Please read my note po sa ilalim. That's all. You can now read hihi.
Manong bayad po. Sabi ni sir sabay abot ng kanyang bayad. Nakasakay kami ngayon sa isang jeep papunta sa pinag orderan namin ng bagong dancing shoes. Sabi pa ni sir paghandaan daw namin kasi siguradong magkakasugat daw kami kasi leather daw yung tela at napakahigpit daw nilang gumawa ng sapatos. One week nalang at mag ko-compete na kami hays ang bilis ng panahon.
Nakarating na kami sa pinag-orderan ng aming sapatos at pumunta na sila ni sir sa cashier. Kami naman naka upo lng sa waiting area nila. Ang dami nilang sapatos dito. Iba-iba ang designs. May pang Latin American, modern standard, jazz shoes pati nga pointé shoes meron din sila. Having a pointé shoes is one of my dreams talaga at sinabihan ko si nanay Rose tungkol doon. Sinubukan niyang bilhan ako sa America noon pero hindi pwede kasi dapat doon talaga ako kapag susukatin yung size. Kaya hindi na natuloy.
Okay guys. Try it on. Napatingin ako sa nilagay ni sir na sapatos sa harapan namin. It's a nude color dancing shoes. Bawal daw kasi ngayon ang nag shi-shine na color or ano man. Sinubukan ko na yung akin at perfect ang fit niya pero panigurado kapag sa matagalan na sayaw mag kakasugat ako nito.
Okay naman sayo Sel? Tanong ni sir habang naka squat at chini-check ang sapatos.
Okay naman dhay. Fit na fit siya pero sa pang matagalan na sayaw sigurado akong magkaka sugat. Pag-aamin ko sakanya. He just nodded his head na para bang naiintindihan niya. Tumayo na siya at bumalik sa counter. Ginalaw-galaw ko ang paa ko at medyo hindi ako komportable. Pero bahala na. Wala ng magawa eh. Bumalik si sir na nakangiti, baka may good news siya.
May good news ako. Bibigyan nila tayo ng discount. 2500 ang shoes niyo diba? Magiging 2350 nalang siya. So ibabalik ko ang sobra sa inyo okay? We just nodded our heads. Yeah, tama ang basa ninyo. Kami po ang bumibili ng dancing shoes namin. Hindi pa masyadong nasusuportahan ang sports namin kasi bago palang kami. Kaya sabi ni sir dapat mag papa-impress kami para daw next year bibigyan nila kami ng 100% na suporta.
Ahhhhh sheeet. I'm so tireeed. Sigaw ni Ven nong nakarating na kami dito sa dance room. Kaming apat lang yung nandito si sir kasi nagpaiwan sa baba kakausapin daw ang head ng MAPEH. Umupo nalang din ako sa aking spot kasi nakakaramdam na din ako ng pagod. I look at the mirror na nasa harapan ko. Ang oily na ng mukha ko and when I touched my neck ang lagkit-lagkit na din. Kailangan kong mag half bath pero natatakot ako sa cr na mag-isa, may mumu kasi daw doon. Marami nang kwento ang narinig ko like nong nag ha-housing din kami dito may nagparamdam daw sa kasamahan ko kasi mag isa siyang pumasok sa cr kaya di na ako nag try. Takot ako eh. Nakaramdam na ako ng antok kaya naman humiga nalang ako at pumikit.
Guys gising na. Nakaramdam ako ng may sumisipa sa akin. Inis kong minuklat ang mata ko at masamang tiningnan kung sino man ang naninipa.
Gising na Selene. Sabi ni sir at sinipa ako uli sa paa. Tsk. Anong problema niya. Bumangon nalang ako at tumingin sakanya.
May meeting kayo before maghapunan. Lahat ng athlete required na umatend. Kaya alisin niyo na ang pwet niyo jan sa higaan niyo at mag hilamos na kayo dun. Sabi ni sir pero wala ni isang sumagot sa amin. Naalimpungatan yata kaming lahat. I grab my bag at parang sign sa kanila yon na gumalaw na din.
Goodafternoon athletes. Sabi ni maam na sports coordinator. Nag good-afternoon na din kami at tumahimik ulit. Nilibot ko ang mata ko. Hinahanap ko si Xander hehe. And there I found him and he's looking at ms. sports coordinator na bored ang mukha. Yung walang ka interes-interes. Pero ang gwapo niya pa din hays.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
No FicciónL O V E Isang salita, apat na letra pero kailangan ng malalim na explenasyon para maintindihan. Pero may nakakaintindi ba talaga sa salitang LOVE? Everyone has a unique love story. Minsan masaya Minsan masakit At may mga bagay na dapat tayong isakri...