito hinila paloob. anong nangyayari? what the fuck?!
"nahihibang ka na ba mahal na prinsesa? nagkaroon ka lang naman ng ensayo kahapon ay nakalimutan mo na ako? ako 'to, yung tinatawag mong hinayupak." sabi niya at palarong ngumisi.
Forsten? siya 'yun? sinubukan kong hawakan yung mukha niya at lumayo siya.
"Anong gagawin mo?" sabi niya at napakunot ang noo.
tinanggal ko ang kamay ko at sinabing wala.
Umalis na siya ng kwarto pagkatapos sabihin na kakain na pagkalipas ng isang oras. Maaga pa kasi at pumunta lang daw siya dito dahil trip niya, pake ko daw. Psh if I know, worried yun sa akin. Don't say that I'm Assumera ha? Kasi alam ko na, huwag mo nang ulitin, parang sirang plaka lang.
Humarap ulit ako sa salamin at tinignan ang mukha ko. Totoo ba 'to? Wala nang bawian? O baka joke lang 'to? Tinapik tapik ko yung pisngi ko saka naisip na para akong baliw kaya tumigil ako. Sinubukan kong hawakan yung salamin pero hindi na ako nito hinihigop paloob. Ano bang nangyayari sa akin? Nanaginip ba ako? Hindi kapani-paniwala ang anime-ambianced look, at mas lalong di kapani-paniwala ang napunta ako rito gamit ang salamin. What is this shits? I'm tired of thinking so many things na parang nasa isang fantasy movie lang. Hindi totoo, fictional.
Napa-isip din ako. Hindi kaya nasa isang libro ako? Teka, paano ako mapapasok sa isang libro? That kind of thinking is too old. Nag-e-exist lang siya sa fantasy stories. Nuclear era na kaya, puro advanced technologies na ang nakagisnan ko kaya bakit ako mag-iisip ng ganito? Bullshits.
Kahit na wala akong ginawa masyado ay sobra ang pagod ko. Kasi naman, kung ano-ano ang iniisip ng utak ko. Hindi kapani-paniwala ang nasa paligid ko ngayon. Do I just go with the flow?
BINABASA MO ANG
Illusion
FantasyJillian Mhariz Wei, ang malditang babae na napunta sa mundo ng anime? Hindi ko sinasabing nandito sina Naruto and other famous anime character but the ambience is anime-themed. It felt surreal. Drawing ang lahat kahit siya. At nakapunta siya rito ga...