CODE #06: Stranded

21 9 4
                                    

Elizabeth's P.O.V.

Dumating ang araw na hinihintay ko. Tatlong araw ang lumipas mula nang ipadala ako dito. Ngayon din ang araw na susugod kami sa Palawan. Kahit ako, hindi ko alam ang mangyayari doon, pero kahit papaano ay panatag ako dahil alam ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na susugod kami ngayon. Siguro naman ay napaghandaan na nila ito.

Ang tanging ikinababahala ko lamang ay si Commander Haru. Nitong mga nakaraang araw, lagi na siyang dumidikit sa akin. Mukhang mas magiging mahirap ang misyon na ito kaysa sa inaakala ko. Spying would be more difficult when you're the Commander's favorite.

"Ohayoo, soldier Hammwright."

"Haru." Tatlong araw palang ang lumipas ay nasanay na akong tawagin siya ng ganyan.

Madali lang siyang pakisamahan, kaya naman hindi ako nahirapan sa misyon ko. Minsan pa nga ay siya na mismo ang nagbibigay ng impormasyon sa akin kahit hindi ko tanungin. Noong una ay naiilang ako sa kanya, pero ngayon, komportable na ako sa tuwing kasama ko siya.

"Are you ready for the attack later?"

"Yes. How about you?"

"Well, I'm always ready. I'm also confident that we are going to win against our enemy," Masigla niyang saad.

Diyan siya nagkakamali. Siguradong matatalo kami ngayon dahil alam na ng mga Amerikano ang gagawin naming pagsugod. Nakakalungkot lang isipin na ang taong pinakisamahan ko ng ilang araw ay maaaring masawi dahil sa digmaang ito. Kung pwede lang sana na matigil na ang lahat ng ito. I want peace. Everybody want's peace. Sino ba namang hindi, diba?

"I hope so too." I whispered.

"Okay then. I'll see you after this battle. I will start to give orders now."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Sana lang ay ganyan pa rin siya kasaya mamaya kapag natalo ang grupo namin.

"Okay Soldier! This is your Commander speaking, Sgt.Haru Tomuraki. And I'm here with Soldier Sadequi." Bigkas niya sa harap ng mga sundalo.

Napatayo kaming lahat at sumaludo sa kanila. Soldier Sadequi wave at us and of course, he saluted too.

"He will help us attacked the Filipino and American soldiers." Pagpapatuloy niya. "So now, proceed to your designated choppers. We are going to attack them in less than an hour."

Kanya kanyang sakay na ang mga kasamahan namin. Pumunta na rin ako sa helicopter na para sa aming mga babaeng sundalo. Nakahanda ang mga baril at bomba namin para sa gagawing pagsugod.

Lumipas ang mga limang minuto bago isa isang nagsiliparan ang mga helicopter. Isa na siyempre doon ang sinasakyan ko. I feel nervous. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari mamaya.

Nang makarating kami sa tapat ng Palawan, kanya kanyang suot na ng parachute ang mga Hapones at German na kasama namin. Ang iba ay nauna ng tumalon. Nanginginig akong isinuot ang sa akin bago tuluyang tumalon. Hindi ko man alam ang mangyayari sa ibaba, sana maging ligtas ako.

Pagkabagsak ko sa lupa, naroon na ang ibang mga kasamahan ko at nagtatanggal ng parachute nila. They're checking their bullet count and grenades. I copied them so that no one will suspect about me.

The last helicopter leaves, as Sgt.Tomuraki and Soldier Sadequi set a foot on the land. Ang alam nila ay napakalaki ng tyansa na manalo kami, o baka nga sigurado na silang mananalo kami dahil sa pagsasanib pwersa nilang dalawa. They let the choppers go just like that. Umaasa kasi sila na pagkatapos ng pag atakeng ito, masasakop na nila ang Palawan. Pero nagkamali sila.

Code Of Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon