Nagising ako na masakit ang katawan. Mag iisang linggo na nong nagsimula kaming mag practice. At bawat araw may pag babago sa routine namin. Kainis. Bumangon na ako at pa ika-ika na pumunta sa kusina at dumura ng panis kong laway -.- nag mumog na ako at bumalik ng kwarto.
Di ka ba babalik ng eskwelahan Selene? Biglang sulpot ni tita sa pintuan ng school namin. Parang kabute si tita. Pa sulpot sulpot kung saan-saan.
Ahhh mamaya pa po tita. Ngayon na kasi mag sisimula yung housing namin eh. Don na kami matutulog umpisa ngayon. Inayos ko na ang aking mga damit na gagamitin.
Ahhh okay sige. Sabi ni tita at umalis na siya. Di ko pa pala nasabi sa inyo na mananahi si tita. Sikat siya na mananahi dito sa lugar namin. Binilisan ko na ang pag aayos para maka balik na ng school. 7:43 na kasi. 9 ang calltime namin. Dapat before 9 sa dance room na kmi. Pagkatapos kong mag ayos ay nag timpla ng energen charaaap. Ito nalang yung breakfast ko. Tinimpla ko na siya at mabilis na ininom. Di naman kasi masyadong hot yung water na inilagay ko. Mas hot pa nga ako eh^-^
Posssshaaaa. Possssssshhhhhaa (tunog ng poso yan. Wag komontra)
Mabilis na napuno yung tab at tinanggal ko na ang aking bra at naligo na. Oyyy wag dirty minded naku. Syempre may damit pa ako bra lang yung kinuha ko. Mabilis akong natapos at nagbihis na din ako. Nag suot ako ng skirt at tshirt na fit with matching shoes na sprinter. Tinuck-in ko yung damit ko para makita yung small waist ko. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin.
Magkikilay ba ako? Wala sa sarili kong nasabi kasi namn parang gusto kong magpaganda hehe. Pero tiningnan ko yung cp ko kung anong oras na.
8:30 na pala. Nag desisyon ako na wag nalang magkilay. Next time nlng. Pinasadahan ko ang aking sarili..... ang..... sexy ko. Umalis na ako dala ang bag ko na may damit at unan. Nakarating ako agad sa gate ng school namin. Syempre pinagtitinginan ako. I just ignored them. Dumeretso na ako sa dance room namin at nakita kong andon na sila. Ako nalang kulang.
Bat ngayon ka lang Sel? Tanong ni Ven habang nag aayos ng kanyang foam. Sheeet. Wala akong dalang tulugan. So stupid.
Ahhh wala tinatamad pa nga ako na pumunta dito eh. Pero ayoko ding ma late. Sabi ko habang nilalagay ang mga dala ko sa gilid. Naghanap ako ng mahabang tela yun nalang tutulugan ko. May nakita akong palda na mahaba kulay pink na matingkad. Costume to sa folkdance eh. Alam nyo ba na di ako sumasayaw ng folkdance? Di ko talaga sya bet kasi yung beat ng music parang di ako napapaindak hahaha. Pero syempre minsan wala ding choice sumasayaw din. Ang gulo kong kausap -.- inayos ko na ang hihigaan ko at nahiga na syempre anong purpose na inayos ko dba? (Inaaway ko talaga yung sarili ko minsan haha). Humiga na ako at nag ce-celpon. Naalala ko na naman yung gwapo. Pero parang habulin siya ng mga babae. Pag siya naging jowa ko eh di madami akong kaagaw niyan.
Oy Selene andyan na si sir. Pagising sakin ni Jay. Tumango nlng ako at tinupi yung mga palda. Nakatulog pala ako. Di ko man lang naramdaman. Well sabagay wala namang taong nakakarandam na natutulog siya eh.
Dala niyo ba lahat ng gamit na kailangan ninyo? Tanong ni sir habang kumakain na naman. Kaya di siya lumiliit eh. Lamon ng lamon.
Okay then. Mag warm-up na kayo. Pagkatapos niyang sabihin yon umupo na siya at pinagpatuloy niya ang pagkain niya. Lumabas na kaming apat at nagkanya-kanyang warm up kami. Hinawakan ko ang railings ng building at lumiyad at dinadahan-dahan kong isalin salin yung ulo ko, left and right hanggang maging graceful na siya.
Ackkkkk. Ansakit talaga sa likod. Naiinis kong sabi. Kahit konting oras lng eh masasaktan ka talaga. Syempre sino ba naman ang sasaya kung konting oras lang ang binibigay ng partner nila? (Wala to na insert lang siya^-^)
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Non-FictionL O V E Isang salita, apat na letra pero kailangan ng malalim na explenasyon para maintindihan. Pero may nakakaintindi ba talaga sa salitang LOVE? Everyone has a unique love story. Minsan masaya Minsan masakit At may mga bagay na dapat tayong isakri...