" Hey Win milktea tayo treat ko " aya ni Type.
" Sorry Type "
" May gagawin ka? "
" Maguusap kaming dalawa ni Bright ngayon eh "
" Oh i see! Basta balitaan mo na lang ako ah! "
" Okay Type Bye! "
" Sige Win mauuna na rin kami ni Tharn "
Nauna ng umalis ng classroom si Type kasama si Tharn habang ako naiwan para ayusin yung mga gamit ko ng maayos ko na nagpunta ako saglit sa library para isauli yung mga librong hiniram ko ilang araw na ang nakalipas tapos agad akong nagtungo sa meeting place namin ni Bright.
Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng paguusap namin ni Bright umaasa ako na sana maging okay ang lahat at maayos pa namin ang dati.
Pagdating ko sa coffee shop naroon na si Bright nakaupo sa mesa habang humihigop ng mainit na kape.
Agad akong lumapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit na mahigpit.
" I missed you! " Naka ngiting saad ko.
Agad siyang pumiglas sa pagkakayakap ko sa kanya bakas sa kanya ang pagkairita sa ginawa ko.
" Back off! " Inis na saad niya.
" I missed you so much! "
" Let's end this! " Seryosong saad niya sabay higop sa kape na hawak niya.
" Tell me why? "
" Basta nawala na yung spark at kilig na nararamdaman ko towards you "
" Almost 3 years tayo Bright ganun ganun na lang yun itatapon mo dami na nating pinagdaanan ngayon pa ba tayo susuko? "
Agad na tumayo si Bright pero pinigilan ko siya hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.
" Ano ba?! "
" No! Huwag mo akong iwan " saad ko habang unti unti ng tumutulo ang luha sa mga mata ko.
" Itigil mo na ito Win wala nang magbabago tapos na tayo "
Hinawakan ko ang mga paa ni Bright para pigilan siya sa pagaalis niya.
" Bright! Naman! May mali ba sa akin tell me? Magbabago ako ayusin natin ito? "
" Wala ng pagasa pa Win hindi na kita mahal "
" K-kahit hindi mo na ako mahal bright ayos lang naman sa akin basta huwag mo lang ako iwan kahit magmahal ka pa ng iba i'll stay by your'e side no matter what "
Ang dami ng nakakakita sa pangyayari pero wala na akong pakialam basta gagawin ko maayos lang relasyon namin ni Bright.
" Tumayo ka nga diyan nakakahiya sa iba! "
Agad akong tumayo at niyakap ng mahigpit si Bright kaso agad siyang pumiglas sa pagkakayakap ko sa kanya. Nasasaktan ako sa nangyayari sa amin ni Bright akala ko happy na kami pero hindi na pala.
Tama nga ang sabi ng iba na sa pagibig hindi lang puro saya may kasama ring lungkot at yun yung nararamdaman ko ngayon.
Humarap si Bright sa akin sabay halik sa labi.
" I Love You Goodbye " saad niya.
" Please.... Don't leave! "
" You deserve better man Win makakahanap ka rin "
" Ikaw lang ang una at huli kong mamahalin Bright "
" Sana sa muli nating pagkikita maging okay ka na "
" Hindi ko kakayanin Bright na mawala ka sa buhay ka nasanay na ako na nariyan ka sa tabi ko "
" Kayanin mo Win! "
" Please...... "
Muli kong hinawakan ang mga kamay niya pero agad namang binitiwan ni Bright ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya bago tuluyang lumabas ng coffee shop.
Lumabas na rin ako ng coffee shop ng magisa sobrang sakit ng nararamdam ko ngayon. Kasabay ng pagluha ng mga mata ko ang pagpatak ng ulan mula sa mahina hanggang sa papalakas lahat ng tao sa paligid ko nagsisitakbuhan upang makahanap ng masisilungan habang ako nakatayo at tulala sa daan at basang basa na sa ulan.
" Why?! " Malakas kong sigaw.
Napaluhod na lamang ako sa gitna ng daan nagiisa at basang basa.
BINABASA MO ANG
You Complete Me
FanfictionWhen the famous Playboy in Adamson University named Bright received a message from a stranger, but the thing is he's a guy.