CODE #07: Aishiteimasu

32 11 4
                                    

Elizabeth's P.O.V.

The Filipino and American soldiers celebrate their victory. Hiyawan sila ng hiyawan at masayang masaya sa nangyari. Kakaunti lang ang nasaktan sa kanila, at walang namatay kahit isa. Samantalang ang mga kasamahan namin ni Haru ay nakatambak sa gilid, mga wala nang buhay.

Nakatago pa rin kami sa likod ng mga puno, nakikinig sa masasayang kwentuhan at tawanan ng mga sundalo.

"Tomorrow morning, we're going to leave this Island and rest to our main military base!" Masayang sigaw ng Commander nila.

"That's right. Matatagalan pa bago muling makabangon ang mga Hapones sa nangyaring kawalan sa kanila. Kailangan muna nating magpahinga!" Pag sang-ayon naman ng isang Pilipinong sundalo.

Naghiyawan ulit sila at nagkantahan pa. Nagsalo-salo sila sa pagkain at kaunting alak. Bukas pa ang alis nila, ibig sabihin, hindi pa kami makakahingi ng tulong sa mga kasama namin. Ilang oras pa bago kami marescue.

"Are you hungry?" Nagunlantang ako sa biglang tanong niya sa akin.

"No. Haru, did you hear what they have said?"

"Yes. But I cannot understand the other one." Tinutukoy niya ang wikang Filipino na ginamit ng isa sa mga sundalo.

"He said that you cannot attack them again until you gain your losses back." Sagot ko na hindi muna nag iisip.

"Whoah. You can understand them?" Nagtatakang tanong niya.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa nangyari at nasabi ko. Oo nga pala, isa akong German. Dapat ay hindi ko naiintindihan ang wikang Filipino. Now he will suspect about my real identity.

"I-uh... I-I learned it from... our base?"

"Huh?"

"I mean our base in Germany. Our Commander teach us how to understand the Filipino language. But I can't speak like them." Pagsisinungaling ko.

"Oh. That's pretty interesting."

"We have to get out of here before they came back." Pag iiba ko ng usapan.

"That's right. I still have the radio here. We can call some help when they move out of the island."

Tumango tango na lamang ako. Mabuti naman at hindi na siya nagtanong pa tungkol sa kung bakit ako nakakaintindi ng wikang Filipino.

Lumalim na ang gabi kaya naman naghanap na kami ng pwedeng silungan. Lumayo kami sa pwesto ng mga sundalong kalaban at naghanap sa ibang bahagi ng isla.

Nang makalayo na kami sa kalaban, hindi na kami nahirapang maglakad. Napakalayo na namin sa kanila na pwede na kaming mag usap na dalawa. Isa pa, hindi rin naman alam ng mga Amerikano na may naiwang dalawang kalaban dito sa isla.

"Soldier Hammwright." Pagtawag niya sa akin.

Napalingon naman ako sa kanya. Nginitian ko lang siya bilang tugon sa pagtawag niya.

"When did you decided to join the army?" Tanong niya.

"Oh. I'm just new. I joined the army last month."

"Okay. So, why did you joined?"

Napatigil ako sa tanong niya. Bakit ko nga ba gustong sumama sa militar? Biglang bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Lahat ng eksena kung saan nakita kong mamatay ang mga kababayan ko. Yung walang habag na pagpaslang at pagsunog sa kanila ng buhay. Lahat iyon. Iyon ang mga dahilan. I hate to see my people dying while I'm sitting on my room, safe and sound.

Code Of Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon